chapter 20

16 4 0
                                    

I was interested in everything that's why I have several hobbies

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I was interested in everything that's why I have several hobbies. I draw, I sing, I play some sorts of sports--you name it. As long as it really caught my attention or something that I find interesting.

But the thing is, I am also commited to nothing. 

Yes, I draw because that's what I've been doing since childhood and I love it so much (such as drawing pokemon characters--snorlax to be exact).

Yes, I sing because someone who's close to my heart encouraged me to do it. The thing is, it's not like she is forcing me, I actually love singing songs for her.

Yes, I play sports like basketball and that's also because she encouraged me to do that as well. That whole losing-weight-phase was the root of it all, para lang magustuhan niya ako.

Everyone says I'm a tausendsassa. I don't know if that's a compliment but I really am passionate on what I'm doing in life anyways. It's the only ways I get to enjoy life a bit happier.

Tulad nalang ngayon, hindi ko maipaliwanag ang kaba at excitement na nararamdaman ko. I'm going to do one of what inspires me in so many ways in front of so many people minutes from now.

"Back out ata ako brad, ang dami palang tao" ani Wes kay Jah nang makarating kami sa central plaza. Tulad nga ng sabi niya ay marami ngang taong nandito.

"Ha? Ngayon ka pa mag-iinarte?"

"Anong mag-iinarte? Nahihiya lang ako"

"O asan na ngayon ang kakapalan ng mukha mo? Kapogiang taglay pala ha?"

"Oo na! Sasali na!"

Simula nong araw na bumisita sila sa akin doon sa hospital ay mas naging mag-tropa sina Wesley at Elijah, yung para bang matagal na silang magkaibigan? Panay din kasi ang bangayan nila e.

Lumapit sa akin si Selena habang hinahanda ang bass niya.

"Ready ka na ba?" naka-ngiting tanong niya sa akin pero nasa bass pa rin niya ang tingin.

"Oo, ata" nag-aalinlangan kong sagot na nagpasalubong nga mga kilay niya.

"Ata? Bakit naman? Kinakabahan?"

Tumango na lamang ako "Oo, normal lang naman sa lahat ang kabahan"

"Ako rin, kinakabahan pero nasanay na. Madalas din kasi kaming mag-busking dati sa Sitio 5. Mas thrilling nga lang dito kasi ma-sining ang mga tao" talaga nga namang kinakabahang aniya sa akin.

"Ang solusyon lang naman nito ay pagkakaroon ng tiwala sa sarili"

Lumawak ang ngiting suot niya "Yun naman pala e, yan nalang ang isipin mo para mabawasan ang kaba mo"

Lumingon ako kay Wes na kausap sina Mari at Jah na parehong nag-tatawanan. Kahit na hindi ko naman alam kung bakit sila tumatawa ay nahawa din ako sa mga ngiti nila.

a girl, an oceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon