chapter 16

24 8 0
                                    

"Sure ka bang sisipot ang mga yun?" tanong sa akin ni Conan habang tinotono niya ang gitara niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sure ka bang sisipot ang mga yun?" tanong sa akin ni Conan habang tinotono niya ang gitara niya.

"Oo nga? Mag-aalas-singko na o?" reklamo din ni Basti habang inaayos at nililinis niya ang drum set niyang palaging inaalikabok.

"Selena, hintayin mo nga sa labas. Baka naligaw"

Humikab lang siya at tsaka kaagad akong sinunod. Inaantok pa ata talaga siya.

Actually, pati din tong dalawa ay halata namang kinulang sa tulog. Pero wala silang magagawa kapag ako ang nag-set ng practice.

"Andito na sila!" rinig naming sigaw ni Selena mula sa labas kaya kaagad din kaming lumabas sa maliit na bahay na ginagamit namin para mag-practice.

"Hi, good morning" bati ni Yuan na para bang pinag-handaan niya talaga ang pagkakataon na'to. Kahit na madaling araw pa ay parang hindi siya tinamaan ng kapangitan kasi ang linis pa rin talaga niya tingnan.

"Morning" sabay na bati ng dalawa kay Yuan. Pag-lingon ko kay Selena ay grabe ang pagka-titig niya sa lalaki.

"This is Yuan guys. Siya muna magiging bokalista natin para sa pyesta" anang ko bago ako pumasok sa isang kwarto para kunin ang bagong biling gitara ko.

"Conan pre, rhythm guitar"

"Sebastian pero Basti nalang! Drums!"

"Hi! I'm Selena! Bass ako ng banda, single rin in case you wanna know"

Rinig kong pagpapakilala nila sa sarili. Nang makuha ko na ang gitara ko ay kaagad akong bumalik doon.

"Welcome sa banda namin, Coffee Stains!"

Lumingon ako kay Kamari na parang inaantok pa rin kasi panay ang pag-hikab niya. Ang cute.

"Bilisan na nga natin to para maka-tulog na ulit kayo" ika ko. Nag-patulong naman ako kay Conan na hilain yung sofa sa gitna para may maupuan kami.

"Bakit ba kasi 4:35 call time mo?" reklamo ni Basti.

"Para namang hindi ka sanay, Basti. E parang bampira yan e! Hindi natutulog" sagot naman sakanya ni Selena at tsaka umunang umupo sa sofa.

"Aga masyado"

"Huwag ka na ngang mag-reklamo" sabi ko't umupo na din sa sofa. Nang maka-upo na kaming lahat ay nagsimula na kaming mag-usap kung ano ang magiging performance namin.

"By the way, this is Kamari. Ka-strand namin ni Sebastian and she's a poe--"

Kaagad na sumalubong ang kilay ni Kamari at parang sinasabi na Huwag na huwag mong sasabihin!

Then I remembered na kaya lang naman siya sumali ay para hindi ibunyag ang sikreto niya.

Okay.

"Magaling siya mag-compose" kaagad ika ko sa lahat.

a girl, an oceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon