"Tama na yan aivee my future wife baka magalit sayo yung peke mong boyfriend!" natatawang sabi ni romnick habang naka tingin naman si kulas sa babaeng yun.
"Hoy kainis ka naman! kuya ko pa din yun ano ka ba!" sabi naman ng babaeng nasa tabi niya at kapatid pala ng lalaking nasa likuran ko ngayon at ramdam ko yung pigil galit niya at selos.
"Ikaw kuyang pogi, hindi ka ba nagkakagusto kay ate aivee sa sobrang ganda niya oh" nakangiting sabi niya at nainis ako sa ibinigay na reaksyon ni kulas na parang gustong gusto niya.
"Uy joan bibig mo! sir ko lang yan baka magalit yung maldita kong amo na si madam tiffany" nagtawanan lahat including my fiance na para bang tuwang tuwa pa siyang sinisiraan ako ng ipokritang babaeng ito.
"Oh saan ka pupunta? totoo naman yata sinasabi niya? kase kung hindi idedefend ka ng fiance mo" mas lalo akong naasar ng ipamukha ng lalaking ito na mas pinapaburan niya si aivee.
"Shut your mouth up!" at nagulat sila ng makita nila ako.
"Nice andito na yung finace mo pre! lagot ka ngayon" natatawang asar ni romnick kay kulas.
"Ang saya niyo naman sana man lang inimbitahan niyo ako kahit pa mukhang squatter itong area!" tumayo si kulas at galit na galit ng sabihin ko yun.
"Mahiya ka naman tiffany sa pamilya ni aivee at pati na sa mga ka area nila dito! saka, huwag mong tawagin ang lugar na ito sa ninanais mong ipangalan! please, be sensitive sa mga sasabihin mo" sabi pa niya.
Mula ng makilala niya ang babaeng ito bigla nalang siyang nagbago dati hindi naman niya ako ginaganito.
"Aba nice words coming from you huh?! parang binago kana ata ng myloves ko?" pagtukoy nito sa babaeng naka ngiti habang nakatingin kay kulas.
"Ikaw! ... ikaw kasalanan mo lahat ng ito!!!" hindi ako nakapag pigil at sinugod ko ang babaeng nais agawin ang taong mahal ko.
"Tiffany! ... tiffany ano ba?!" hindi maipintang mukha sa galit ni kulas.
"K-kulas? ... mas kakampihan mo pa yang basahan na yan kesa sakin na di hamak na mas matalino at ... mag-" I stopped when romnick blocked me.
"Tiffany, hindi mo kailangan manakit lalo na itong future wife ko! inano ka ba niya?! ... saka pinagsasabi mo?! di hamak nga na matalino ka sa kung titignan dahil na rin sa estado ng buhay natin. pero, huwag mong kalimutan na mas maganda pa rin sayo at mabait si aivee kaya maraming nagmamahal sa kaniya!" umusok ako sa galit ng oras na yun at nakatikim siya ng malutong na sampal.
"Damn you!!!" sa oras na yun narinig kong humingi ng pasensya si kulas sa magulang nung babaeng yun saka niya ako hinila palayo sa kanila.
"Ano ba nasasaktan ako kulas!" kumalas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko.
"Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan tiffany!" galit na galit niyang sabi sakin at ipinasok niya ako sa kotse ko.
"Where's your key?!" malakas na sabi niya at sobrang natatakot na ako sa kaniya dahil hindi na talaga ang lalaking nasa harap ko ang nicholas noon.
"Why are you treating me like a useless?!" humarap ako sa kaniya habang luhaan.
"Ikaw mismo nagdala sa sarili mo sa ganyang sitwasyon. tiffany ilang beses akong nagpaliwanag sayo tungkol sa mga larawang pilit mong pinaniniwalaan pero ano?! ... tiffany sa kakitiran ng utak mo muntikan mo ng mapatay yung tao sa poder niyo!" nasigaw na niya sa galit.
Speechless ako ilang saglit bago siya tanungin.
"Mahal mo na ba siya? nahulog ka na ba sa babaeng yun huh?!" bigla kong nasambit habang patuloy sa pagbagsak mga luha ko.
Hindi siya sumagot saka niya pinaandar yung kotse kong dala.
"Ikansela na muna natin ang incoming wedding natin para makapag isip ka ng maayos" tugon niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang pati ang tungkol sa nalalapit naming kasal makakansela.
"N-no! ... hindi pwede kulas! hindi ako papayag" pag refused ko.
"Hindi tayo magiging masaya hanggat hindi nagiging malinaw yang isipan mo" sagot pa niya.
