"Kita na lang tayo mamayang pananghalian" ani Yuan sa aming dalawa ni Wes. Naiba siya sa amin kasi ABM kasi ang pinili niyang strand.
"Ghe ghe" si Wes.
Nang naglakad na si Yuan papuntang ABM building ay inakbayan ako ni Wes "Natatakot ako, Mari"
Natawa na lamang ako sakanya kasi bakas sa mukha niya ang kaba at takot "Akala ko ba, hindi ka matatakot?" sabi ko habang pinapaalala ang sinabi niya noon sa may karaokehan sa WOF.
"Dati yun, iba na ngayon"
"Ano ba, madali lang 'to. Mahalin mo lang ang math at science" I tried encouraging him even though I, myself is anxious as well but here he is, scratching his forehead.
"Sinubukan ko namang mahalin yang dalawang yan, sila lang ang ayaw mag-mahal sa'kin"
Binatukan ko siya ng mahina "Ang dami mong alam"
Napahawak naman siya sa batok niya "Grabe, kailan ka naging bayolente?"
"Ang OA mo naman. Mahina lang naman yun"
"Masakit naman!"
"Huh?!"
Napalingon nalang sa amin ang ibang mga estudyante. Sino ba kasi ang hindi mapapalingon e nasa gitna kami ng pasilyo at babangayan.
"Alam mo, pumunta na tayo sa room. Baka ma-late tayo" sabi niya at inakbayan ulit ako at pumunta sa building ng STEM. Unfortunately, hindi kami classmates. STEM - Zeus kasi ako at STEM - Aphrodite naman siya.
"Ipagdasal mo ako, Mari" aniya nang makarating kami sa room niya. Nasa 1st floor kasi sila at yung akin naman ay nasa 2nd floor.
"Huwag ka ngang OA, mag-iintroduce yourself palang naman ngayon"
"E pano kung biglang magpa-quiz?"
Hindi na ata 'to madadala sa 'Kaya mo yan' kasi kanina ko pa siya sinasabihan n'yan pero heto nanaman siya, kinakabahan.
"Ganito nalang, umasa ka nalang sa stock knowledge mo"
"Wala akong stock knowledge sa GenMath, madam" naka-simangot na mukha niya kaya natawa nalang ako. Pwedeng pang-meme ang mukha niya ngayon.
"Kalma ka nga lang"
Huminga siya ng malalim na para bang tanggap niya na "Sige, wala naman na ako choice"
"Bakit ba kasi sumunod ka sakin? Kung nag TVL ka kaya? Magaling ka namang mag-luto ah?" sabi ko, tas ngayon ko lang na-realize na 'oo nga no? bakit hindi nag-TVL to?'
"Sabi kasi sa internet, high-paying jobs daw ang mga galing sa STEM. Gusto kong yumaman, ganun"
"Sa ABM din naman ah?"
"Gusto nga kasi kitang sundan"
Hay, ewan nalang.
"I give up. Basta sa lunch, kita tayo don sa may mga tambayan"
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...