Umi's POV
I stretched my arms because of tiredness. I even exercised my neck and hands. It's the second and last day of the foundation day celebration. The following days will be allotted for the formal meetings and programs of the school.
Kaya 'yung kahapon at ngayong araw talaga ang pinaka-highlight ng foundation week. Narinig ko rin na mas masaya raw ngayong araw dahil may live band na mag-peperform sa stage mamaya.
Pero kung ako ang tatanungin, kanina ko pa gustong umuwi.
Drain na drain na ako.
Halos lahat kami ay aligaga dahil mas maraming tao ang pumunta ngayon. Last day na nga tapos mas pinagkaguluhan pa 'yung booth dahil sa nangyari kahapon.
Katatapos lang ng pang pitong misa ni Father Weston ngayon at marami na rin kaming naayusan na bride ni Wendy. Nagkaroon muna ng ten minutes break ang booth dahil pagod na rin ang lahat.
"Angas, Umi ah. Dahil doon sa mumu na sumalo sa 'yo kahapon. Ang daming nagpupunta sa booth natin, ang dami na ring laman noong tip jar." saad ni Weston habang sumisipsip ng softdrink na iniinom niya at nakasuot pa rin siya ng costume niyang pang pari.
Gusto ko sana siyang tawanan kanina pa pero 'wag na lang dahil baka magulat na naman siya tulad noong nakaraan. Napalingon naman ako sa itinuro niyang grapon. Nakapatong ito sa isang stool chair at nakapwesto sa labas ng tent.
Hindi na lang ako sumagot at uminom ng tubig na nabili ko kanina, sa katapat naming sari-sari store booth. Habang umiinom ay nakisilip ako sa kaniya na nag-scroll sa isang social media platform, nang huminto siya sa isang video.
Teka parang ako yata 'yan ah.
"Oh, Umi! Famous ka na pala eh! Kaya pala ang daming pumupunta sa booth natin kasi nag-viral ka!" Natatawang saad niya kaya nasamid ako.
"Ano?!" Mabilis kong inagaw ang phone sa kaniya para ireport 'yung video ko.
Walang hiya talaga. Naging sikat pa ako ng wala sa oras.
"Teka, bakit mo naman nireport?! Sayang naman 'yun! May tropa na sana akong famous!" Para siyang bata na nagwawala dahil sa ginawa ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Kala mo naman hindi siya famous eh president siya ng student council.
"Sabi ko nga, shut up na lang ako." tinikom niya ang bibig niya at isinara ito na akala mo ay zipper.
Maya-maya ay dumating na si Wendy kaya nagbukas na ulit kami ng booth.
—
"Grabe! nakakapagod!" Sigaw ni Wendy habang nagliligpit.
Sino ba namang hindi mapapagod, eh halos umabot ng twenty sessions ang ginawa namin. Marami pa nga sanang gustong mag-register pero sabi namin hindi na talaga kaya, kahit magbayad pa sila ng doble.
Kailangan rin kasi naming magpahinga at i-enjoy 'yung foundation day. Sabi kasi ni Wendy sayang naman daw 'yung mga booth kung hindi naman mapupuntahan. Huling taon pa naman din namin sa high school. Para naman daw may memories at remembrance bago kami mag college.
Napabuntong hinga na lang ako at nakapikit na sumandal sa monoblock chair na inuupuan ko para makapagpahinga. Gusto ko na talaga umuwi.
"Bye, Mr. Pres!"
"Thank you, Mr. Pres and Ms. Secretary!"
"The best kayo, Pres and Sec! Sana the best rin 'yung next student council na susunod sa inyo!"
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
Подростковая литератураAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...