Bitbit ang bago at makapal na notebook na nabili ko doon sa may maliit na mga bangketa ay lakad-takbo akong pumunta sa tabing-dagat.
Tulad ng inaasahan ko ay nandoon si Mari na tahimik na naghihintay, halatang malalim ang iniisip.
Kaagad akong lumapit at umupo sa tabi niya. Ilang segundo pa kaming binalot ng katahimikan bago siya nagsalita.
"Anong trip mo at niyaya mo ako dito ng ala-sais?" tanong niya habang nilalaro ang mga bato sa harap niya.
"May sasabihin, malamang"
Narinig ko siyang huminga ng malalim "Mabuti naman at pumunta ka agad kasi kung hindi, baka nag-wagi nanaman ang mga boses sa utak ko" pabiro niyang sabi pero hindi yun nakakatawa.
Imbes na sabihan siyang tigilan niya ang dark humor niya ay hinayaan ko nalang siya, sana nga ay nagbibiro lang ang babaeng to.
"O? Anong sasabihin mo?" mahina niyang tanong pero hindi agad ako sumagot, hindi ko kasi alam kung paano ko ba sisimulan---para bang naba-blangko ako.
Nang hindi ako sumagot ng halos isang minuto ay bumuntong-hininga siya.
"Okay, ako muna ang may sasabihin sa'yo" aniya at tinitigan ang bilog na buwan sa kalangitan.
"May lalaki kanina sa karaokehan, ang ganda ng boses . . . hindi mawala sa isipan ko" mahinang ika niya. Sino naman kaya ang lalaking 'yun?
"Bat mo naman sinasabi yan sakin?"
"Kasi namamangha lang ako" tugon niya naman.
"Ah" tanging tugon ko. Hindi naman sa wala akong interes kung sinong lalaki ang narinig niya doon sa karaokehan, hindi ko lang talaga alam kung anong sasabihin ko. Ang random kasi.
"Ayun . . ." aniya at tsaka sa wakas ay lumingon sa akin.
"Magsi-6:25 na, ano ba ang sasabihin mo?" nagmamadali ata talaga siya, baka pagalitan nanaman ng mama niya.
Kaagad ko naman nang hinablot ang notebook na naibili ko at binigay 'yun sakanya. Chempre ay kaagad na kumunot ang noo niya.
"Ano 'to, Wes?"
Napa-kamot na lamang ako sa batok ko "Notebook, malamang"
"Alam ko--para san?"
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo namin, tinulungan ko rin siyang tumayo at tsaka kami dahan-dahang naglalakad sa tabing-dagat.
"Minsan, hindi ko maintindihan kung bakit mo ginagawa 'yan sa sarili mo" sabi ko sabay hawak sa pulsuhan niya "Dyan sa ilalim ng long sleeves mo"
Hinablot niya pabalik ang kamay at tinago ito sa likuran niya. Hindi siya nagsasalita at tahimik lang ring naglalakad.
"Iniinom mo naman ata mga gamot mo 'no?" tanong ko pero hindi ulit siya sumasagot. Hindi ko alam kung nagbibingi-bingihan lang siya o ano, hindi kasi nag-sasalita e pero siguro ang katahimikan lang talaga ang paraan niya sa pakikipag-usap.
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...