chapter 11

46 8 0
                                    

WES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WES

"Ang tagal naman ng mga 'yun" bulong ko sa sarili nang makarating na ako sa tambayan kung saan kaming tatlo kakain ng pananghalian.

Pero 12:25 na, nasan na ang mga yun?

Dala ang baonan ko (na lalagyan ng ice cream) ay umupo ako sa sementadong mga upuan at nilanghap ang preskong simoy ng hangin mula sa karagatan. Swerte siguro namin kasi ang lapit ng eskwelahan namin sa ganito kagandang tanawin.

Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang mga nangyari kaninang umaga. Tulad ng sabi ni Mari ay nag-pakilala lang naman kami sa mga sarili namin tapos pati na rin ang mga subject teachers namin.

Partida, meron na talagang GenMath, Basic Cal, GenBio, GenChem at marami pa na may kinalaman sa math at science. Tas may practical research pa! Malamang, ganon talaga ang mga subjects kasi STEM pinili ko pero kakayanin ko ba talaga?

Siguro kakagatin ko nalang ang sinabi ni Mari na kakayanin ko'to, kasi wala naman akong choice, ito pinili ko e.

Pero siguro, sana naging practikal nalang ako at pinili yung kung saan hiyang. Pero okay na'to kasi bukod sa hindi na naman ako pwedeng mag-lipat ng strand ay gusto ko ring i-challange ang sarili ko.

"Wesley!" rinig kong sigaw ni Yuan kaya kaagad akong lumingon sakanya. Nag-taka naman ako kasi may hawak siyang isang paperbag.

"Ano yan?" tanong ko sabay nguso sa hawak niyang paperbag nang makalapit na siya sa'kin.

Umupo din siya sa sementadong upuan "Ah, bigay ni Penelope" sagot niya at saka yun binuksan at binigyan ako ng chocolate na galing don.

"Ha? Sino yan?"

"Classmate ko" sagot niya ulit at tsaka kumain rin ng chocolate.

"Binigyan ka ng isang bag ng chocolate?!"

"Oo?" nag-dadalawang isip naman niyang tugon.

"Ha?"

"Nilagay lang kasi to sa armchair ko"

"Ha?! E pano kung hindi naman pala para sayo yan?"

Tinapat niya sa mukha ko ang sticky note na may naka-sulat na Hi Yuan! Ang gwapings mo naman! Para kang oppa hehehe koryan ka ba?

"Oppa daw. Chinese kaya ako" biro niya at tsaka binalik sa bulsa ang papel na'yun.

"Ang daya naman! Bakit walang gumanyan sakin?" pag-rereklamo ko sakanya. Oo, ang daya talaga.

a girl, an oceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon