Chapter 18

22 3 0
                                    

Dahil sa labis na kalungkutan ang pagiging sawi ko sa pag ibig para sa lalaking akala ko may pakialam at pagmamahal sa akin kahit papaano. pero, tulad nga ng nangyari umasa lamang ako sa wala.

Kasalukuyan na akong nasa airport para tumungo sa ibang bansa at kahit ayoko man lisanin ang bayan kong sinilangan kailangan para sa pamilya at sa aking sarili.

Marahil ito na din yung tamang panahon para makapag isip at bigyan ng panahon ang aking sarili upang makalimutan yung sakit.

"Mamimis kita vi*gra!" malungkot at may halong tampo ng sambitin ni harold anh mga katagang yun. maayos na kami simula nung malaman niyang pagpapanggap lamang ang tungkol sa amin ni nicholas.

"Bwiset ka huwag ka ngang gumanyan! alam mo ba kung hindi ko isinama dito mga mahulang ko at kapatid para ihatid ako?" tumango siya habang malungkot parin ang kaniyang mukha. sinabi ko kase kina pamilya ko na wala ni isa sa kanila ang sasama sakin kapag natuloy ako dahil hindi ko kakayanin magpaalam. kahit anong pilit nila wala parin silang nagawa sa nais ko kaya heto hindi ko rin naman expected na matutuloy ako dahil sa asang asa ako sa pagkakataon at pag-assume ko.

"Hayaan mo kapag naka ipon ako susundan kita. saka huwag mong papabayaan sarili mo at isa pa huwag mo ng isipin pa yung kulas na yun!" seryoso niyang sabi kaya tinawanan ko nalang para di masyadong ... alam niyo na.

"Sige na baka maiwa an na ako ng eroplano!" inayos kong muli sarili ko saka ngumiti sa kaniya habang pinipigilan ang aking mga luha dahil mamimis ko din naman si harold maliban sa aking pamilya at kay nicho- ...

"Bakit ka naiiyak?" natatawang sabi niya habang pinupunasan mga luha ko.

"Kainis ka kase e! tabi kana at baka tuluyan na akong maiwanan!" akma na akong aalis ng bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.

"Sobrang mamimis kita" naramdaman ko yung pagpatak ng luha niya ngunit nagkunwari nalang akong hindi napansin yun kahit halatado naman sa kaniya.

"Sige na! alagaan mo din sarili mo at paki gabayan na rin mga nakababata kong kapatid huh? salamat harold" tumalikod ako sabay punas ng aking luha at hindi ko na siya tinignan pa para hindi ko siya mamis.

"Vi*gra saglit lang!" hiyaw niya at nahinto naman ako habang ang mga tao sa aming kapaligiran nakatingin na sa aming kinatatayuan.

"Hihintayin parin kita!" hindi na din ako sumagot kahit alam kong masasaktan ko din siya. kumaway na lamang ako ng hindi nakatingin at tumuloy na sa loob ng eroplano.

Iyak lang ako ng iyak ng hindi pinapahalata sa mga kasabay ko sa biyahe at tinitignan nalang yung mga larawan ng aking pamilya at kasama sila nung time na magkakasama kami sa amin nung unang pagkakataon.

Ilang oras pa ang lumipas nakarating na kami sa U.S. at sinalubong na ako ng makakasama ko bilang maid din dito sa ibang bansa.

"Kabayan!" masayang salubong niya at kahit medyo hindi pa kami masyadong magkakilala ipinakita ko at ipinaramdam na hindi porket ngayon lamang kami nag meet hindi na ako makikipaghalubilo.

"Salamat naman may makakasama akong kapwa ko pilipino dito. kase baka magdud*go talaga ilong ko kapag wala akong naka usap na kapwa ko" sabay kaming nagtawanan nung mga oras na yun at pumunta sa mansyon ng magiging bago kong amo.

Pagkarating namin sa mansyon, hindi na ako masyado na aamazed sapagkat wala naman siyang inagkaiba sa mansyon ni sir nicholas pinagkaiba nga lang mga designs at yung kulay at iba iba pa.

"Are you ms. Aivee Grapes Pamintuan?" sa isip ko natawa ako.

"Grace sir" saad ko sabay ngiti at yuko bilang paggalang sa kanila.

THE MAID's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon