After our countless practice sessions, every strum of my guitar, every beat of the drum, every notes that Yuan hits and every words that Mari writes, the day of the festival finally came.
Maraming tao ang dumayo tulad ng inaasahan ko kasi nga sikat ang Villahermoso sa kalikhaan ng mga tao dito, at kung gaano sila kagaling.
Bawat bahay atang madadaanan ng mga tao ay may nakahandang pagkain sa kanilang mesa, wala din akong ibang nakikita kundi ang saya na nakapinta sa mga mukha nila.
Hindi ko rin tuloy maiwasang mapa-ngiti kasi hindi ko kailanman naranasan ang ganito kasayang araw sa isang lugar. Sabihan ko kaya sina ate na dito nalang ako titira hanggang sa huling hininga ko?
"So guys, sabi ni Mayor Dave, mamaya na dawng alas-otso ang Batallas de las Bandas!" hindi maipinta ang sabik sa mukha ni Selena habang sinasabi ang impormasyong iyon.
"At performer no. 9 daw tayo, second to the last" ani naman ni Conan.
Bigla tuloy akong nakapag-hiling na sana alas-otso na ng gabi kasi gustong-gusto ko na talagang ibahagi sa lahat ang kantang ginawa namin na sa sobrang ganda ay alam kong magugustuhan nila.
Sana talaga ay may susuporta sa'min. Malakas naman ang audience impact namin nong nakaraang nag-busking kami kaya hindi ko na ata dapat yun problemahin.
At dahil mamaya pang alas-otso ang contest ay naisipan muna naming mag-ikot-ikot na muna sa buong Villahermoso.
"Hindi mo pa rin ba nakaka-usap si Wes?"
Sina Yuan at Mari ang kasama ko ngayon sa pag-iikot. Kaya nang itanong ni Yuan ang tanong na iyon ay hindi ko maiwasang makinig.
"Hindi pa rin e. Pero gustong gusto ko na talaga sana siyang maka-usap ngayon. Bukas na kasi yung cooking show na sinalihan niya, gusto ko sanang mag-goodluck" rinig kong tugon ni Mari kay Yuan.
Kaya sumulpot ako "Edi kausapin mo"
"You make it sound easy" sarkastiko pero malungkot na tugon niya naman sa akin.
"Don't worry. Kakausapin ko siya mamaya--kung gusto mo, i-set up ko kayo? Pagkatapos ng Batallas de las Bandas?"
"Huwag na, Yuan. Okay lang" pagtanggi niya naman sa suhestyon ni Yuan.
"Ano ba, sigurado na naman ako na okay na sakanyang maka-usap ka. Gusto mo bang ganito na lang kayo palagi? Hanggang sa wala na talagang pansinan?"
Naalala ko tuloy si Leo. Sana nga talaga ay hindi yun manunood sa amin mamaya. Ewan ko nalang kung anong magawa ko sakanya kapag nakita ko ang pagmumukha niya mamaya.
Hindi sumagot si Mari kay Yuan, or should I say, wala talaga siyang masabi.
Patuloy lang kami sa pag-lalakad nang may biglang sumigaw sa pangalan ni Mari.
"Kamari! Happy fiesta!" bati nito kay Mari nang maka-lapit sa amin. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung nagtitinda ng gulay sa mga maliliit na bangketa.
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...