Chapter 19

22 3 0
                                    

2 YEARS LATER

"Welcome back minamahal kong pilipinas!" sigaw ko ng makabalik ako sa bayan kong labis kong namis ng sobra sobra. kahit maraming tumingin sakin pagsigaw ko wala naman akong paki dahil masaya ako at sobrang exciting lang.

Malapit na akong makauwi sa bahay at siyempre, surprise ito. hindi kase nila alam at hindi ko din naman pinaalam sa kanila ang tungkol dito.

"Sa wakas muli kong makakapiling mga mahal ko sa buhay" sabi ko sa aking isipan at natulog muna sa biyahe.

Alas singko ng hapon ng makarating sa bahay at siyempre hindi ko naman sukat akalain na yung mga pinapadala kong pera sa pamilya ko magbubunga.

Sobrang nahappy ako dahil yung dating medyo hindi kagandahan naming tahanan nag evolved na at heto nakakatuwa lang isipin na ginagamit talaga ng magulang ko ang aking pinagpaguran sa maayos na paraan.

Bilang isang anak nila naiyak ako sa labis na tuwa na ... na siyempre, pwede ko naman at least, ipagmalaki at sabihin ito na nakakaluwaag kami kahit papaano dahil sa malaking pasahod dun kahitt pang sabihin na natin nakaranas ako ng hindi magandang trato mula sa mag ina.

Siyempre, thankful parin naman kase yung amo kong lalaki sobrang mabait kaya naman kahit sobrang attitude ng mag ina niya pinili parin namin manahimik at huwag isumbong mga hindi magagandang asal dahil na rin sa respeto at hiya namin sa kaniya.

Dahan dahan akong naglakad dala mga pasalubong at ilang kagamitan ko na bago at luma at bunuksan ang gate.

Di ba ... may gate na talaga kami na bakal. wow di ba?

Nakapasok na ako at sabay tahol naman ng aso dahil hindi pa niya ako kilala sa tagal ba naman wala ako dito.

"Ate?!" sigaw at masayang bungad ni gusion ng makita ako pagbukas ko ng pinto. masaya nila akong sinalubong lahat at kita ko din si kuya habang karga ang mahigit isang taong gulang kong pamangkin.

"Namis ka namin anak sobra" nagyakapan kami at marami kaming napag usapan at tila medyo malungkot sila ng mabanggit ni aldous yung name ni nicholas na matagal ko ng nilimot.

"Nga pala ma, pa may pasalubong din akong mga damit sa inyo na tiyak niyong magugustuhan" nakangiti kong sabi ngunit bakas parin sa mukha nila yung lungkot at parang may gusto silang sabihin hindi lang nila masimulan dahil sa pag iwas ko dito.

"Ate si kuya nicholas naano po ...na" ngumiti na lamang ako sa kanila at hindi ko na pinatuloy pa si aldous.

Pumanhik ako sa kwarto dahil meron na din kaming second floor at sa taas yung akin na pinasadya ni papa dahil alam niya at gusto ko ito noon pa man bata ako na nangangarap.

Tahimik lamang ako sa aking kwarto at naiintindihan naman ng magulang ko kaya hindi na muna nila ako inistorbo.

"Ate si kuya nicholas naano po ...na-" paulit ulit na nagsink in sa aking utak at ilang sandali pa pumasok si mama at kinausap ako at sinabi ang nangyari nga kay nicholas na naaksidente 2 years ago nung panahon pa raw na umalis ako at kasal ni tiffany.

Nung una akala ko naaksidente siya dahil sa labis na pagmamahal kay tiffany at sa akala kong pipigilan niya ang kasal.

Yun pala ang pagkakamali ko at labis na ikinabahala ko dahil pala sa paghabol sakin ayon daw mismo kina romnick at kevin na kasama niya panahong yun.

Hindi ko na alam pa kung ano mararamdaman ko dahil sa dalawang taon na paglimot ko sa kaniya at pagtanggap na wala kaming chance para sa isa't isa naglaho ito na parang bula ng malaman ko ang sa likod ng mga pangyayaaring ito.

Nabulag si nicholas!

Nagkaroon ng bubog sa kaniyang mga mata na nahirapan nilang tanggalin at huli na para daw dito.

Pagkatapos masabi yun ni mama pinalipas ko muna ng ilang araw dahil sa hindi parin ako makapaniwala at hindi parin ako handang makita siya.

Natanong ko naman si mama kung bakit ngayon lang niya sinabi sakin ito. ang sagot niya, kakasabi palang daw ni romnick dalawang araw na nakararaan at hindi raw masabi sabi sakin ni mama dahil sa nirerespeto niya pananahimik ko tungkol kay nicholas.

5 DAYS LATER

Nakapagdesisyon na akong harapin at tignan kalagayan ni nicholas. nagpahatid ako kay kuya hindi kalayuan sa mansyon nila at doon natanaw ko siya nakaupo habang hawak ang kaniyang gitara habang yung dalawa naman sina romnick at kevin nasa magkabilaan niya at sinusuportahan ito sa kaniyang ginagawa.

Naiyak ako sa kanta niya habang dahan dahan akong lumalapit palapit sa kinauupuan niya.

THE MAID's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon