WES
Kamari Javallena, babaeng kailanman ay hindi ko talaga lubos na nakilala. Ang alam ko lang ay anak-mayaman siya at ma-sekreto lalong lalo na pagdating sa kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman niya.
Una ko siyang natagpuang tulala malapit sa dagat. Sa pagkaka-alala ko ay grade 4 pa kami non. May sinusulat din siyang kung ano sa notebook niyang sobrang kapal.
Ako ang unang lumapit sakanya kahit na sa tingin ko ay hindi niya naman ako kakausapin. Chempre kasi anak lang naman siya ng mga Javellana tapos heto ako, anak lang ng mangingisda---hindi naman sa kinakahiya ko ang hanap-buhay ng mga magulang ko, ang punto ko ay sobrang layo ng antas namin sa buhay, out of league ata ang tawag 'don.
Pero sa hindi inaasahan ay kinausap niya rin ako non, akalain mo nga naman. Ang sabi kasi ng mga kalaro ko dati na kapag mayaman daw ay matik maldita o di kaya mapag-mataas, pero si Mari, hindi. Iba siya.
Pero siguro wala lang talaga para sakanya na anak lang naman siya ng mayayaman dito sa Villahermoso, 'yun din ata ang dahilan kung bakit siya mas minahal ng mga tao dito.
"Wisong, ihatid mo nga to doon sa Aqua Planet" tawag sa'kin ni nanay sabay bigay ng isang plangganang may mga pusit, hipon at mga alimango.
"Nabayaran na nila yan" dagdag niya pa.
Wala akong choice kundi ang ihatid ito don, kailangan ko pang sumakay ng traysikel kasi aabot ako ng isang oras kung lalakarin ko pa 'yun. Nasa pinaka-dulo kasi ang Aqua Planet, sikat na resort dito sa Villahermoso at itong mga dala ko ay kailangan para sa buffet ng resort na iyon.
Nang makarating ay kaagad akong tumungo sa backdoor at pumasok sa kusina ng resort.
"Salamat sa pag-deliver nito, Wes" ani Ateng Halley, ang head chef nila dito.
"Walang anuman, ateng. Una na ho ako--"
"Teka, kumain ka muna dito" paghinto niya sa akin sabay bigay ng isang platong may adobong pusit, daing na bangus at kinilaw! Sino ba naman ako para tanggihan ang grasya diba?
"Salamat ateng!"
"O sya, doon ka kumain sa cottage 13, nandon sina Adi at Kiera"
Ngumiti muna ako at nagpasalamat ulit at tsaka tumungo sa cottage na binanggit niya. Nang makarating ako roon ay wala akong nakitang Adi at Kiera pero dahil gusto ko ng lasapin itong mga pagkaing hawak ko ngayon ay hindi na ako nag-atubili pang umupo don, at tsaka nag-simulang kumain.
Tulad kahapon ay maaliwalas pa rin ang panahon pero sobrang init kahit na mag-aalas-singko na. Abril na kasi kaya grabe ang sikat ng araw.
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...