MARI
Maghahating-gabi na pero andito pa rin kaming tatlo sa central plaza. Nabibilang nalang ang mga tao dito at nagsisimula nang magsirado ang mga tindahan.
"Uwi na kaya tayo? Lagpas na tayo sa curfew, baka mahuli tayo" ika ni Yuan habang inaayos ang mga pagkaing natanggap nila sa kahon.
"Mabuti pa. Baka nga naka-uwi na talaga siya" ani naman ni Jah. Tumayo na rin siya sa pagkaka-upo at tinulungan si Yuan.
'Yun nga rin ang nagpapataka sa akin e. Kung umuwi na talaga siya, malamang sa malamang ay magcha-chat siya sa akin o kay Yuan. Pero wala e, wala talaga siyang pasabi.
Nahalata ata ni Jah na nag-aalala pa rin kaming dalawa ni Yuan kay Wes kaya inakbayan niya kaming dalawa't ningitian "Ano ba kayong dalawa? Ayos lang si Wesley, panigurado! Tingnan niyo bukas, magpapakita na yun" aniya na para bang binibigyan kami ng assurance na ayos lang naman talaga ang lahat.
Tumango na lamang ako't ningitian siya pabalik, ganon din si Yuan.
"Hali na, umuwi na tayo"
Sabay kaming nag-lakad papunta sa mga bahay namin. Nang marating na namin ang crossing ay naghiwa-hiwalay na kami dahil magka-iba ang daan namin.
Nang makarating ako sa bahay ay tulad ng inaasahan ko ay madilim at tahimik na sa loob. Malakas naman ang loob kong walang sasalubong sa aking mga pasa kasi wala naman ang amain ko ngayon.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ko man nadatnan si Alejandro pero si mama naman ang nandon. Tahimik siyang naka-upo sa sofa habang nanonood ng TV.
"Mama?" tawag ko dito. Kaagad naman siyang lumingon sa akin ma blangko ang mukha.
"Ma, sorry na-late ako ng uwi. May nangyari po kas--"
Natigilan ako nang tinapik niya ang sofa sa tabi niya na para bang sinasambit na umupo ako doon.
Kaagad naman akong umupo sa tabi niya habang iniiwasan pa ring tingnan ang mga mata niya.
"Ma, may kailangan ka po ba--"
Natigilan nanaman ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko't tinaas ang long sleeves ko. Tinitigan niya namang mabuti ang kung anong nasa pulsuhan ko.
Like I said, it was slowly fading but the scar was still there, visible in a naked eye. Nilagyan ko na ng sebo de macho't lahat pero hindi pa rin talaga nawawala ng tuluyan. Pero ayos lang, kahit papaano naman ay kumukupas.
"I just realized that I never gave you a chance to explain everything, or to rant about your school, or to tell me what you really feel when I am in fact, your own mother"
Sinabi niya ang mga salitang yun ng pabulong, sobrang hina, pero rinig na rinig ko. Bawat salita, talagang pumasok sa isipan ko.
Gusto kong umiyak sa totoo lang. Kasi sa wakas, na-realize na niya ang mga bagay na iyon. Matagal ko nang hinihintay na mangyari to.
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...