Chapter 12

24 2 0
                                    

"You don't know kung ano sinasabi mo!" cold niyang sabi matapos nun naglakad siya ngunit hindi ako nawalan ng lakas ng loob sa mga oras na yun at talagang sinundan ko siya.

"Siguro nga sir nicholas hindi ko alam sinasabi ko. pero, willing akong maging hired girlfriend mo hanggang sa matupad mo at makuhang muli si madam tiffany. hindi ba yun naman nais mo?" medyo kabado din ako sa pagkakataong yun at inihahanda ko sarili ko sa anumang sabihin at desisyon na gawin niya para sakin.

"Stop with your nonsense aivee! this is not a game na pwedeng laruin" napaatras ako sa oras na sabihin niya yun at pinanood siyang makaalis ng hindi man lang natingin sa akin.

"Boba ka talaga aivee bat mo kase sinabi pa yun?!" pagsasalita ko sa aking sarili saka inayos ang aking sarili dahil sa basang kasuotan ko.

HAROLD GUEVARA POV

Kainis naman itong si viagra e! hindi sumasagot sa mga tawag ko mula pa kahapon. dumiretso na ako sa malaking bahay ni nicholas at dun puntahan para mas sigurado.

Naka ilang doorbell na ako ngunit wala namang lumalabas kaya muli akong sumubok at sa oras na yun may kotseng dumating.

"Dahan dahan lang honey!" sabi ng lalaking umaalalay sa babaeng maganda din kahit may edad na siguro mga parents ni kulas mga ito.

"Finally! we arrived" sabay ngiti ng makita ang bahay na yun.

"Buksan mo na gate dalian mo!" utos ng isa sa mga yaya at binuksan ito.

"Wait, who are you man?" pagkabaling ng tingin sakin and tinignan niya ako mula paa hanggang ulo.

"Ah ... kaibigan po ako nung kasambahay dito" umirap siya matapos non at may ibinulong sa gwardiya niya na hindi ko naintindihan at marinig.

"Sir, please umalis na daw kayo at bawal ang mga taong hindi kilala o inimbitahan dito" nagkatitigan kami ng masama ng matapobreng mom ni kulas saka naglakad nalang palayo para hindi humaba ang aming diskusyon at para na rin hindi madamay si aivee na labis kong ikinakabahala dahil sa ugaling mapagmataas meron mga magulang nung lalaking yun.

Nagtext akong muli kay aivee ng hindi ko parin siya matawagan at ayun nag reply din pagkatapos ng mahigit isang milyong taon.

"Nandito kami ngayon sa salon ni nay cedes at may party akong pupuntahan" reply niya.

"Bat di mo kaagad sinabi? alam mo bang nandito na ngayon yung parents ni kulas?" binura ko ulit at hindi na sinabi pa para naman hindi masira kung ano man masayang araw na meron siya.

"Bat di mo kase kaagad sinabi na may lakad ka pala? di sana ako na naghatid sayo diyan" sabi ko nalang.

"Hinatid kami ni manong Julius personal driver ng pamilya ni nicholas" reply niya ulit.

"Okay, saan ba kayo ngayon?" ilang minuto ng magreply siya.

"Low bat na ako kaya hindi kita kagad nireplyan at nareplyan kanina. sinindi ko lang" sabi pa niya at hindi na niya ito nasabi pa kung saan salon pumunta. kaya ginawa ko inikot ko lahat pero walang aivee ang naroroon.

"Viagra talagang ito san kaya nagpupupunta?" pagod akong umuwi sa bahay at nadatnan ko si joan na may binabasang imbitasyon na galing sa mga kaklase namin noong high school.

"Kuya naman e binabasa ko bat mo kinuha?!" napakamot siya nang ulo saka tumayo at nagwalis walis.

"Buti nalang talaga nakita mo to! hindi ko kase alam kung san ko nalagay at nalimutan ko yung date at tungkol dito" sabi ko at ngumiti lang siya.

6 PM

Nakapag ayos na din ako at isinuot ko yung nabili ko noon na pamorma para naman kapag nakita ako ni aivee kikinang mga mata niya at sasabihin ...

"Ang gwapo mo naman bebe ko" while smiling

"Ay ay kuya anong ikinasasaya ng hitsura mo? si ate aivee yan noh?" natatawang asar sakin ng kapatid kong panira ng moment.

"Dun ka nga! panira ka e!" sabay ayos ng aking buhok.

6 30 PM

Nakarating na ako sa party ng aming batch at nakipagkwentuhan sa mga naging barkada ko noon at si aivee tinatanong sakin ngunit wala akong masabi.

"Dito ba talaga pupuntahan party nung viagra na yun?" napapaisip ako dahil wala pa yung presensya niya at hindi man lang niya makikita kapogian ko ngayong gabi.

Ilang saglit pa, nagkatinginan mga batchmates namin sa babaeng nakasuot ng puting gown at kumikinang kinang pa ito habang naka smile sa aming lahat habang naglalakad lakad.

"Grabe si aivee ba yan mas lalong gumanda" naririnig kong sabi ng iba habang uma agree naman ang iba.

"Taenang dede ni aivee lumaki din!" sabi ng isa sa mga katabi ko kaya naman sinapok ko at natigil naman siya.

"Ang ganda mo naman classmate" bati ng ilan sa mga sumalubong sa kaniya.

"Naku huwag niyo naman palakihan ulo ko. alam ko naman lahat tayo magaganda at gwapo" sabay hiyawan at tilian ng mga girls ng may dumating na lalaki after dumating ni aivee.

"Love?!" hindi ko alam kung nabingi ako sa narinig ko habang si aivee nakangiti sa lalaking nakangiti din.

"Sorry love nalate ako may dinaanan lang" hindi pala talaga ako nabingi dahil hindi lang ako nakarinig kundi lahat ng naririto.

"Di ba cruch mo si aivee? ano nangyare hanggang ngayon ba tol hindi mo parin siya naligawan?" natatawang sabi ni ronnel saka ko siya tinitigan ng masama at natahimik naman.

"Harold!" tawag sakin ni aivee at binilisan kong maglakad at hindi ko naman alam na sumunod pa siya.

"Kelan pa naging kayo nung lalaking yun aivee?!" napalakas na sabi ko at natigil siya.

"Ahm ... hmmmm ... harold wait lang, mahaba kasing kwento saka hind-"

"What ever it is, we are officially couple ... as you can see" biglang pagsabat naman ni kulas sabay akbay kay aivee.

"Hindi ikaw kausap ko ulol!" at nagkatitigan kami ng masama.

"Har-"

"Let him be!" dinig kong pigil niya kay aivee at huminto ako saka humarap muli sa kaniya.

"Kelan pa?" asta ko na parang naging kami kahit hindi naman. medyo masakit kase dahil hindi lang bestfriend turing ko sa babaeng kaharap ko kundi dahil sa mahal na mahal ko na siya.

"T-two ... two days ago" nauutal niyang sagot sakin.

"Grabe ang ikling araw ah ... samantalang ako hindi mo man lang maalala kung ano yung feelings ko para sayo!" tumalikod ako sa oras na yun habang mga luha ko hindi ko na napigilan pa.

THE MAID's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon