"Karaoke tayo!" yaya ni Wes pagkalabas na pagkalabas naming tatlo sa school gate.
"Huwag na, maggagabi na o" tanggi ko naman kaagad gusto niya.
"Saglit lang naman tayo! Kanta-kanta lang ba" panghihikayat niya pa sa akin habang nagalalakad ng paurong.
"Oo nga Mari, diba sabi mo don sa WOF dati na gusto mong magkaraoke ulit?" pati si Yuan, pinipilit ako.
"Gusto mo ulit marinig boses ni Yuan diba?"
"Kakantahin ko lahat ng gusto mo"
"Sasama na yan--"
"Oo na! Saglit lang tayo ah!" I gave up because they're so persistent---although I do lowkey want to hear Yuan's voice as well.
Nang makarating kami sa karaoke house ay mabuti nalang at walang masyadong tao. Hindi kasi by room ang karaoke, kumbaga kung gusto mong kumanta ay maririnig talaga ng lahat at dito sa amin ay hindi sila magja-judge. Because singing is just another way to release life's stress.
"Request ka agad" ika ni Wes sa akin habang nilalagay sa mesa ang mga binili naming chichirya kanina.
"Ghe Yuan, Elesi by Rivermaya"
Nahawa ako sa ngiti niya nang marinig niya ang request ko "You really love classic opm, don't you?"
"It's the best" nakangiting sagot ko habang pinipindot ang mga number ng Elesi sa karaoke machine.
Nang mag-play na ang intro ng kanta ay kaagad na naghiyawan ang mga taong nandoon na para bang chine-cheer si Yuan.
"Pag automatic na ang luha, Tuwing naghahating-gabi, pag imposibleng mapatawa, at di na madapuan ng ngiti"
Tumayo si Yuan sa inuupuan niya sabay hila saamin upang tumayo rin. Natawa na lamang ako kay Wes na parang baliw na nakiki-jamming kay Yuan. Para siyang asong nag-wawala pero sumasayaw talaga siya--pero mukha pa rin siyang aso.
"Kumapit ka kaya sa akin nang ikaw ay maitangay sa kalayaan ng ligaya"
Nilapit ni Yuan ang mic sa aming dalawa ni Wes kaya sabay naming kinanta ang chorus.
"Tayo na, tayo na! Ika'y magtiwala sapagkat ngayong gabi ako ang mahiwagang--"
"Elesi!!!" malakas na pagkanta ni Wes kaya mas lalong natawa ang nga taong nandito.
I sat down again but Wes is still doing his thing. And I love what I'm seeing right now.
They look so happy--everyone in this karaoke house does. It makes me feel that life wasn't that bad and being surrounded by loud noises may be the best feeling in life.
"Tayo na, tayo na! Ika'y magtiwala sapagkat ngayong gabi ako ay mahiwagang elesi . . ."
Grabe, ang ganda talaga ng boses ni Yuan; boses na hinding hindi ka mag-sasawang pakinggan and I know everyone thinks the same.
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...