Chapter 22

18 2 0
                                    

Umi's POV

Naalimpungatan ako dahil sa phone na nag-vivibrate sa tabi ko, kinusuot ko ang mata ko bago sinilip ito. 'Yung alarm clock lang pala, bumuntong hininga na lang ako bago bumangon at inayos ang higaan ko.

It's already Friday and today is the big day for my mother.

Pagpasok sa banyo ay sumandal muna ako sa sink at tinitigan ang sarili kong repleksyon sa salamin.

Kaya mo 'yan, Umi.

Tama ang desisyon mo na bigyan ulit siya ng second chance at hayaan silang magpakasal.

Tama naman hindi ba?

Tumango tango ako. Para kay daddy, para kay Sam at para sa kaayusan ng lahat.

If I'm not going to do this now, then when? Kung kailan huli na ang lahat?

Sa pangalawang beses ay bumuntong hininga na naman ako at nag umpisa nang mag-toothbrush.

Pagbaba ko ng sala ay wala akong naabutang tao at tahimik ang buong bahay kaya nagtaka ako.

Nauna na ba sila sa simbahan?

Sinilip ko ang suot kong wrist watch, 8:00 A.M pa lang naman at 9:30 A.M pa ang kasal. Pero baka nga siguro nauna na at hindi man lang ako hinintay, palabas na sana ako ng bahay ng makasalubong ko si Samantha sa pinto na nakasuot ng laboratory coat niya kaya tuluyan nang kumunot ang noo ko.

"Bakit ka naka laboratory coat? Kakauwi mo lang ba?" naguguluhang tanong ko.

Napahinto naman siya sa pag-type sa phone niya at inangat ang tingin sa akin, ilang segundo ang lumipas nang biglang nanlaki ang mga mata niya pati ang bibig niya ay umawang.

"Ha?!!!!! Tuloy pa rin ba?! Akala ko cancelled na?" naguguluhang sagot niya.

"Anong cancelled? Hindi ko maintindihan, paanong cancelled eh wala namang sinabi si mommy sa akin? Atyaka 'di ba pinag-usapan na ito noong nakaraang araw." paliwanag ko.

Tinitigan niya ako sandali at maya-maya ay bigla siyang tumawa habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

"Sayang effort beh, pero cancelled talaga 'yung kasal." may kung ano siyang pinindot sa phone niya at nilapit ito sa mukha ko. "Oh, ayan. Kahapon pa raw tumatawag si mommy sa 'yo para sabihin 'yun pero cannot be reached ka raw. Kaya dumiretso na ako dito para sabihan ka, kasi bukas pa siya makakauwi dahil maraming pasyente sa OR ngayon." mahabang lintanya niya.

"Kainis." reklamo ko at padabog na bumalik sa loob habang nakasunod siya sa likuran ko.

"Saan ka ba kasi galing kagabi at hindi mo sinagot 'yung tawag niya? Hindi ka rin pala umuwi sa condo at dito ka na pala dumiretso." tanong niya habang hinuhubat 'yung lab coat niya at isinabit ito sa coat rack.

Hindi ako sumagot at nagpunta na lang sa direksyon ng hagdan kasi gusto ko na magpalit at burahin ang make-up sa mukha ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil hindi natuloy ang kasal, pero may parte rin sa akin na malungkot dahil alam kong gusto iyon ni mommy.

"Hulaan ko, sa dagat na naman 'no?" napahinto ako dahil sa sinabi niya. "Sabi na nga ba eh," bumuntong hininga siya bago magpatuloy. "Alam mo simula noong pumunta ka doon sa dagat, napansin kong unti-unti ka nang nagbabago. Nawawala na 'yung batong Shantel na kilala ko at kung ano man ang dahilan noon bukod sa amin ni daddy, alam kong mabuting dahilan 'yun." paglingon ko sa kaniya ay siya namang pagtalikod niya papasok ng kusina kaya naiwan akong nakatulala.

Ibang dahilan?

Napailing na lang ako at paakyat na sana muli nang sumilip siya mula sa kusina habang ang kalahating katawan niya ay natatakpan ng pader.

His Name is OwenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon