chapter 12

51 8 0
                                    

Ah, kaya pala pamilyar sa akin yung babaeng naninigaw kay Mari kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ah, kaya pala pamilyar sa akin yung babaeng naninigaw kay Mari kanina.

Si Aella kasi pala iyon, isa sa mga naging kaibigan ni Mari dati noong elementary palang kami. Ang alam ko ay may pinakalat sina Aella, lihim na  impormasyon tungkol kay Mari.

Doon nag-simula ang Mari na kilala ko ngayon.

Hindi ko masyadong nakilala si Aella kanina dahil sa ngayong maikli niya nang buhok--na parang boy cut.

"Buti hindi mo pinatulan?" tanong ko kay Mari habang nasa La Paz kami. Kakauwi lang namin galing sa eskwela pero naalala kong may ipapabili pala si mama kaya pinasama ko na lang siya. Si Yuan kasi ay hindi nakasama kasi may lakad daw siya.

"Ayaw kong patulan" tugon niya naman habang nasa daan lang ang tingin.

"Palagi ka bang sinisigawan non?"

Rinig na rinig ko ang malalim niyang buntong hininga "Hindi naman. Nong time na'yun lang. Hindi kasi ako naka-sagot sa groupings namin kanina kaya. . . ayun, damay silang lahat"

"Pero ang kapal naman ng mukha niyang sabihan ka ng ganon"

"Ayos lang. Sanay na rin naman ako sa kanya--kahit nong grade 5 palang kami. Realtalk yun e"

Sumimangot kaagad ako "Anong realtalk? Realtalk na mayabang ka? Tinawag ka pang pipi!"

"Bakit ba ikaw tong triggered na triggered e ako naman itong nasabihan?"

"Kasi nga, kaibigan mo ako Mari!" ayan, nasigawan ko tuloy siya.

Napa-lingon nalang siya sa ibang direksyon at huminga ng malalim "Bilhin mo na nga kung anong bibilhin mo"

Nang makarating kami sa mga bangketang may mga bentang mga gulay ay kaagad kaming lumapit kay Aling Pasing.

"Mari! Wisong! Buti naman napadaan kayo" maligayang salubong sa amin ni Aling Pasing.

"Nautusan lang po ako ni nanay. Gulay rekado nga po" tugon ko sabay kuha ng perang ipangbabayad.

"Oo nga pala't nag-aaral na kayo ngayon. Kumusta naman? Sana ay hindi ka na minamigraine, Kamari" ika ni Aling Pasing habang nilalagay ang gulay rekado sa plastik.

"Ayos lang naman po" sagot ni Mari habang tinitignan ang mga benta netong gulay.

"Hindi naman ata kayo na-dedepress sa pag-aaral, ano?" dagdag ulit ni Aling Pasing na bakas sa boses ang pag-aalala.

Kaagad ko siyang ningitian "Oo naman po--kahit na mahirap talaga pero kaya naman ho"

Lumingon ako kay Mari na naka-ngiti rin "Opo, ayos lang po"

Ang galing niya talagang umarte.

Parang lumambot ang puso namin ni Mari nang makitang ngumiti si Aling Pasing at sinabing "Mabuti naman . . ."

a girl, an oceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon