Prologue

76 4 0
                                    

Ipinanganak akong mahirap mamamatay din ba akong mahirap?

Iyan lamang ang mga katanungan sa aking sarili mula pagkabata hanggang sa panahon ngayon na ako'y isang dalaga na't naghahanap ng mapapasukan para sa aming gastusin sa bahay.

Pangalawa ako sa aming apat na magkakapatid at ako din yung bread winner ng aming pamilya.

Wala naman din kaming maaasahan kay kuya na laging may dinadalang babae sa amin habang yung dalawa naman sakit ng ulo dahil sa kapilyuhan sa school pero mababait naman mga kapatid ko kahit papaano.

"Kainis naman bakit walang hiring?" nasabi ko sa aking isipan habang pinupunasan yung pawis kong hindi mapigilan.

"Ahm sir, wala ho ba kayong alam na hiring dito kahit ano?" sabi ko ng mapadaan yung isang lalaki na may dalang maleta.

"Hmmm meron ang kaso abroad" sagot niya st napalunok naman ako sabay ngiti.

"Ahm okay sir maraming salamat nalang ho" sambit ko saka nagpatuloy sa paglalakad kahit sobrang init.

Lumipas pa ang ilang oras at sobrang pagod na pagod ako saka dumiresto sa may groceries store na pure gold.

Naiihi ako grabe!

Nagmadali akong pumasok ngunit puno ito kaya naman wala na akong choice kundi pasukin yung male cr.

Tahimik lamang nung mga oras na yun at sinabi naman ng janitor na wala ng tao at nangako siyang magbabantay sa labas in case man na may pumasok masasabing andito ako.

Nakakahiya man pero wala na akong choice e.

Ag!

Grabe guminhawa pakiramdam ko.

Akma akong lalabas ng may biglang napa ungol malapit sa kung saan ako umihi.

"Grabe naman itong lalaking ito ang init init gumagawa ng milagro" nasabi ko sa aking isipan at aalis na sana talaga ako ng bigla akong madulas dahilan para mapasigaw ako.

"A-aray ko po sakit-t" habang hawak hawak yung ulo ko at pinupunasan mga basang kumapit sa aking damit at buong katawan.

"Bakla ka namboboso ka!" sabi niya ng buksan niya ang pinto.

"A-ano sabi mo?! ... bulag ka ba sa ganda kong ito tinawag mo akong bakla?!" sabi ko ng makatayo ako saka siya lumapit sakin na para bang mahahalikan na niya ako.

"T-tabi!" sabi ko saka inisnaban siya.

"Mamboboso ka noh?!" saka niya ako hinawakan sa aking braso.

"Hoy wag kang feeling diyan! saka bitawan mo nga ako!" sigaw ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan.

"Then, explain kung bakit ka narito?!" sabi pa niya.

"Wala akong dapat I-explain kaya bitaw!" saad ko ngunit ayaw niyang kumalas.

"Last chance or else dadalhin kita sa mga gwardiya para isuplong sa pamboboso mo sakin dito" pananakot niya.

"Patawa ka naman noh kuya?! ... ikaw sisilipan ko e tignan mo nga wala ka naman nakabukol!" tawang tawa kong sabi habang itinuro sa kaniya yung bukas na zipper niya.

"Manya-" natigil ito sandaling may pumasok na mga lalaki at tinignan nila kami saka nagsipag tawanan ng pasimple.

"I-ikaw kase!" sa mga oras na yun itinulak ko siya at nagmadaling lumabas dahil sa pinag iisipan nila kami.

"Ano ba namang kamalasan ito?!" naiinis kong sabi saka lumabas ng pure gold.

Samantala, medyo napalayo na ako at nahinto ako sa isang malaking mansyon at napaupo dahil sa pagod.

"Sana swertihin naman ako ngayon" sabi ko sa aking sarili saka napabuntong hininga.

"Mis, tabi" sabi ng isang yayang bumukas ng gate.

"Ahm ... ahm ale totoo po ba yan na hiring kayo?" sabi ko ng makita ko yung nakapost sa may gilid ng gate.

"Mamamasukan ka ba?" tanong niya ng sandaling maitapon na niya yung basura.

"Opo sana e, naka vacant pa po ba? kase kailangang kailangan ko talaga ng trabaho ngayon" kalmado kong sabi.

"Sige wait ka lang diyan ganda at sasabihan ko si sir" sabi niya at naghintay naman ako sa labas at ilang minuto lang bumalik siya at pinapasok ako sa loob para daw interviewhin ako.

"Sobrang laki naman po nitong bahay di ho ba kayo nahihirapan sa paglilinis? tas kayo lamg mag isa" sabi ko.

"Naku ganda nagkakamali ka. hindi ako mag isa dito andun yung iba sa likod at naglilibangan" nagulat ako dahil sa sinabi niya.

"Libangan?" pagtataka kong tanong.

"Oo libangan, hindi naman kase gaanong kahigpit dito lalo't mabait si sir. saka yung libangan na yun ginagawa ng mga kapwa ko katulong pagkatapos ng gawain nila" paliwanang niya.

"Wow sana all mabait ang bos" nakangiti kong sabi habang tinitignan bawat sulok ng napakalaking mansyon na ito.

"Malapit na daw siya" sabi ni aling cedes pangalan niya at nginitian ko siya bago ito pumanhik sa taas.

1

2

3

4

5

4

3

2

1

"Anong gingawa mo dito?!" sabay naming sabi ng magkita kami.

THE MAID's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon