Chapter 6

37 1 0
                                    


Umi's POV

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng alarm na nanggagaling sa aking cellphone. Kaya hinanap ito ng aking kamay mula sa side table ng kama pero hindi ko 'to makapa, kaya inis akong bumangon para hanapin ito at nakita ko 'to sa ilalim ng kama.

"Dorothy!!!" inis na sigaw ko.

Kahit kailan talaga 'yung batang entity na 'yun! Bumisita na naman siguro 'yun kaninang alas tres ng madaling araw para makipaglaro. Pero dahil nga pagod na ako kagabi pag-uwi ay hindi ko na namalayan na pumunta siya at sa tuwing 'di ko siya pinapansin ay kinakalat o tinatago niya ang mga gamit ko.

That kiddo! Kung puwede lang siya ihagis papunta sa puting liwanag eh matagal ko nang ginawa!

Kung makulit na si Kai, mas makulit pa ito plus madaldal pa. Kung bakit ba kasi ayaw pang tumawid ng isang 'to eh, nag-eenjoy pa yata manakot minsan doon sa kabilang street at makipag laro sa ibang entity tuwing gabi.

Wala na akong nagawa kung hindi bumangon na lang ng tuluyan para mag-almusal. Iniligpit ko muna ang higaan ko at naghilamos sa banyo bago bumaba sa kusina para kumuha ng pagkain.

"Oh, aga mo magising ngayon ah? Tinago na naman ng tropa mo 'yung cellphone mo 'no?" Tanong ni Samantha habang nagtitimpla ng kape.

"Ingay mo, Sam." Walang emosyong sambit ko.

Lumapit ako sa ref at binuksan ito. Kumuha ako ng tinapay at iced coffee na nasa bote, umupo ako sa upuan na malapit sa counter top kung saan nagtitimpla si Samantha.

Humigop siya ng mainit na kape bago nagsalita, "anong SAM?! Excuse me! Mas matanda ako sayo! Kaya dapat may ate!" Pinanlakihan niya ako ng mata bago umirap.

Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang.

"Dalhin mo daw kay mommy 'yung lunch niya mamayang 11 am. Hindi puwede si manang dahil mag-lalaundry siya at maglilinis, isa pa gusto ka rin daw niya makausap." Saad ni Samantha.

Napahinto ako sa pag-inom ng iced coffee dahil sa sinabi niya.

"Umi—" hindi na siya natapos magsalita at bumuntong hininga na lamang, "sige, papasok na ako sa opisina baka ma-late pa ako." Mapait siyang ngumiti sa akin bago umalis ng kusina.

"Manang ito na po ba lahat?" tanong ko sa kasambahay namin pagdating ko sa kusina nang makita ko ang puting paper bag na may lamang mga pagkain at inumin.

"Opo, miss Umi. Maraming salamat po dahil pumayag kayo na kayo na lang po ang maghatid ng mga iyan," nakayukong saad nito.

Tumango lang ako at lumabas na ng bahay. Dumiretso ako sa garahe at binuksan ang pinto ng puting kotse.

Tumagal ng thirty minutes and pagmamaneho ko bago ako makarating sa ospital. Naghanap muna ako ng parking space sa parking lot at isinara ang sasakyan bago pumasok sa lobby ng hospital, dala ang paper bag ay tumungo na ako sa elevator at pinindot ang 9th floor.

Isinalpak ko ang suot kong earphones at inayos ang suot kong sunglasses. Ilang minuto ang lumipas at tumunog ang elevator kaya inihanda ko na ang sarili ko. Pagkalabas ng elevator ay sumalubong sa akin ang ibang mga nurses at doctor ng hospital pati na rin ng guard sa floor na 'yon.

"Magandang umaga po, miss Umi."

"Miss Umi, napadalaw po kayo."

"Good morning po, miss Umi."

Isang matipid na tango lang ang naging tugon ko bago dumiretso sa opisina ng magaling kong ina.





Dra. Amanda Villanueva

MBBS, MD, MS (General Surgery & Neurosurgery)

President & CEO





Huminto ako sa tapat ng glass door at ilang segundo na tinitigan ang nakaukit na pangalan sa kulay ginto na nameplate na nakadikit dito. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa loob ng silid. Parang tinakasan ako ng lakas nang maaninag ko ang pigura ng taong nasa loob.

May suot siyang salamin at nakasuot rin siya ng disenteng damit na pinapatungan ng isang puting doctor's coat, seryoso siyang nagbabasa at nagsusulat sa mga papeles na nasa harapan niya. Patong-patong ang mga ito at akala mo ay hindi natatapos.

Mariin muna akong pumikit at hinubad ang suot kong sunglasses bago itinulak ang pinto at pumasok. Alam kong napansin niya ang ginawa ko dahil tumigil siya sa pagsusulat.

"Samantha, told me to bring you these," sambit ko.

Inilapag ko ang mga bitbit ko sa coffee table na katapat ng office table niya.

"She also told me that you wanted to talk to me, so spill it now." I sat on the nearby chair and crossed my arms.

Tumayo siya at hinubad ang suot na salamin, inayos niya ang nagusot niyang white coat at lumapit sa direksyon ko. Umupo siya sa katabing upuan nang bigla niyang inabot niya ang dalawang kamay ko at diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Ayumi... I'm engaged... again."

You've got to be kidding me....

His Name is OwenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon