Nakapaglinis na ako lahat ng maramdaman ko yung pagod. sa katunayan, hindi naman talaga ako sinabihan na magpakapagod sa gawain dito. Pero, siyempre kailangan may gawin ako kaysa tumunganga nalang.
Pipikit na sana ako ng bigla kong marinig si sir dahil hindi naman kalayuan ang aming tinutulugan. nasa guest room kase ako habang sila nay cedes at ilan pang katulong nasa ibang kwarto na para din ganito.
Katunayan pa nga niyan, dapat kaming dalawa ni nay cedes dito kaso sinabi niya sakin na mas bagay daw ako dito at para hindi rin magselos ang iba pang katulong na iisa lang kami ng kwarto.
Wala na din kaming nagawa ni sir noon ng medyo okay pa kami kaya ayun mag isa ako dito.
Nasa harapan na ako ng pinto ng magdalawang isip ako kung tutuloy pa ba ako or hindi na.
"Okay! wala naman mawawala kung titingin ako kung kamusta siya kase baka may masamang nangyayari na sa kaniya" nasabi ko sa aking isipan saka na binuksan ang pinto.
Kabado at hindi ko malaman kung ano ba pumasok sa isip ko at tumuloy ako hanggang sa muli siyang magsalita habang nakapikit.
"Tiffany ... tiffany please-e bumalik kana sakin" pagmamaka awa niya sa kaniyang panaginip.
"Ganda ba naman ni tiffany!" mahina kong bulong at aalis na sana ako ng muli na naman siyang magsalita.
"Nagseselos ka ba kay aivee? alam mo naman na hindi pa ako sure sa nararamdaman ko sa kaniya e! ikaw at ikaw parin kase laman ng isip ko at mahal pa kita" nakaramdam ako ng inis ng marinig ko yun kaya naman kinuha ko kumot sa kaniya at nagulat ako dahil naka brief lang ito kaya agad naman akong napatakip ng mata.
"Anong ginagawa mo?!" saad niya ng magising at ako naman nakatalikod habang namumula sa hiya.
"W-wala ... wala sir!" sabay walk out at pumasok ng kwarto habang nagtatatalon sa inis.
Kainis!
Ang tanga mo talaga aivee!
Bakit naman kase nakaganon lang siya?!
Hindi na ako nakatulog kakaisip dun hanggang sa umabot ng alas singko ng umaga at ang aking mga mata hindi na maipinta sa eyebags.
"Ganda ano nangyare sayo? di ka yata natulog?" bungad ni nay cedes ng makita niya ako.
Akma naman akong magpapaliwanag ng mawalan ako ng malay.
NICHOLAS HERERA POV
Pagkagising ko narinig ko yung boses ni nay cedes na para bang may nangyayare at nakita kong nakahandusay si aivee kaya naman binuhat ko siya saka inihiga sa kwarto ko dahil mas malapit sa kinaroroonan nila.
"Ewan ko ba hindi nagsasabi ang batang yan na may dinadamdam na pala e" pag aalala ni nay cedes at lumabas ito para kumuha ng mga gamot.
"Bakit kase gustong gusto mong patunayan sakin na kaya mong bayaran yung 200, 000 pesos na kusa ko naman ibinigay para ipambayad ng papa mo?" mahina kong sabi habang nakatitig sa kaniya.
"Nak! ... kulas andito si tiffany" dinig kong sabi ni nay cedes hindi kalayuan sa kwarto ko.
"Labas lang ako. pagaling ka ha? short bottom kase may ipapaliwanag ka pa tungkol sa paghablot mo ng kumot ko kagabi" saka lumabas ng kwarto at si nay cedes na muna bahala.
"This is an invitation my dear ex!" bungad ni tiffany matapos iabot sakin ang wedding card/invitation.
"Pumunta ka para dito?!" saka ko iyon pinunit sa harapan niya.
"It doesn't matter kulas, at least, I came here to inform you. so, please, come and see me happy with my new fiance" tatalikod siya ng pigilan ko.
"Alam ko ginagawa mo lamang ito para ipamukha sakin na mali ako noon ng desisyon na ikansela ang ating wedding" humarap siya saka tumawa ng may halong loko.
"Yun ba ang tingin mo?! ... kulas, i was so depressed that time. and you made my parents mad about you and to our relationship even more! ngayon, paano ako hindi papayag sa gusto nila? saka if i stayed with you baka nga tama sila na magiging kawawa lang ako kase hindi ako ang mahal mo kundi yang katulong mo!" galit na galit niyang sabi habang pumapatak na mga luha niya.
"Per-" pinahinto niya ako saka inabot sakin yung ring na isinuot ko noon sa kaniya ng mag proposed ako.
"Thank you for being part of my life. but, I have to move on and take a new life ... a new chapter to be with someone who really loves me and knows my worth" saad pa niya sabay punas ng kaniyang mga luha.
Hindi ko na napigilan pa mga luha ko ng sandaling yun habang palabas naman siya ng mansyon.
"Tif- ... ti... ti ... tiffan-" binato ko ang ring without thinking saka pumunta sa likod at doon ko pinagtatadyak mga bagay na nasa paligid ko at pinagsusuntok ang pader hanggang sa magkasugat sugat kamao ko.
BINABASA MO ANG
THE MAID's LOVE
RomanceDalawang magkaibang katayuan sa buhay ang pagtatagpuin ng mapagbirong tadhana. Ano nga bang kapalaran ang naghibintay sa dalawa? Maging totohanan kaya ang kanilang pagpapanggap? O hanggang maid at sir lang ang turingan nila? Let's find out!