Chapter 7

21 2 0
                                    

"Pre ... pareng kulas kamusta na lagay ni aivee?" hingal na hingal na sabi ni pareng romnick ng makasalubong ako sa labas ng hospital.

"Pare maayos lang siya saka paano mo nalaman na nasa hospital siya?" sa natatandaan ko kase wala naman akong nabanggit about this.

"Ah galing kase ako sa mama ni aivee" nakita niyang natawa ako sa part na yun.

"Langya ka pre saan ka galing?" natatawa ko paring sabi sa kaniya.

"Ang ibig kong sabihin nanggaling ako sa bahay nila and sakto nakausap ko sila kaya sinundan ko" paliwanag niya at talagang seryoso ang lokong 'to na diskartehan ang babaeng minsan ko ng kinainisan.

"Hindi ka parin ba nag-gigive up ng paalisin ka niya sa bahay nila?" natatawa kong sabi dahil sa nagsumbong siya sakin na parang bata and about that, hindi ko alam na may boyfriend na pala si aivee base sa naikwento ni pareng romnick.

"Kakampi mo ba talaga ako? may tiffany ka na and time ko naman para mapaibig ang magandang si aivee" naglakad na ako sa oras na yun dahil sa mga walang katuturan na pinagsasabi niya.

"Hoy pare! parang ewan ka naman bigla bigla kang nang iiwan!" at sinundan niya ako para makiusap na kung pwede mag stay muna kami sa hospital ngunit hindi ako pumayag.

HAROLD GUEVARA POV

Nabalitaan kong naka confine si Aivee kaya naman namili ako ng mga prutas at hetong paborito niyang biko.

Alam ko kahit na hindi kami magkausap ni aivee dahil sa dismayado akong nakalimutan niya yung time na sinabi ko sa kaniya tungkol sa lihim kong nararamdaman.

Ganon pa man, hindi naman mawawala yung malasakit ko para sa kaniya dahil sa sobrang tagal na naming magkakilala.

"Kamusta na po lagay niya? mula pa po ba kanina hindi parin siya gumigising?" tanong ko sa mama niya na katabi nito habang hawak hawak mga kamay ni aivee.

"Gumising na kaso natulog lang at madami kasing itinurok sa kaniya kahit pang nasabing wala naman mga rabies mga aso sa pinagtatrabauhan niya. alam mo sobrang nagpapasalamat ako sa lalaking gwapo at napakabait at niligtas niya buhay ng anak ko" masaya niyang sabi habang kinukwento mga nangyari base daw sa naikwento ng lalaking nagdala kay aivee dito.

"Ganon po ba? siguro kapag nagkita kami pasasalamatan ko siya" sabi ko at medyo nakaramdam ako ng kaunting guilt dahil wala ako sa tabi niya sa oras na kailangan ang katulad ko.

"Sige iho, maraming salamat sa pagdalaw at ipapaubaya ko muna sa iyo anak ko dahil aasikasuhin ko pa mga kapatid niya" pagpapaalam ni tita ng sabihan ko siyang ako na magbabantay sa anak niya.

Isang linggo na naman ang lumipas at natanggalan ako ng trabaho dahil sa palagian kong absent.

Medyo marami akong iniisip ngayon kung saan na naman kukuha ng mapagtatrabauhan at nahihiya naman akong humingi ng tulong kay aivee na mamasukan sa pinagtatrabauhan niya sa mansyon.

Nakilala ko na din yung lalaking tinutukoy ni tita nito lang nagdaang linggo at hindi na ako magsisinungaling pa na sabihin hindi siya gwapo.

Ngayon alam ko na kung bakit tila hindi makita ni aivee sakin yung tipong pagtingin ko para sa kaniya.

Siguro itong lalaking ito ang siyang nagpapatibok ng kaniyang puso kahit pang minsan na silang nagkaroon ng bangayan ng minsang maikwento ni aivee lahat sakin.

Noon, hindi ko pa naman alam na iisa lang pala ang taong kinaiinisan niya sa taong nagligtas ng kaniyang buhay.

Kaya heto pakiramdam ko nahuhulog na siya sa kaniya dahil sa mga titig at asta niya kapag nadalaw sa hospital si nicholas.

"Pare pasensya na talaga at hindi kita masalo sa trabaho natin. alam mo naman na medyo baguhan pa ako kaya wala din akong magawa" malungkot na sabi ni pareng Martin kasamahan ko sa trabaho.

"Ayos lang pre, saka kasalanan ko naman bakit natanggal ako dahil sa pagiging iresponsable ko" sagot ko saka ininom ang alak na pinagsasaluhan namin.

"Alam ba ni aivee ito? siya naman kase dahilan bakit natanggal ka" napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya yun.

"Pre, walang kinalaman si aivee dito. ako itong nagpumilit at wala siyang alam sa ginusto ko" paliwanag ko sa kaniya.

"Ganon na din yun pare, kaya sana naman makita niya yung mga bagay na isinasakripisyo mo para sa kaniya. alam ko medyo nasasaktan kana din dahil sa hindi niya maramdaman yung pagtingin mo sa kaniya" tinap niya ako sa aking balikat sabay inom ng beer.

"Pre, huwag na natin pag usapan pa yan kase mas lalo lang nadadagdagan yung sakit" saka kunwaring natatawa habang sa kaloob-looban ko nasasaktan na.

"Tama ... tama yan pare kaya ang gawin natin ngayon ay magpakalunod sa alak at kalimutan mga sari-sarili nating kinakaharap na problema sa buhay" saka kami nagtawanan habang nagchi-cheers.

"H-harold!" tawag ng isang babae mula sa aking likuran habang may dalang pizza at softdrinks kasama kapatid kong babae.

"Kuya tara sama ka sa bahay nila ate aivee at marami silang bisita" natutuwang sabi ni joan habang si aivee naman nakatingin sakin at nakangiti.

"Mga bisita?" saka siya tumango.

"Bumisita kase sila Sir Nicholas" sabi ni aivee.

"S-sir?" curious na may halong saya.

"Oo bakit? si sir nicholas" nakangiting sabi ni aivee kaya naman nadala ako sa oras na yun at nakaramdam ng kaluwalhatian.

"A-ano sasama ka ba or hindi kuya?!" naiinip na sabi ng dalaga kong pasaway na kapatid.

"Tara na" sabay hawak sa mga kamay ko ni aivee na para bang first time itong nangyari sa buong buhay ko. iba kase ang noon sa ngayon e. dahil ngayon mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kaniya.

"S-sige ba ... para alam ko naman na hindi ka maaagaw sa akin nung nicholas na yun" pabulong kong sabi.

"Huh? ... ano sabi mo kuya?!" sabay kamot ng kaniyang ulo habang yung mukha niya hindi maipinta.

"W-wala ang sabi ko ang pangit mo" at nagsipag tawanan kami habang naglalakad patungo sa bahay nila aivee.

THE MAID's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon