YUAN
"Nak, mamaya ay uuwi na tayo kaya magpahinga ka na muna"
Ngumiti lang ako sa mga sinambit ni mama kasi pakiramdam ko--kahit papaano--ay makakayanan ko nang ihinto ang kung ano ang naka-sanayan ko.
"Okay ka na ba, nak? Hindi ka na ba nasusuka?" kahit na kanina pa naman na yun ay hindi pa rin maiwasan ni mama ang mag-alala at hindi ko siya masisi.
Talaga nga naman kasing nag-alala siya dahil sa matinding pag-suka ko kaninang madaling araw. Buhat ata ng pag-pilit ko sa sariling kumain ng marami kagabi at pag-inom ng dutchmill halos araw-araw.
May lactose intolerance kasi ako.
Gusto ko ring mag-bago kaya ako kumain ng ganon karami.
Pero mukhang problema lang naman pala ang dala nito. Naging pabigat pa tuloy ako kay mama.
"Nak, hindi mo namang kailangang pilitin ang sarili mo. Saka na kapag gumaling ka na, para masiguro mong ayos na talaga"
Ewan, hindi ko alam kung bakit ko naisipang mag-binge eating kagabi, e hindi ko naman ito talaga ito gawi. Siguro ay dahil nagulat ako sa kinalabasan ng timbang ko.
Natatakot akong tumaba, pero mukhang mas nakaka-takot ata ang malamang ang liit ng timbang ko. At nang lumingon ako sa salamin, bakas ang sobrang pagka-bawas ng timbang ko.
Ayaw kong tumaba, pero ayaw ko ring mamatay.
Napa-lingon kaming dalawa ni mama sa pintuan nang biglang may kumatok. Nang buksan naman ito ni mama ay si Doctor Katada pala iyon, nagulat nga lang ako nang makitang kausap niya si Mari, kasama sina Wes at Jah.
Lumingon sa akin ang tatlo't nag-thumbs up. Tinuro pa muna nila ang labas bago pumasok si Doctor Katada at sinarado ang pinto.
"Good afternoon, Mr. Yuan Laxamana. Again, I'm Doctor Fei Katada" pakilalang muli ng doctor.
"Good afternoon din po doc"
"How are you feeling?" diretso nitong tanong at tsaka umupo sa upuang tabi lang ng kama ko.
"Okay na po"
"No signs of vomiting?"
"None po"
"Are you starving?"
Hindi ko siya nasagot kaagad kasi nag-dadalawang isip ako kung mag-sisinungaling ba ako o magsasabi ng totoo.
Pero dahil gusto kong gumaling, malamang ay ang tama ang tatahakin ko.
"Yes, doc"
Doctor Katada smiled gently, reassuring me that it's okay and that she was glad that I'm telling the truth.
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...