Nahinto na kami ng makarating sa mansyon namin saka bumaba.
"P-please ... please-e ... huwag naman babe please-e" pagmamakaawa ko ngunit hindi niya ito pinansin at naglakad palayo sa akin.
"Kulas!" malakas na sigaw ko habang unti unting napapaluhod at walang tigil sa paghagulgol.
AIVEE GRACE PAMINTUAN POV
Magdadalawang linggo na at para akong hangin sa paningin ni nicholas dahil sa hindi pagpansin sakin at pag iwas.
Simula kase magtangkang magpakamatay si tiffany sobra siyang nalungkot at hindi ko naman siya masisisi dahil isa ako sa dahilan kung bakit nagkakasakitan sila emotionally.
Nais ko man umalis dito at magpaalam ngunit, paano naman pamilya ko na ngayon malaki ang binabayaran namin dahil sa nagawa ng papa ko sa trabaho niya na pinagmulta siya ng 200,000 pesos na binayaran ni nicholas bago pa siya maging cold ulit sa akin.
Kahit awang-awa na ako sa sarili ko pinipilit ko pa din maging masaya at matapang kahit sa loob ko bugbog na ako.
"Ganda, pagpasensyahan mo na si kulas. masyado lang yan maraming iniisip kaya natatrato ka niya ng hindi maganda. alam mo naman di ba na hindi siya ganyan" pagpapaliwanag naman ni nay cedes.
Tumango na lamang ako habang itinatago yung sakit na nararamdaman ko.
"Alam ko naman yun nay cedes kaya wala po kayong dapat ikabahala" sabi ko at niyakap niya ako.
"Sir iiwan ko nalang pananghalian mo dito sana kumain kayo" sabi ko saka na umalis.
"Maliban sa pagpapatiwakal ni tiffany ano pa kayang ibang iniisip at problema ni sir?" natanong ko sa aking sarili and perfect timing naman dahil bumisita si romnick kaya naman tinanong ko siya.
"Wala din akong alam myloves e, pero, parang nagkakalabuan sila. kase sa nakikita ko palaging si jasper na mayabang nasa mansyon nila tiffany at botong boto buong pamilya niya sa lalaking yun" nakaramdam ako ng awa ng marinig ko yun dahil si tiffany lang pala tanging may gusto kay sir.
"Ganon ba? pero, hindi ba't mas mahalaga naman yung nagmamahalan kayo di ba?" natigil siya saka ngumiti at sumeryoso ng tingin sa akin.
"Iba kase sila dahil mas mayaman kumpara sa akin at mas lalong sayo. sorry, no offense" sabi pa niya.
"Ayos lang kase totoo naman" sabi ko saka ngumiti ng bahagya.
"Salamat, pero sila kase kapag ginusto ng parents ni tiffany wala siyang magagawa kundi magpakasal sa taong hindi niya gusto" pagpapatuloy ni romnick.
"Pero bakit napapayag nilang maging mag fiance yung dalawa?" saad ko.
Medyo naguguluhan kase ako sa sinasabi ni romnick o baka sadyang hindi lang ako sanay sa estado ng buhay nila.
"Ah yung pagpapakasal nila very soon? ganito kase yun" paliwanag niya at naikwento niya na lahat.
Ginawa lamang daw yun para hindi masira yung samahan sa kumpanya ng bawat pamilya.
At ngayon, tapos na kontrata kaya magagawa na ang gusto nila para sa kanilang anak na si tiffany
"Grabe at sobra naman kayong mga mayayaman bakit ganon?" nalulungkot kong sabi.
"Sila lang hindi ako o ng pamilya ko" natatawang sabi niya saka napalingon sa lalaking nakatayo sa harapan namin.
"Hindi ako nasabihan na naging bahay chismisan pala ang mansyong ito?!" cold na sabi habang diretso lang ang tingin sa amin.
Mabilis naman akong kumilos at kinuha yung walis.
"Pare kamusta na?!" nakangiting sabi naman ni romnick saka niya tinap sa balikat si sir nicholas.
Ako naman kunwaring walang nakita at narinig at patuloy lang sa pagwawalis.
BINABASA MO ANG
THE MAID's LOVE
RomanceDalawang magkaibang katayuan sa buhay ang pagtatagpuin ng mapagbirong tadhana. Ano nga bang kapalaran ang naghibintay sa dalawa? Maging totohanan kaya ang kanilang pagpapanggap? O hanggang maid at sir lang ang turingan nila? Let's find out!