AIVEE GRACE PAMINTUAN POV
Hay sa wakas! may biyaya na din at magkakaroon na ako ng trabaho.
Masaya ko yung ibinahagi sa aking mama para naman kahit papaano makatulong ako sa kanila.
"Kambal ano gusto niyo kapag sumahod ako?" sabi ko sa kanila.
"Ate naman e, kapag nakapagtrabaho kana dun mo kami tanungin" sabi ni bunso na may kambal.
"Aba! mama tignan mo si taba oh parang matanda kung sumagot sakin" biro ko.
"Mama oh tinawag na naman akong taba ni ate!" naasar niyang sumbong.
"Naku kayo talagang mga bata kayo. halina kayong tatlo dito at kakain na tayo" sabay dila ko naman kay bunso.
"Di ka bibilhan ni ate ng laruan" pagbibiro ko at kita sa kaniya yung lungkot.
"Ako ate gusto ko yung robot na si bumble bee" sabi ng panganay sa kambal kong kapatid.
"Sige bibilhan kita si taba hindi" tawang tawa ko saka siya umiyak.
"Si aivee parang bata kung makipag biruan sa mga kapatid niya" sabi ni mama matapos buhatin si gusion para kumain.
"Papa jesus maraming maraming salamat po sa biyayang ito sana'y lagi po ninyo kaming biyayaan" pag lead sa pray ni aldous
A/N: [Sorry wala na akong maisip na name kaya kumuha sa ML charisss]
"Amen"
Sabay sabay naming sabi saka nagsimulang kumain.
12:30 ng tanghali ng maka received ako ulit ng tawag at pinapapunta nila ako sa bahay na pagtatrabauhan ko bilang kasambahay.
Medyo may kalayuan ito kaya naman nagbaon ako ng maiinom kahit sobrang init para sa pamilya ko kaya kong tiisin.
In hale ...
Ex hale ...
Grabe sobrang pagod at andito na ako ngayon sa address na ibinigay sakin.
Nagdoorbell ako at katulad ng bahay nung longbottom na yun malaki din bahay na ito.
"Ikaw ba yung Aivee Pamintuan?" salubong sa akin ng isang babae na ka edad ko.
"Ako nga po ma'am" sagot ko saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.
"Maganda ka nga tulad ng sabi ng kuya ni tiffany" mahina nitong sabi na hindi ko man lang naintindihan.
"Ahm ... sorry ma'am may sinabi ba kayo? pasesnya na hindi ko naintindihan at narinig ng maayos" medyo kinakabahan kong sabi.
"Wala naman ms. Pamintuan. but, anyway, tuloy ka sa bahay ng bestfriend ko" nagulat ako dahil ang buong akala ko siya may ari nito.
"Ibig sabihin hindi po kayo ang bos ko?" huminto siya saka bahagyang ngumiti.
"Yes, my bestfriend ask me na I-assist ka" sabi niya saka muling nagpatuloy.
"Good desisyon nga ba na pasukin ito?" sabi ko sa aking sarili dahil may isang recruitment na pumunta sa bahay para i-offer sakin ito.
Siyempre, nung una nag alangan ako dahil sa hindi pa ako lubos na nagtitiwala pero may ibinigay silang address before at nakumpirmado kong hiring sila ng apat na tauhan kasali na dun ang hardinero, driver at dalawang katulong sa loob at labas ng bahay.
Sa ngayon ako yung pinaka huli palang dumating sa apat na tinawag at heto pinapaliwanag kung ano mga dapat at hindi dapat gawin.
"Do you understand now ms. Pamintuan?" medyo may attitude niyang sabi sakin ngunit di ko na lamang yun pinansin baka natural lang sa kaniya yun.
"Yes, ma'am" nakangiti ngunit kabado kong sagot sa kaniya.
"Well, you may start by tomorrow" sabi niya.
"As in bukas na ma'am?" hindi ko mapigilang saya.
"Hmp, ayaw mo?" umiling iling ako.
"S-siyempre po, gustong gusto sinong tatanggi" sabi ko saka na kami pina uwi at para makapag handa.
Lumipas na naman ang isang araw at heto na naman ako nakatayo sa harapan ng napakalaking bahay na ito kasama ang tatlong makakasama kong magtrabaho dito.
"Wala po ba si ma'am Natalia?" tanong ko dahil kaharap namin ay isang lalaki na may itsura naman kaso hindi ko type.
"Wala dito asawa ko" sabi niya
"Ah ganon po ba, asawa po pala kayo sir" naiilang kong sabi at bago pa man ako muling magtanong sinabihan na kami sa aming gagawin.
"Ikaw dito ka" sabi niya at in-assign niya ako sa may cr.
"S-sir bakit dito lang ako naka assign? ... ibig ko pong sabihin bakit dito lang? wala na po ba akong pwedeng linising iba?" pagtataka ko dahil alam ko naman na part yun ng job ko kaso bakit sa cr lang? akala ko pati sa sala lilinisin ko.
"Ayaw mo nun? kaunti lang gagawin mo? saka pasalamat kana lang dahil parang espesyal ka kung ituring ng kapatid ko na nasa ibang bansa at yan lang binigay sayong trabaho" medyo may pagka attitude niya ding sabi na tila katulad ng asawa niya na parang may nagawa akong mali para ganito kung magsalita.
"Pasensya na po, nasabi ko lang naman kase parang nagtataka lang ako bakit dito sa bathroom ako naka assign" hindi na siya nagsalita sa oras na yun habang ako pinagpatuloy nalang ginagawa ko.
Mabilis naman akong natapos dahil hindi naman ganon karumi ang cr at balak ko sanang tumulong ng lumapit sakin si sir Mike.
"Tapos ka na ba sa paglilinis?" sabi niya.
"Opo sir" sagot ko.
"E bakit yung sa kulungan ng mga alaga namin hindi pa nalilinis?" medyo galit niyang sabi
"A-anong ibig po ninyong sabihin?" naguguluhan ko.
"Di ba ang sabi ko lahat ng cr area lilinisin mo including sa kulungan ng mga alaga namin sa likod" sabi niya at hindi ko na nagugustuhan attitude niya.
"S-sir pasesnya na po. hindi ko naman kase alam na pati mga k-" hindi ko na natuloy sasabihin ko ng mag walk out siya.
Awang awa ako sa aking sarili dahil sa labis na trato nila sakin na para bang may galit na tinatago.
"Hayaan mo na, kapag natapos naman na kontrata natin pwede na tayong makaalis sa impiyernong ito" mahinang sabi sakin ng isa sa mga kasama ko dito.
"Kung alam ko lang talaga na ganito pala dito hindi na sana ako tumuloy" naiiyak kong sabi.
"Ako nga din e, kaso need din talaga ng pera para sa gastusin sa bahay" malungkot niyang sabi.
Tahol lang ng tahol ang mga malalaking aso dito sa pinaka dulo ng mansyon at sobrang dami ng dumi kaya naman para na akong masusuka.
"Aw ... aw .. aw ... awa-wawaw ... aw"
Malakas na paulit ulit na tahol ng limang malalaking imported na aso na alaga nila.
Tinakpan ko ang aking ilong habang winawalis ang ilalim ng kulungan saka ko ito sinabuyan ng sabon at tubig.
Exhale ...
"Kaya mo pa ba aivee?" mangina-ngina kong sabi sa aking sarili habang nakasandal sa may pader.
"Aw ... aw"
Pagtatahol muli ng mga ito at minadali ko ng tapusin lahat para makapananghalian na ako.
BINABASA MO ANG
THE MAID's LOVE
RomanceDalawang magkaibang katayuan sa buhay ang pagtatagpuin ng mapagbirong tadhana. Ano nga bang kapalaran ang naghibintay sa dalawa? Maging totohanan kaya ang kanilang pagpapanggap? O hanggang maid at sir lang ang turingan nila? Let's find out!