MARI
"Ang aga naman ata nating mamimili ng mga gamit, Mari?" anang Wes habang kinakamot ang noo niya.
"Ayaw mo non? Kesa naman sa mismong araw bago magpasukan tayo bibili, siksikan" I answered as I gave him his coffee that I bought.
"Oo nga pero hindi pa nga natin alam kung anong requirements"
"Mga kakailanganin lang naman ang bibilhin natin like notebooks, yellow pads, pens, periodic table at scientific calculator" sagot ko ulit sakanya.
"Teka, nasa labas na si Yuan" aniya habang nasa cellphone niya ang tingin. Pumunta naman agad kami don.
Yuan was waiting near the tiger statue of the mall wearing a polo again with a vest. Ang linis niya talagang tingnan palagi, puti kasi ang kadalasan niyang suot.
"Biglaan ata ang yaya mo, Wes" ani Yuan nang makalapit kami sakanya.
"Biglaan ring nag-aya tong si Mari e. Kesyo 'The earlier, the better' daw"
"Totoo naman ah?" I said.
"Nga naman" Yuan agreed.
"Sige" sarkastikong ani Wes kaya tinawanan nalang namin. Bakit ba? parang labag sa loob niyang bibili kami ng maaga? Haha.
"Hali na nga" sabi ko at umunang pumasok sa mall, sumunod naman agad silang dalawa.
Tumungo agad kaming tatlo sa National Bookstore at kaagad na kumuha ng nga kakailanganin sa senior highschool.
Pero chempre, hindi ko maiwasang ma-distract sa literature area kung saan naghihintay ang mga librong mauuwi ko mamaya, hehe.
A certain book caught my attention. 'Ikigai' by Francesc Miralles and Hector Garcia. I don't know why it really made me want to buy it without hesitation, the next thing I knew is that I already added it at my shopping basket.
Hindi ko namalayang limang libro na pala ang nailagay ko. Dalawang non-fiction books at tatlong librong laman ay mga tula. I know that I won't regret these--lalo na yung Ikigai.
Kaagad akong tumungo kina Wes at Yuan malapit sa mga periodic table. Nasa likuran lang na ako nila pero hindi ako umimik at nakinig lamang sa pinag-uusapan nila habang pumipili rin ng periodic table.
"Lam mo ba par, excited na akong mag-aral ulit" Wes said to Yuan, excitement was noticable when he said that.
"Buti nalang ay naka-luwag sina nanay sa tyangge. Akala ko ay haggang junior high lang ako neto e" dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
a girl, an ocean
Teen FictionIn a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock bottom in life. She had lost hope and doesn't see any reason to go on living anymore. Her life chan...