It's been weeks since I last saw Wes.
Matapos nong nangyari, hindi ko na siya madalas na nakikita. Pati sa eskwelahan, hindi nagtatagpo ang landas namin.
Chempre, hindi ko maiwasang malungkot kasi kailan man ay hindi kami nag-away ni Wes ng ganito. Normal naman sa magkakaibigan ang pag-aaway kasi ganon maging kami ay ganon din naman madalas, pero hindi ganito ka-grabe.
Huwebes na't uwian. Sa halip na si Wes at Yuan ang kasama ko ay si Jah ang magiging kasabay ko sa pag-uwi ngayon. Naiintindihan ko naman kailangang samahan ni Yuan si Wes kasi mas kilala niya ito, kababata e.
"Gusto mo ng tokneneng? betamax?" yaya sa akin ni Jah habang naglalakad kami papuntang gate.
Tumango lang ako bilang sagot. Nang maka-labas na kami ay kaagad kaming tumungo sa nagtitinda ng street foods. Nasagip naman kaagad ng mga mata ko sina Wes habang naglalakad palayo. Nang humito si Wes sa paglalakad para ayusin ang sintas ng sapatos nito ay napalingon si Yuan sa gawi namin ni Jah. Ningitian lang kami nito at tsaka nagpatuloy sa paglakad.
Gusto ko talagang maka-usap si Wes ng masinsinan pero alam kong ayaw pa muna niya. Sana lang ay hindi niya akong tawaging ma-pride kasi hindi ko naman alam kung ano ba talagang nagawa kong masama.
Na-dismaya lang talaga ako nang malamang hindi niya pala tunay na ama si Mang Kaloy. Alam ko namang wala naman akong kinalaman sa problema ng pamilya niya pero akala ko kasi open siya sa akin.
May mali din naman ako. Ika nga niya, may personal information ang bawat tao. May mga impormasyong dapat alam ng iba at meron ding hindi na dapat nalalaman, at tulad nga ng sabi niya ay ganon din ang mindset ko kaya hindi ko sinasabi ang lahat sakanya, o kay Yuan, o kay Jah kahit na kaibigan ko sila.
"Tokneneng at betamax nga po, tig-20" rinig kong ani Jah sa tindero. At dahil matagal-tagal pang maluluto ang binili namin ay umupo na muna kami sa waiting shed na hindi na madalas ginagamit ng mga estudiyante, siguro dahil sa paniniwala ng eskwelahan naming may tumatabing multo kapag umupo ka dito which is obviously not true, ayaw lang talaga nilang umupo sa lumang upuan nito.
Habang pinag-mamasdan ang mga estudyanteng naglakakad pauwi ay bigla akong pinalsakan ni Jah ng isang parte ng earphones niya. Kaagad ko namang nalaman ang titulo ng kanta, Toyang ng eraserheads.
"Paborito mo talaga ang eraserheads no?" nakangiting ani ko sakanya habang sinasabayan ko ang kanta.
"Ang ganda nga kasi talaga ng mga kanta nila" tugon niya habang naka-titig sa akin.
Inayos niya ang pagkakalagay ng earphones sa tenga ko at sinabayan din ang kanta.
"Mahal ko si Toyang, pagka't siya'y simple lamang. Kahit namomroblema, basta't kami ay magkasama"
"Sa tingin mo, nagalit ba talaga sa'kin si Wes?" tanong ko sakanya habang nilalaro ang mga kuko ko.
"Oo, siguro"
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...