Chapter 8

22 2 0
                                    

"Cheers!" sabay sabay naming sabi lahat habang yung dalawa sa tabi ng kapatid ko nakatingin kay aivee.

"Joan juice lang sayo pati din ikaw viagra" sa oras na yun nagkatitigan lahat habang si aivee namula sa hiya habang nakatitig sakin ng masama.

"As in viagra?" natatawang sabi naman nung isa sa mga kaibigan nung nicholas.

"Shhhhhhh may magagalit at mapipikon kaya yung bibig mo pakisarado lang okay?" sabay ngiti naman ng kapatid ko.

"Okay let's cheers! wag na natin pag usapan pa yan" sabi naman ni romnick sabay kindat kay aivee na wala sa mood.

"Mamaya kalang talaga sakin bwiset ka!" bulong niya at nagpaalam na may bibilhin lang sa tindahan na yelo.

"Pare ihi lang ako" paalam naman ni nicholas na tiyak kong susundan lang si aivee.

"Mga pre ako din" paalam ko saka tumayo at sumunod sa kanila.

"Hanep tawag sayo ng boyfriend mo kuno" natatawang sabi ni nicholas habang nakatayo sa harapan ni aivee sa may tindahan.

"Sir sana ayos lang kayo noh? ahm ... kumakain ba kayo ng mga sea food?" pag iibang topic ni aivee habang pinakikinggan ko sila hindi kalayuan sa kinatatayuan nila.

"Sea foods? ... Oo naman sarap nun e. saka bakit meron bang nagtitinda dito sa maliit na tindahan na yan?" natawa ako ng bahagya dahil sa kabobohan nitong amo niya.

"Bsssssssst" natatawang reaksyon ni aivee habang walang ideya itong mokong na iba tinutukoy niya.

"Did I say something para matawa ka?" kahit sino matatawa sa reaksyon nito.

"E ikaw kase iba nasa isip mo! heto yun oh! Oishi Seafood!" tawang tawang sabi ni aivee habang inabot sa kaniya.

"Akala ko fresh seafood langya" napakamot ito ng ulo pagkatapos.

"Ahm sir ... maiba lang" tanong ni aivee habang naglalakad sila.

"Ano yun?" hinihintay na sasabihin niya.

"Totoo bang fiance mo si madam tiffany?" natigil ito saka humarap sa kaniya.

"Yes, she's my fiance and ilang buwan nalang papakasalan ko na siya" sabi niya at bakas sa mukha ni aivee yung lungkot.

"Ikaw?" nagulat naman siya

"A-ako? ... anong ibig mong sabihin sir?" nauutal nitong sabi ng hindi nakatingin ng diresto sa kaniya.

"Didn't you said kay pareng romnick na boyfriend mo si harold?" nakaramdam ako ng kasiyahan ng mabanggit yun.

"Ahm" sabay buntong hininga nito.

"Please aivee sabihin mong magkasintahan tayo" bulong ko sa aking isipan.

"Tungkol naman dun sir, nasabi ko lang naman yun kase sobrang kulit ng kaibigan mo. pero, ang totoo niyan sobrang solid lang namin ng bestfriend ko kaya ayun sinabi ko kay romnick na kami ni harold" nakita kong napangiti ang mokong sa oras na sambitin ni aivee yun habang ako hindi ko mapigilang hindi magselos.

"Ah ... yan pala totoo mabuti nalang" masaya nitong sabi.

"Huh?" ano sir?" sabay bukas ng binili nilang snacks kay aling dory.

"Wala ang sabi ko mabuti nalang at hindi mo naging boyfriend yun" para na akong uusok sa galit pinipigilan ko lang sarili ko.

"Hoy huh! sobrang bait non saka ideal boyfriend siya!" pagdipensa naman sakin ni aivee kaya naman nawala yung galit ko sa buang na lalaking kasama niya.

"Asus sino mas mabait siya o ako na nagligtas sayo?" at muli silang nahinto.

"Siyempre bestfriend ko! kahit maliit yung ano nun bestfriend ko yun ano man mangyari" nahiya naman ako sa pinagsasabi ni viagra.

"You mean yung hakdog?" natatawang sabi niya habang si aivee naman nakatakip ng bibig.

"H-hindi ... yung ano lang naman ... ahm ... basta wag mo ng intindihin yun baka pag narinig ako nun lagot ako" pigil tawa niya.

"Langya hindi naman maliit ito! laki kaya ng alaga kong cobra!" nasabi ko sa aking sarili habang sabay kamot.

TIFFANY SUAREZ POV

Nakailang missed calls na ako kay kulas pero wala parin response kahit pa nandito ako ngayon sa mansyon nila.

Ayon kay manang cedes, umalis sila kasama ng mga kaibigan niya at nakakatiyak akong kasama nila ang babaeng yun.

Dahil sa kutob kong nandun sila sa bahay ng higad na yun minabuti kong kuhanin address niya mula kay kuya.

I stopped my car near sa may kanto at naglakad patungo sa bahay ng babaeng yun.

"Papalakad ako at sa hindi sinasadya nakita ko ang isang lalaki na umiihi kaya naman harap harapan kong nakita yung ...

yung ...

Grrrrrrrrrrrrrrrr

"Pwede ba huwag kang iihi kung saan saan!" inis kong sabi habang nakatakip mga mata ko.

"Ikaw ... bakit ka kase tumitingin sa alaga ko?" nang iinis niyang sabi.

"Jerk! tumabi ka at dadaan ako!" natawa siya bago ito magsalita.

"Maaliwalas yung daan kaya makakadaan ka! pa inosente ka pa e gusto mo lang din naman nakakakita ng ganito" huminto ako while staring him from top to bottom and gwapo naman siya kaso hindi ko type.

"Wag kang feeling!" sabay taas ng kilay ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Teka lang mis, parang parehas lang tayo ng patutunguhan ah? diyan ka ba dadaan?" turo niya sa mismong pupuntahan ko.

"Wala kanang paki! so please, stop following me baka akalain pa ng fiance ko may namamagitan pa sa atin!" saka siya tumawa ng malakas.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" nahinto siya saka ako tinignan.

"Malamang ikaw yung fiance nung gagong nicholas na yun! kaya pala parehas kayong attitude" natatawang sabi niya na sobra ko naman kinainisan.

"How dare you! wala kang karapatan na sabihan mo kami ng ganyan dahil hindi mo kami kilala kaya mag ingat ka sa binibitawan mong salita!" akma ko siyang tatalikuran ng hawakan niya ako.

"Hindi ako natatakot sayo! kaya sabihan mo yang fiance mong layuan si aivee!" nagulat ako dahil hindi ko akalain na kakilala pala niya ang babaeng yun.

"My goodness! no wonder, kaya pala maging yang asta mo pang aivee din! kaya pala na parang mga linta kayo na dikit ng dikit sa kung kanino! at ikaw na bastos like her na higad!" para na niya akong sasapakin sa oras na yun ngunit nagpigil siya.

"Kung hindi kalang babae pinatulan na kita!" inirapan ko siya matapos nun muli na akong naglakad.

THE MAID's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon