Hayyyyyyyyyyy
Bumangon ako ng maaga dahil sa gusto ng katawan ko kaya naman ako na nagluto ng sinangag at siyempre pambansang ulam sa umaga itlog na walang kapares na hotdog ... pero, may tuyo!
5:30 AM ng magising sina mama at papa kaya naman pinaghanda ko na sila ng makakain at tinimplahan na din ng kape.
Para ito kina kuya at sa dalawa ko pang cute na kapatid. mamaya pa kasing alas siyete bangon nila. si kuya naman 9 or 10.
Matapos kaming kumain sinamahan ko naman si mama na mamalengke para naman sa tanghalian namin mamaya.
"Ma, saglit lang may bibilhin lang ako" paalam ko dahil may nakita akong couple shirt ewan basta nalang ako nakapag isip na tignan at bilhin mga yun.
"350 lang ate" sabi ng tindera ng itanong ko presyo.
"Salamat ho" saka na ako bumalik sa kinaroroonan ni mama na bumibili ng pang sinigang.
Lumipas pa ang ilang oras at nakabalik na kami sa bahay. ngunit, bago pa man kami makapasok nakita namin kotse ni nicholas sa tapat ng bahay namin. ayun nga nadatnan namin na kausap siya ni papa sa sala.
"Mahal" nakangiti niyang bungad ng makita ako saka naman siya nagmano kay mama.
"Naku iho di mo naman sinabing darating ka ng ganitong oras at nadatnan mo pang tulog mga kapatid ni aivee" nahihiyang sabi ni mama saka nilagay mga pinamili namin sa mesa.
"Nga pala, naparito ka? ano sadya mo?" napanganga na lamang siya sa aking sinabi sabay kunot noo nito at nagkatinginan sila ni papa.
"Ito naman parang sira, siyempre, gitlfriend kita kaya naman dinadalaw kita" naka ngiti niyang sabi saka ako lumapit sa kaniya at binulungan.
"Baka nakakalimutan mo sir, pagpapanggap lang ito" mahina kong bulong sabay ngiti kay papa dahil nakatingin siya sa amin.
"I know that. but, we have to do this para naman convincing" mahina niyang tugon sakin.
"Per-" tinakpan niya bibig ko.
"Wala ng madaming sinasabi pa okay?" tumayo ito saka ako pinagpaalam kina mama at papa at may pupuntahan daw kami.
"Kainis ka naman e! hindi pa ako nakapag ayos" reklamo ko habang binabaybay yung sinasabi niyang pupuntahan namin.
"You can sleep kase mukhang aga ng gising mo" natatawa niyang sabi habang focus lamang siya sa pagmamaneho.
"Gisingin mo nalang ako sir kapag nakarating na tayo" saad ko at tuluyan na akong nakapikit.
TIFFANY SUAREZ POV
Nasa dressing shop kami with my newest fiance para sa pagsusukat sa wedding gown ko na malapit na.
"Bakit parang ang tamlay mo babe?" medyo nayayamot niyang sabi sakin.
"N-no! ... not really okay? please, don't mind me" tugon ko saka lumapit sakin si mrs. Garcia kilala sa pagiging mahusay na fashion designer sa bansa.
"Nevermind!" saka na siya umupo sa may tabi while looking at me.
"Wow! so beautiful fit na fit sayo talaga and mas lalo kang gumanda" sabi pa niya.
"Thank you" maikli kong tugon habang nakatingin sa mirror.
"Kulas, how I wish na tayo parin yung ikakasal" malungkot kong sabi sa aking isipan.
After namin magpasukat dumiretso kami ni jasper sa isang restaurant kung saan lagi kami ni nicholas and take note, this is the day kung kailan opisyal na naging kami that's why I chose this place over sa gustong place ni jasper.
"I can do that!" saka ako umupo.
"Ahm sir!" tawag niya sa isang crew.
"Yes sir and madam?" nakangiting sabi naman niya saka inabot ni jasper yung menu at mga orders namin.
"You know what, kanina ko pa napapansin na parang ang sungit sungit mo!" galit na siya sa mga oras na yun pero inirapan ko lang siya habang tinitignan yung post ni kulas sa I.G. post niya with that lowly maid!
"Teka nga parang wala akong kausap dito!" sabay kuha sa phone ko at tinitigan naman niya ako ng masama ng makita niya post ni kulas.
"Problema mo?!" naiinis kong sabi saka sinubukang kunin phone ko pero ayaw niyang ibigay.
