Chapter 17

17 3 1
                                    

These past few days and weeks at ngayon heto na talaga yung araw na ikakasal na ang minsang babaeng minahal ko.

I don't know why kung ganito yung feelings ko. hindi ko maipaliwanag katulad ng naramdaman ko na noon panahon kami pa ni tiffany.

It's more likely ... my heart was torn in two.

I don't know and hindi ko pa masabi if this real or not.

I would love to be with tiffany so badly. but, at the same time ... I would love to be with aivee too for some kind of reasons.

Ewan!

Sobrang naguguluhan ako at hindi ko na talaga alam kung ano pwede kong gawin.

AIVEE GRACE PAMINTUAN POV

Sa mahigit ilang araw na dumaan ang buong akala kong bibisitahin ako kahit papaano ni nicholas hindi nangyare ayon sa gusto ng puso at isipan ko.

Teka!

Kami ba para magdemand ako ng ganito?

Sa pagkakatanda ko wala talagang namamagitan sa aming dalawa dahil ako itong si t*nga nahulog sa lalaking never akong magugustuhan!

Sobrang sakit lang na hindi ka crush ng crush mo at sobrang sakit yung umaasa ka sa isang bagay na napakaimposibleng mangyari.

Sa ngayon, naririto ako sa isang parke kung saan ko hihintayin si nicholas para malaman ko kung may chance ba ako sa puso niya dahil sa pag amin ko sa kaniya.

Mahigit isang oras na ang nakalilipas at kapag hindi pa siya dumating sa itinakdang oras tuluyan ko na siyang lilisanin para sa oportunnidad makapag trabaho ng ibang bansa.

Mainit ngunit tiniitis ko dahil na rin sa pag asang pinanghahawakan ko.

Napatingin ako sa aking relo na binili niya noon at ilang minuto nalang natitira.

"Please dumating ka nicholas" sabi ko sa akinng isipan habang nakatingin sa kalangitan na ngayon biglang dumidilim at ang hangin na dala niya na siyang nagpapalamig sa buo kong katawan.

Nagsipag uwian na ang ilang tao habang ang iba nagsipag puntahan sa may mga silungan kahit wala pa naman ulan.

Tingin lang ako ng tingin sa aking orasan hanggang sa lumagpas na pala ito sa itinakdang oras.

Nag stay pa ako ng ilang saglit dahil umaasa parin na ppupuntahin parin niya ako dito.

Pigil na pigil yung luha ko dahil anumang oras babagsak din ito.

10:30 AM

Sa alas nueve na hiningi kong oras kay nicholas hindi natupad at tila nga tama ako na si tiffany parin pinili niya.

11 AM at sobrang asanng asa na ako kaya naman pinutol ko na ang pagiging assumera kong tao at akmang aalis ng may tumawag sa pangalan ko dahilan para mahinto ako sa paglalakad.

"Aivee!" napalitan ng ngiti yung malungkot kong mukha ng marinig ang isang tinig ng lalaki at dahan dahan akong lumingon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa aking paglingon muling napalitan ng ibang expression ang aking mukha.

"H-harold?" hindi ko inaasahan na siya yung darating.

"Bakit mo naman iiyakan ang napakawalang kwent*ng lalaking yun?! nandito parin naman ako aivee" saka pinunasan mga nangilid kong luha.

"A-ng ... ang s-sakit ... sakit sakit harold" hindi na ako nakapagpigil at tuluyan ng bumuhos mga luha ko habang yakap yakap siya.

THE MAID's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon