MARI
Nang una kong narinig ang instrumental ng magiging kanta ng banda nina Elijah ay hindi ko maiwasang ma-LSS.
Unique kasi siya sa pandinig ko; na para bang hindi ko pa naririnig ang melodiyang iyon sa ibang mga kanta.
Kaya heto ako ngayon at naka-tambay lang buong mag-hapon dito sa balkonahe ng kwarto ko, nasa sa kandungan ang mga lirikong isinulat pati na rin ang notebook ko.
Siguro nga ay madali lang naman talaga para sa isang makata ang sumulat ng kanta. Hindi ko talaga sukat akalaing mag-susulat ako ng kanta na gagamitin para sa pinaka-hinihintay na aktibidad dito sa Villahermoso tuwing pyesta.
Iniisip ko pa nga lang na kakantahin at bibigkasin ni Yuan ang mga salitang pinagsama-sama ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng sabik.
Dahil daw Linggo ngayon ay hindi kami magkikita kaya sa uulitin, heto ako at nag-iisip pa ng mga linyang isasali, puro drafts pa kasi ang ginagawa ko.
Bukod sa gusto kong pang-isang araw lang itong sinisulat ko ay ayaw ko ring lumabas dahil naka-uwi nanaman ang amain ko.
Yung mga pasang binigay niya sa akin nong Miyerkules, hindi pa rin nawawala. Ayaw kong saktan niya nanaman ako kaya ako nalang ang lalayo, tulad ng nakasanayan.
Tahimik lamang akong naka-titig sa bawat letrang naka-sulat sa papel nang maka-rinig ako ng katok sa pintuan. Agaran ko naman itong binuksan.
Tumambad kaagad sa akin si Ate Karen na naka-simpleng bestida lang at magulo ang buhok.
"Ano?" kaagad na tanong ko kasi kung may kinalaman nanaman ito sa kung anong idiniagnose sa akin ay wala akong planong pag-usapan yun.
"Can I come inside?" mahinang tanong niya't lumingon pa sa loob ng kwarto ko.
Nakakapagababag talaga kasi hindi naman talaga kasi siya ganito. Hindi kailanman sumagi sa ekspektasyon kong papasok siya sa kwarto ko.
Pero siguro ay may gusto lang naman talaga siyang sabihin. Ang hindi ko lang alam ay kung ano at kung bakit sa kwarto ko pa.
Tumango na lamang ako at pina-lawak ang pagka-bukas ng pintuan ko at tsaka siya pumasok.
Tiningnan ko ang bawat galaw niya at kitang-kita ko ang pag-libot kanyang mga mata sa kabuuan ng kwarto ko pero hindi pa rin siya gumagalaw sa mga kinatatayuan niya, sa harap ng pintuan.
Nang isara ko pabalik ang pintuan ay nag-taka na lamang ako nang diretso niya lang akong tinitigan sa mata.
"Kamari--"
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...