"It's all about him na naman?! kaya siguro napaka arte at sungit mo magmula pa kanina kase dahil dito sa letcheng post lang na'to?!" nalakas na boses niya sa sandaling yun and everyone around us started na tignan kami.
"You know what this is bullshit! uuwi nalang ako kesa makipagtalo sa katulad mo!" palabas na ako ng magkasalubong kami ni kulas with that girl na parehas ng kasuotan at base sa design at tela mukhang mumurahin at nakakatiyak akong ang babaeng yun bumili at pumili.
"Madam tif-" gulat na sabi ni aivee ng hindi maituloy pagbuo sa pangalan ko.
"Ahm ... what a coinsidence" nakangiting sabi ni kulas.
"Nagkataon nga lang ba or sinadya mo dahil alam mo ito yung araw na naging tayo" sabi ko habang pinaparinig sa desperadang babaeng nasa harapan ko.
"You're wrong" tugon niya saka hinolding hands kamay ni aivee.
"As if, you're telling the truth kulas!" sabay ngiti ng may halong pang iinis at mukhang effective naman ayon sa nakikita kong reaksyon sa babaeng higad.
"Isipin mo na gusto mong isipin tiffany. but, we're here not because, I remember those past days. nandito kami kase ito yung available lang na restaurant dahil yung iba sarado at ang iba naman sobrang puno na" saad niya saka niya inakbayan si aivee at pumasok na.
"Wait! maybe you two can join us!" sabi ko at natigil sila sa paglalakad at si jasper naman masama tingin sakin at wala din naman siyang nagawa pa maging yung dalawa kundi makisalo sa aming table.
I admit!
That was a awkward moment between the four of us na magkakasama sa iisang table.
At first, tahimik ang lahat hanggang sa umpisahan ni aivee na makapal ang mukha.
The more na tinititigan ko yung pinakamamahal kong lalaki the more pain na nararamdaman ko.
Am I wrong na bitawan siya at pakawalan sa isang rason na sana pinag isipan ko ng mas mabuti at hindi humantong sa ganitong sitwasyon.
A few moments later ...
"Aivee! may I ask, ano paboritong pagkain ni kulas?" medyo nagulat siya saka tumingin kay nicholas.
"A-ah ... ahm ... sinigang?" sa hinahaba haba ng pagsagot niya hindi niya ito nahulaan.
"Oh gosh! you've been together all the time and not to mention boyfriend mo siya. but, you didn't know what his favorite ulam?" natatawang sabi ko hanggang sa mawala yun dahil sa pagsalita ni kulas.
"Tiffany ... kung iyong maipahihintulot hayaan mo akong sumagot" sabi niya.
"Okay gawin mo na!" sabat naman ni jasper habang masama tingin niya.
"Okay ... para lang sa kaalaman mo tiffany. yun ang bago kong paborito lalo na't luto yun ni aivee na sobrang mahal na mahal ko" he said while smiling at her.
Aaminin ko nasaktan ako at na-shocked sa sinagot at pagsagip sa babaeng yun sa kahihiyan.
"H-hindi ba't adobo paborito mo?" nanlalambot kong sabi.
"It was all in the past tif. saka mas nagugustuhan ko yung bagong putahe" sa sinabing yun ni kulas mas lalo akong namumuhi sa babae niya na ipinalit sa akin.
"Excuse us!" jasper escorted me palabas dahil alam na niya kung saan mapupunta yung pag uusap namin.
"Ano ba?! let me go!" sigaw ko sa kaniya habang nasa tapat kami ng kotse niya.
"Pwede ba tiffany tignan mo sarili mo! ako na fiance mo at mahiya ka naman sa mga kinikilos at pinagsasabi mo! tapos ano napala mo? di ba binigyan mo lang sarili mong sakit ng ulo?!" naiinis niyang sabi sakin.
Bumuntong hininga ako at hindi na sumagot pa dahil alam kong tama naman sinabi niya.
"Ibaba mo nalang ako sa amin" sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya habang yung luha ko pigil na pigil.
BINABASA MO ANG
THE MAID's LOVE
RomanceDalawang magkaibang katayuan sa buhay ang pagtatagpuin ng mapagbirong tadhana. Ano nga bang kapalaran ang naghibintay sa dalawa? Maging totohanan kaya ang kanilang pagpapanggap? O hanggang maid at sir lang ang turingan nila? Let's find out!