JAH
I'm not dumb to not realize that they somehow realized my feelings for Mari. Hindi naman sa sinasadya kong maging obvious, ganito lang talaga ako kahalata kapag may gusto ako sa isang tao.
Alam kong nahalata na ako ni Yuan, from the way he observes my every action towards Mari, I knew he already have some kind of hypothesis in his mind, though I'm not yet sure if he really confirmed it himself or is still denying it. Either way, it doesn't matter.
But what matters is Mari who actually realized it. Sa paraan palang ng pagtitig niya sa akin ng diretso sa mata, alam ko nang sinususpensyahan niya na ako. And I actually don't know what to feel, should I be happy? or worried? I don't know.
But one thing's for sure. I have to tell her the truth.
Wala talaga sa plano kong umamamin sa kung ano man tong nararamdaman ko para sakanya kasi nga baka naguguluhan lang talaga ako, pero kapag nakakasama ko siya, para bang may pwersang tumutulak sa aking sabihing may gusto ako sakanya.
Nakakasakit ng ulo.
"Ano ba tong nararamdaman ko?" bulong ko sa sarili habang mag-isang naka-upo sa gilid ng eskinita habang umiinom ng cobra.
Nakarinig ako ng mga yapak kaya kaagad akong lumingon sa paligid. Pasado alas-dose na kasi kaya wala na masyadong dumadaan sa eskinitang to. Dahan-dahan ang yapak na mas lalong nagpakaba sa akin.
Baka kasi may lasenggong nawala sa pag-iisip dahil sa kalasingan (na-trauma lang talaga ako sa pinanood kong crime videos kaninang alas-dyes)
"Baklita ka talaga e no?"
Napalingon ako sa tabi ko nang marinig ko ang boses na ayaw ko nang marinig. Tumigil na ang mga pag-yapak na ingay--nasa tabi ko na.
"Umalis ka dito"
"Sayang ka, tol"
Salubong ang kilay ko siyang inangatan ng tingin. Suot niya nanaman ang jacket niyang asul, may hawak din siyang cobra.
"Pinagsasabi mo?"
"Hinawalayan ako ni Katrina dahil sayo tapos malalaman ko lang na lalaki din pala tipo mo--"
"Hindi ka pa rin makapaniwala hanggang ngayon?"
"Malamang! Sinong hindi mababadtrip e hinawalayan ako dahil sa lalaking mas malambot pa pala sa unan ko--?!"
"HOY! NATUTULOG NA ANG MGA TAO! MAGSITAHIMIK KAYO!"
Natigilan kaming dalawa nang marinig namin ang sigaw na'yon mula sa bahay na nasa harap lang namin. Kunot-noo ko siyang iniwasan ng tingin.
"Ayaw kong makipag-sparring sayo ngayon, Leo. Lumayas ka" kalmadong ani ko sakanya sabay lagok ng cobra.
"Baka kapag inunahan kita, umiyak ka na agad"
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...