Chapter 1

38 4 1
                                    

Nagkatitigan kaming masama habang hindi parin ako makapaniwala na siya ang may ari ng napakalaki at lawak na bahay na ito.

"Nay cedes, bakit ho nandito yan? don't tell me siya yung sinasabi mo sakin?" narinig kong sabi nito habang nilalagay yung gamit niya sa may gilid.

"O-oo nak, siya nga. kilala mo ba siya?" tanong nito saka kami nagkatinginan.

"N-no!" maikling sagot niya saka umupo.

"S-siya po ba talaga may ari nitong mansyon?" bulong ko kay manang.

"Oo ganda" nakangiti niyang sabi at parang nag-aalanganan akong sabihin sa sarili ko na "nasabi kong mabait siya" sabay tingin muli sa kaniya.

"Ahm ... manang nagkamali ho yata ako ng inaplayan" parinig ko ngunit isang lingon lamang ng lalaking ito ang aking nakita.

"Well, that's good! you shouldn't be here in the first place. so, hurry and go away!" cold nitong sabi sakin.

"Ahh ehhhh ... nak m-may alitan ba kayong dalawa? k-kase parang sa nakikita ko may hindi kayo pagkakaunawaan" nahihiyang sabi pa ni manang saka niya ako kinausap at gusto niya akong magpatuloy dito.

"Nay please, escort her outside. baka mas lalong magalit sakin si tiffany at akalain totoo yung mga nakita niya" galit na sabi nitong cold na lalaki.

"Mawalang galang na ho sa inyo sir ha?! ... hindi niyo ako kailangan ipagtabuyan dahil kusa akong aalis! kung alam ko lang na ikaw pala may ari nito never kong maiisip na pumasok dito!" pabalang kong sagot kahit pa sa sarili ko alam kong kailangan na kailangan ko ang trabahong ito.

"Then, what are you waiting for?! just go!" galit na galit niyang sabi habang hindi ko parin matiis ugali niya.

"Manang maraming salamat sa kabutihan at pagpapatuloy niyo ho sakin dito. siguro kung hindi lang yan ang boss niyo makakasama ko kayo" saka ako yumakap sa kaniya at akmang magpapaalam na ng pigilan niya ako.

"Ganda ... hayaan mo at kakausapin ko siya para sayo. hindi ba't kailangan mo ng work ngayon para sa pamilya mo?" malungkot nitong sabi.

"Manang huwag na ho, saka may mahahanap naman po ako. kaya hindi niyo na ho kailangan gawin yan. sabi ko saka na ako nagpaalam.

"She's the reason why kung bakit galit na galit sakin si tiffany nay cedes" dinig kong sabi niya bago pa man ako makaalis.

"Ako dahilan? bakit?" tanong ko sa aking sarili habang binabalikan mga nangyari at napagtanto ko na baka yung nangyari kanina sa cr ng grocery. nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa may tumawag sakin.

"Viagra!" malakas na sigaw nito kaya napalingon ako hindi kalayuan banda sa aking kinatatayuan.

"Kainis talaga ang lalaking ito!" sabi ko sa aking sarili ng makita kong si Harold na kababata ko ever since.

"Viagra saan ka galing?" tawag niya sakin mula noon na ayokong naririnig dahil nakakahiya.

"Pwede ba harold tigil tigilan mo na kakatawag sakin ng ganyan! dalagang dalaga na ako oh" sabi ko saka siya huminto sakay ng kaniyang single na motor.

"Alin yung pagtawag ko sayo ng viagra?" tawang tawa niyang sabi habang binabanggit nito. apaka taba kasi ng utak niya at napagdikit dikit o sama niya yung pangalan ko para mabuo yun.

[AIV]ee [GRA]ce Pamintuan

"Kainis ka talaga! huwag mong hayaan na ipangalandakan kong maliit yang nasa ibaba mo!" pang aasar ko para naman makaganti kahit papaano.

"Asus si viagra talaga oh, totoy pa ako non di na katulad ngayon" tawang tawa parin niya.

"Bwiset ka! bahala ka nga diyan ay huwag mo akong asarin dahil mainit ulo ko!" sabi ko saka na nagpatuloy sa paglalakad.

"T-teka ... ito naman hindi mabiro. tara sakay kana dito at ihahatid na kita mamaya sa inyo. pero, bago yun samahan mo muna ako" sabi niya.

"Hindi ako pwede aasikasuhin ko pa mga bata kong kapatid pag uwi" sabi ko saka niya hinarangan daanan ko.

"Saglit lang naman" pakiusap niya.

"Hindi nga pwede" patuloy kong sabi ngunit ayaw niya akong tantanan hanggang sa mapapayag niya ako.

Sumama ako at idinala niya ako sa mamahaling restaurant.

"Kainis ka ang mahal dito" sabi ko saka siya ngumiti.

"Chill kalang diyan bagong sahod ako" nakangiti niyang sabi at lumalabas yung kagwapuhan niya.

"Nga pala, ala bang hiring diyan sa pinagtatrabauhan mo?" nahinto siya ng maitanong ko ulit yun. bawat kase tinatanong ko siya sa bawat work niya na never ko pang nalaman mula sa kaniya kung ano ba talagang klaseng trabaho meron siya at hindi niya masambit sambit.

"Mas mabuti pa kumain kana lang wag ng maraming tanong. saka hindi pwede babae dun" yan lamang lagi niyang sagot sakin o kaya naman walang kahit na anong sagot sa aking katanungan maliban lang ngayong araw na ito. hindi ko na pa muling tinanong dahil sa respeto ko na din kung ayaw niya talagang ipaalam.

"Maraming salamat ha" nahinto siya.

"Hmmm ... para saan?" tanong niya.

"Sa treat, alam mo never pa akong nakakain dito" sabi ko saka siya tumingin sakin ng diretso.

"Hayaan mo kakain ulit tayo dito" nakangiti niya saka pinunasan yung natira sa gilid ng bibig ko.

"Kainis ka, hindi mo na kailangan gawin yan. saka ayos na ako sa ordinaryong pagkain sanay na ako dun" sabi ko saka na kami nagpatuloy umalis.

NICHOLAS HERERA POV

"My goodness tiffany! up until now, yan parin pag uusapan natin?! how many times do i have to tell you na mali iniisip mo?! ni hindi ko nga kilala yung babaeng yun and it's a coincidence na andun siya sa cr"

Paliwanag ko ngunit ayaw niyang maniwala dahil sa nakita niyang larawan na kasama ko yung babaeng yun na kinuhanan ng kapatid niyang lalaki na ayaw ako para sa kapatid niya.

Andun din kase siya kasama ng kaniyang tropa at isa dun ang gusto niya para sa kapatid niya. kaya ayun pinicturan kami ng hindi ko alam at nalaman ko nalang ng l-forward sakin ni tiffany larawan kasama nung babae.

"If it's not true,  bakit nasa male's cr yung babae?" sabi niya thru phone calls nasa ibang bansa kasi siya pursuing her studies as fashion designer.

"Hindi ko nga alam babe! why can't you understand na sinisiraan ako ng kapatid mo para maghiwalay tayo!" napapalakas kong boses.

"Pwede ba huwag kang magtaas ng boses?! saka bakit naman gagawin ni kuya yun?!" galit niyang sabi.

"So, you don't believe?  hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?! bahala ka diyan!" saka ko na siya pinatayan ng tawag at humiga.

"Fuck!" tumayo ako at hindi ako makatulog kaya naman lumabas ako at pumunta sa may club para uminom kasama ng aking mga kaibigan.

THE MAID's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon