"S-sir ... sir teka lang, napano yang kamay mo?" saka siya pilit tumatayo.
"Ah ito? wala. ang alalahanin mo yang sarili mo wag mong pansinin iba" sabi ko saka lamang siya ngumiti na parang normal lang sa kaniya.
"Sana lagi ka nalang ganyan" saad niya habang bakas sa mga labi at mata yung kasiyahan na sana meron din ako.
"Ipapahanda ko nalang kina nay cedes ang iba pang need mong med and clothes" tumayo ako saka lumabas ng kwarto.
AIVEE GRACE PAMINTUAN POV
Dalawang araw na mula nung magkalagnat ako at tila wala parin sa mood makipag usap si sir.
Ibig kong sabihin, hindi niya ino-open yung about sa problema niya sa lovelife.
Medyo maayos na din ulit pakikitungo niya sakin at kuntento na ako dun.
Nagtitimpla ako ngayon ng tsaa dahil sobrang aga kong nagising dahil na rin sa pagbibigay oras sa akin ng mga tao dito.
Especially, si sir at nay cedes na dalawang araw din akong nababy sa kanila.
Di ba saan ka pa na katulong na pinagsilbihan ng amo at ni nay cedes na mas mataas na katungkulan kumpara sa akin.
Matapos kong inumin ang tsaa magtatapon na sana ako ng basura ng may makita akong ilang piraso ng papel sa may gilid ng puno kaya naman pinulot ko ito.
"Imbitasyon ito ah?"
Sabi ko sa aking sarili at hinanap pa ang ilan sa mga piraso nito at kahit sobrang hirap pinagdugtong dugtong ko mga ito hanggang sa magulat ako sa resulta ng pagkacurious ko.
"A-ano mga y" hindi ko na naitago pa ng kunin sakin ni sir at bakas sa mukha niya yung galit.
"Sinong may sabing pulutin at basahin mo yan?!" duon ko palang nakita yung sobrang galit ni sir habang pinagpupunit at tinapon sa harapan ko mga binuo kong pira pirasong papel.
"P-pasesnya na sir" medyo kabado kong sabi.
"Sa susunod kapag itinapon na huwag ng kunin ulit!" akma itong lalakad ng pigilan ko siya.
"Sir ... sir sorry talaga" kumalas siya habang hindi nakatingin sa akin saka muling naglakad palayo.
Sobrang awang awa ako kay sir dahil sa labis niyang mahal si madam tiffany.
Pero, bakit parang ako man din nakakaramdam ng kakaibang kaba at sakit sa aking dibdib?
Yung tipong hindi ko maexplain yung pakiramdam ko.
Dahil sa mga bagay bagay na pumapaikot sa aking isipan minabuti kong umuwi muna at napayagan naman ako.
"Ate?! ... ma si ate po" masaya at malakas na sabi ng mga kapatid ko habang sinalubong ako sa pinto.
"Anak salamat naman dumalaw ka" sabay yakap sakin at ng dalawa kong kapatid na malikot, cute at malalambing.
"Si papa asan?" dahil akala ko kase madadatnan ko siya dito.
"Naku iyang papa mo sobrang tigas ng ulo! makailang beses ko na yan sinabihan na huwag nalang magwork kaso nahihiya daw siya sayo" napabuntong hininga ako saka umupo.
"Si papa talaga oh, hindi naman na niya kailangan pang magtrabaho. kaya nga kumayod ako para sa inyo at magpahinga nalang dito e" saka inabot sakin yung tubig ni gusion.
"Alam mo naman papa mo anak" naiinis ngunit may pag aalala ang reaksyon ni mama bago niya ituloy niluluto niyang hapunan.
"Ma, ako na diyan" sabi ko ngunit pinagpahinga niya nalang ako and sa totoo lang medyo need ko talaga dahil parang nabebenat ako.
Ilang araw na din akong absent sa pasok ko bilang maid sa malaking mansyon ni sir nicholas at ngayon papunta ako sa bahay ni madam tiffany.
Malayo palang ako tanaw ko na malaki nilang bahay at ng medyo malapit na ako napa atras ako dahil sa nakita kong naghahalikan sila nung lalaking kasama niya.
Aalis na sana ako nung oras na yun ng bigla siyang magsalita.
"Don't hide yourself bitch!"
Natigil sila at yung mukha nung lalake parang inis sakin dahil sa parang nabitin ito.
"Who is she babe?" tanong niya kay madam tiffany.
"Hindi mo ba siya natatandaan?" napaisip ang guy pati na din ako dahil wala akong ideya kung ano tinutukoy niya.
"Ah siya yung babaeng nakasex nung ex mo sa male's room!" medyo nabastos ako sa part na yun kaya naman hindi na ako nakapagtimpi.
"Mawalang galang na ho sa inyong dalawa! parang hindi ko nagugustuhan yang tabas ng dila mo!" tuwama ito ng napakalakas saka tumingin sakin.
"Hindi ba totoo? nags" pinigilan siya ni madam tiffany sa oras na yun at pinapasok sa loob kaya kami nalang dalawa natira sa labas.
"Cut the crap! what are you doing here?!" nakataas na kilay niya.
Huminga muna ako ng malalim saka kumuha ng lakas para makapag salita.
"Tungkol sa inyo ito ni sir" tumawa siya saka umirap sakin.
"Ows? ano naman paki ko?!" sabi niya saka niroll yung mga mata niya.
"Ma'am tif, akala ko ba mahal na mahal niyo isa't isa ni sir? hindi mo ba alam na sobra siyang nasasaktan ngayon? hindi ba't siya yung fiance mo? pero, bakit bigla kang magpapakasal sa lalaking yun?!" mas lalo siyang tumawa saka pinalakpakan ako.
"Galing! ... ang galing mo naman. as if hindi mo alam na kaya kami nagkahiwalay dahil sa kagag" hindi niya ito itinuloy saka inayos damit ko.
"Never mind that, it might be lalaki ulo mo if i continue saying those words! ... well, anyway, he deserved my anger kaya magdusa siya for causing me depressed!" itinulak niya akong bahagya saka siya nagdesisyon pumasok sa bahay nila.
Palakad na ako ng mga oras na yun ng makita ko yung kotse ni sir nicholas umandar palayo na din sa kinaroroonan ko.
"Nakita ba niya lahat?"
Natanong ko sa aking sarili at nagpatuloy na sa paglalakad pauwi sa aming bahay.
1 WEEK LATER
"Sir tabi!" nadulas ako sa mga oras na yun at sabay kaming bumagsak sa pool.
"Uh ... ano bang kalamyaan yan aivee!" hingal niyang sabi saka umahon sa tubig.
"Pasensya na talaga sir kasi naman akala ko babagay at kaya kong suotin ang napakalaking hills nato" saad ko saka siya natingin sa nabaling takong.
"Maayos ka ba? hindi ka ba nasaktan?" pag aalala niya kaya naman hindi ko na naitago pa yung saya.
"I mean, ano bang pumasok sa isip mo at naghills ka?" saka siya tumayo at pinilipit yung basa niyang damit.
"Ano kase sir ... ahm ... may pa-party mga dati kong kaklase nung high school kaya naman pinagpapractisan ko magsuot ng ganitong klasemg hills" paliwanag ko.
"Bakit require ba yan?" sabi niya at hindi na ako makapagsalita dahil sa malaking katawan at may balahibo malapit sa kaniyang pusod.
"H-hindi ... wala naman ganon" naiilang kong sabi.
"Hindi naman pala e. so, wear what's comfort you at 'wag ipilit ang bagay na hindi naman dapat" napanganga ako at akma siyang lalakad ng biglang may lumabas sa aking bibig na parehas namin ikinagulat.
"Sir, gamitin mo ako para pagselosin si madam tiffany" nahinto siya sa oras na yun at ako man hindi makapaniwala sa nasabi ko.
BINABASA MO ANG
THE MAID's LOVE
RomanceDalawang magkaibang katayuan sa buhay ang pagtatagpuin ng mapagbirong tadhana. Ano nga bang kapalaran ang naghibintay sa dalawa? Maging totohanan kaya ang kanilang pagpapanggap? O hanggang maid at sir lang ang turingan nila? Let's find out!