Chapter 6

20 2 0
                                    

Apat na araw na ang nakalilipas magmula ng magkasama kami ni harold sa isang isla kung saan nais niyang ipabatid na may gusto siya sa akin.

Sa totoo lang, gwapo at napaka gentleman niya. pero, iba kase yung bestfriend lang sa iniibig at nais ng puso.

Sa apat na araw na lumipas wala kaming naging pag uusap. alam ko hindi naman siya galit sakin at mas lalong hindi rin naman ako galit sa kaniya dahil alam ko at alam naman niya siguro na ... alam niyo na.

Medyo maulan ngayong hapon na para bang nakikiramay sa kalungkutan ko. naiiyak kase ako dahil hindi ako sanay na wala kaming kibuan lalo't apat na araw yun at hindi ko alam kung hanggang saan pa ito.

"Hey! pakuha nga ng tissue at nadumihan yung damit ko" utos ni ma'am tiffany na kakarating lang kahapon.

"Sige ma'am" lalakad palang ako para kumuha ng pinapakuha niyang tissue ng ikalat niya mga kinakain niya.

"Also basahan" nakangiti niyang sabi na may halong pang aasar.

"Sige po" malumanay kong sabi kahit gustong gusto ko na siyang sabunutan.

"Dalian mo!" malakas na sabi niya at rinig na rinig ko mula dito. wala kase yung isa kong kasama at may sakit siya kaya ako na gumagawa ng mga gawain niya.

"Heto na ma'am" pagkakuha niya bigla niya akong tinitigan ng masama. yumuko na lamang ako para hindi siya pansinin ngunit itinangala niya 'ko at pinagmasdan ng maigi ang aking mukha.

"No wonder naakit mo siya" mahina niyang sabi at hindi ko masyadong narinig.

"A-ano po ma'am?" umirap lang siya saka nagdekwatro ng upo.

"Diet na ako itapon mo na lahat yan!" utos niya habang ako naman iniisip na sobrang sayang naman kase yung iba hindi pa nagagalaw.

"M-mam lahat po ito?" hindi ko parin makapaniwala.

"Yes!" sagot niya at agad naman akong gumalaw.

"W-wait ... wait ... wait!" saka ako huminto at humarap sa kaniya.

"Ano po yun madam?" naiilang at napipilitan kong ngiti.

"I wanna ask you something and sana maging honest ka" napalunok ako at medyo kinakabahan sa magiging tanong niya at wala akong ideya kung ano ito.

"Did you ever tried to seduce a man having fiance?" para akong nabingi sa tanong niya at napabuntong hininga.

"H-huh? ... h-hindi po m-madam!" madiin kong sagot.

"Ow really? ... if that's so, you may go and don't forget na linisin yung dog house!" pag irap nito saka na ako nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina para linisin ang ibang kalat at siyempre, binalot ko na din yung ibang hindi pa nagagalaw.

Matapos tumila ang ulan ginawa ko na yung pinapagawa niya ang paglilinis sa bahay o kulungan ng nga malalaking aso na ito.

Tahol ng tahol ang mga ito at sobra na akong nabibingi sa totoo lang kaya naman gusto ko ng matapos.

Pagbukas ko ng pintuan ng aso dahil sa nakatumba yung lagayan ng pagkain niya minabuti kong ayusin yun ng biglang sinungguban ako dahilan para matumba.

Naiyak na ako sa sobrang sakit ng pagkakakagat niya ng bigla niya ulit akong sugurin at doon nagsisisigaw na ako ng tulong habang patuloy kong dinidipensahan sarili ko.

"T-tulong!" pagsisigaw ko ngunit walang dumarating at sobrang mahapdi na yung pagkagat sakin ng malaking aso.

Takot ang bumalot sa aking isipan at walang kasiguraduhan kung makakaligtas ako.

"A-aaaaalis!"

Pagtataboy ko gamit ng napulot kong pamalo para itaboy ito ngunit mas naging agresibo siya.

"Shuuuuuuu!"

Sa oras na akma niya akong susugurin ulit ng may isang lalaki ang nagpahinto dito at ang isang maliit na imported dog ang lumapit na parang pinagtatanggol pa ako.

"Biggy stop!"

Iyan lamang ang narinig ko mula sa isang lalaking nakasuot ng fitted sando na naka short at doon bigla na akong nawalan ng malay.

NICHOLAS HERERA POV

Ilang ulit akong tumawag kay tiffany ngunit hindi siya sumasagot kaya naman nagdesisyon akong puntahan siya sa kanilang mansyon after the rain.

Kasama ko ngayon si shorty my pet na ibinigay sakin ni ninong 1 week ago dahil sa mahilig ako sa mga aso mula pa nung pagkabata.

Nakarating na ako sa mansyon nila tiffany at mula sa kinatatayuan ko nagsisipagtahulan mga asong minsan ko ng inalagaan kaya naman biglang lumundag si shorty at pinuntahan kung saan yung pagtatahol ng mga aso.

Sinundan ko ito hanggang sa makita kong nakawala at inaatake ang isang takot na takot at mangiyak ngiyak na walang kalaban laban na babae.

"Biggy stop!"

At nagbehaved ito matapos nun napatingin ang takot at luhaang babae na sobrang ikinagulat ko. nawalan ito ng malay kaya agad ko siyang idinala sa malapit na hospital.

"Ang kulit mo kulas! hindi ko nga alam na inaatake na pala yang muntangang babae na yan!" pagdipensa niya.

"Tiffany naririnig mo ba sarili mo?! hindi ka ba nag aalala sa sinapit ng katulong mo?!" naiinis kong sabi sa kaniya at ngayon ko lang din nalaman na sa kaniya pala nagtatrabaho si aivee that's why hindi ko siya nakikita kung hindi lang ako pumunta sa mansyon nila tiffany.

"So, it's all my faults na ngayon? kung hindi ba naman sobrang tanga bakit ba kase binuksan yung kulungan ni biggy?!" saad niya.

"Ewan ko sayo tiffany! at please lang maging maingat ka sa pananalita mo at pagbibitaw ng offensive words!" tumawa siya sa mga oras na yun at inirapan ako.

"Ow! I forgot that ... this damn woman ay siya yung secret affair mo?!" galit niyang sabi and doon ko napagtanto na baka nalaman niyang si aivee yung kasama ko sa picture and this is the reason why nagkatagpo sila.

"Okay ... let me cleared this false accusations tiffany. believe it or not, walang namamagitan sa amin ni aivee!" dahan dahan at paunti unti kong paliwanag sa kaniya.

"See?! you knew her!" galit na sabi niya.

"Tiffany makinig ka okay?!!!" nagulat siya ng masigawan ko siya dahil ito ang pinakamalalang nasigaw ko sa kanya.

"That's because of her nagawa mo akong sigawan?! kulas mas lalo mo lang pinapatunayan sakin na may namamagitan sa inyong dalawa!" nakita ko ang pagluha niya sa mga oras na yun.

"Alam mo hindi ko na alam pa kung saan patutungo pag uusap natin at pagpapaliwanag ko. pero, may isang tanong ako sayo sana sagutin mo din ng may katotohanan" medyo nahingal kong sabi.

"How did you met aivee?" ngumiti siya na may halong inis saka lumapit sa akin.

"Kilala mo naman ako di ba? hindi ako papayag na ang isang tulad niya ang sisira sa atin!" bulong nito saka tumawa.

"I'll take her from you!" bigla kong nasabi without thinking and hesitation.

"Ows ... you can't!" saad niya.

"Bakit naman hindi?" sabi ko.

"She has a contract agreement with me!" sabi pa niya.

"Wala akong pakialam tiffany! hindi naman kase tama ginagawa mo lalo't napaka inosente ng babaeng yan. kung galit ka .. sa akin mo ibuhos huwag sa taong walang ginawang masama at mali!" matapos kong masabi lahat ng gusto kong sabihin natahimik siya ilang sandali.

"Kapag kinuha mo siya with you. it means, mas pinipili mo siya over me!" naiiyak niyang sabi at lumakad na ako papuntang room ni aivee para tignan lagay niya na may limang kagat.

Honestly, para nalang akong nabingi sa mga nasabi ni tiffany at nawala yung pakiramdam ko na makaramdam ... you know what I mean.

Nakatingin lamang ako ngayon sa maamong mukha na nakahiga at pikit na babaeng katabi ko ngayon malayo sa babaeng palaban at puno ng enerhiya sa katawan.

"Pagaling ka at paggising mo sa akin kana mamasukan" hindi ko na namalayan na naluha na pala ako habang hawak hawak mga kamay niya.

"Hihintayin ka ni LONG-BOTTOM mo" huli kong bulong ng dumating na mga tinawagan kong pamilya niya.

THE MAID's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon