JAH
Nong una kong makita si Kamari, dalawa lang ang alam kong nararamdaman ko.
Una ay inis. Sino ba kasing hindi maiinis sa ka-tangahan niya? Unang araw ko pa nga lang sa bago kong eskwelahan, kamalasan kaagad ang naranasan ko.
Ikalawa ay pagka-mangha. Hindi normal sa aking mag-bigay puri sa mga babae pero nang makita ko siya ay parang nag-bago. Aware kaya siyang ang ganda ng kulay-tsokolate niyang mga mata?
Pero mas nanaig lang talaga ang inis lalo na nang malaman ni Basti na napilayan nga ako kasi walang tigil ang paggawa niya mga biro tungkol don. Ang hindi niya alam ay yung Kamari ang may kasalanan.
Pero dinedma ko nalang ang mga pangangasar niya at lumingon na lamang ako kay Kamari noon na may hawak na ballpen at halata namang may gustong isulat sa makapal niyang notebook.
Ang totoo ay hindi ko naman talaga sinasadyang hindi ko siya papansinin nong araw ngayon. I actually want to be close to her but for some unknown reasons, I can't help but act rude to her.
But when she helped me that same day during lunch time to get down the stairs made me realize she doesn't deserved to be treated the way I treat her.
Nag-alala rin ako nong nasigawan ko siya. That's why I just stopped minding her business and focused on studying instead; kasi yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako nag-transfer sa paaralang to. At para na rin malayo sa mga issue ko don sa dati kong paaralan.
"Sure ka ba na isasali mo yun, bro?" tanong sa akin ni Basti habang nag-lakakad kaming dalawa pauwi kasi malamang, uwian na.
"Si Kamari?"
"Oo--at tsaka yung . . . ano nga pangalan non? Basta pera yun sa ibang bansa e"
"Yuan"
"Oo, Yuan! Sigurado ka ba talaga?"
Nang may nadaanan kaming bangko sa gilid ng kalsada ay umupo na muna kami doon habang inuubos ang inom naming cobra.
"Technically, si Yuan lang naman ang kasali talaga sa banda. Sabi kasi ni Conan kagabi don sa karaoke house na ayaw na daw talaga bumalik ni Leo, tangina" tugon ko. Si Leo ang original na bokalista namin sa banda pero dahil nalaman niya ang sekreto ko ay kaagad siyang umalis. Homophobic nga naman.
"Okay sana kung umalis lang e kaso hindi pa siya nakuntento! Hinampas ba naman sa sahig yung baby mo" natatawa pero inis na sabi ni Basti. Ang ibig niya kasing sabihin ay bago umalis si Leo sa banda ay hinampas niya ang 'baby' ko, na electric guitar ko dati.
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...