Owen's POV
Ngayon daw ang huling araw ng foundation day dito sa University nila Ayumi kaya mas maraming tao dito ngayon. Kanina pa kami paikot ikot dito sa field nila para bumisita sa bawat booth.
Kanina rin pinagtripan ko 'yung isa nilang kasama na lalaki, ang saya lang kasi takot siya sa akin, mukhang nahawa na yata ako sa kakulitan ni Dorothy.
Speaking of that kid, hindi ko siya makita ngayon dito sa University pati na si mang Samson. Hindi ko alam kung saan ba nagpunta ang mga 'yon, sayang lang at mukhang marami sanang pwedeng gawin dito.
Ngayon ay kasalukuyan kaming nakaupo sa bleachers hindi kalayuan sa stage. Habang nag-aantay mag-umpisa ang concert, tahimik lang akong nanonood at nakikinig sa bawat pag-uusap nila.
Ang hirap pala nito kahit gusto mong makisali ay hindi mo magawa dahil si Ayumi lang naman ang nakakakita at nakakarinig sa akin.
Habang nagbabangayan 'yung dalawang kasama niya ay kinuha ko na ang tsansa na kausapin siya habang nanonood sa unang banda na tumutugtog. Kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya ngayong araw kahit mukha na siyang pagod, bagay na hindi ko nakita sa kaniya noong una kaming magkita sa MOA.
Alam kong kagagaling niya lang sa iyak ng mga oras na 'yun dahil maga ang mga mata niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil naalala ko na naman 'yung mga araw na umiiyak siya sa dalampasigan at kinukuwento lahat ng hinanakit na meron siya sa mundo.
"Masaya ka ba?" nakangiting tanong ko habang nakatitig sa maaliwalas niyang mukha ngayon.
Tumango naman siya bilang tugon pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa harapan.
Mabuti kung ganun, sana palagi kang masaya at hindi puro sakit at lungkot lang ang nararamdaman mo, Ayumi.
Whenever she smiles or laughs, it's like everything around her stops or being in slow motion, and all I wanted was to watch her and admire how beautiful she is, just like an eclipse.
"Masaya ako na makita kang masaya." dahil sa sinabi ko ay napalingon siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin, halata sa kaniya na nagulat siya sa sinabi ko.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nakaramdam ng boltahe ng kuryente pati na rin ng kaba.
Teka, normal ba 'yun?
Hindi ba patay na ako?
Siguro dahil lang ito sa hindi pa ko nakakatawid at kaluluwa pa rin ako kaya posible pa rin na makaramdam ako ng mga nararamdaman ng isang buhay na tao.
Ilang oras rin namayani ang katahimikan sa pagitan namin dahil maya't maya rin siyang kinakausap ng kasama niyang babae.
Masaya ako na nakahanap siya ng mga taong kagaya ni Wendy at Weston na maituturing niyang mga kaibigan. Sa mga araw na nakikita ko silang magkakasama, nakikita ko na ngumingiti rin siya.
Kaya hindi ko minsan maiwasan na matuwa lalo dahil unti-unti na siyang nagbabago at nagiging mas open na siya sa mga taong nasa paligid niya.
Unlike before, she's very distant from everyone and always raises her eyebrows and throws death stares at you.
The whole concert, I was not listening or paying attention to the bands that were performing, but I was paying attention to the person sitting beside me.
I admire how her eyes sparkle because she's enjoying the song, how she becomes excited and claps her hands for every next song, and how she becomes the different Umi for this night. The one who is just happy and enjoying the moment, the one who doesn't overthink everything and isn't cold to everyone.
Malapit na matapos ang last song at nanonood na kami ng fireworks nang mapansin kong unti-unting nawawala ang saya sa mga mata niya, pati na rin ang ngiti niya kanina habang nakatingin sa hawak-hawak niyang phone.
I really hate whenever she's being like this.
Ayokong tanungin siya kung may problema ba dahil sigurado akong meron.
Ilang minuto muna siyang natahimik na para bang napakalalim ng iniisip niya bago siya nagpaalam sa mga kasama niya.
"Wendy, Weston." kuha niya sa atensyon ng mga ito, "Thank you for this night and thank you for inviting me this foundation day, wala naman kasi talaga akong balak pumunta." Sarkastiko siyang tumawa.
"Teka, uuwi ka na? Agad? Hindi pa tapos ah." Naguguluhan na tanong ni Wendy sa kaniya.
"Oo nga, Ayumi. Mag papapicture pa naman sana tayo doon sa photographer ng journalism club, sinabihan nila ako kanina." Dagdag naman ni Weston.
"I'm sorry, there's a sudden emergency at home. Even though I wanted to stay, I can't." Tugon niya sa dalawa.
Nanlaki ang mga mata ni Wendy tapos ay tumango tango ito, "Hala! Ganun ba? Okay lang sige, mag-ingat ka sa pag-uwi ah."
"Sayang naman pero emergency 'yan kaya unahin mo na. Ingat sa pag-uwi! By the way, since we are already friends. I created a gc for the three of us para sa susunod na gala magkakasama na tayo." Masayang sambit ni Weston na siyang ikinagulat ni Ayumi.
"Wait— you did what?! How did you know my account?!" Gulat na tanong nito sa kaniya.
"Perks of being the student council president." Kumindat ito habang pinapakita ang group chat na ginawa niya sa phone.
Pinanliitan ko siya ng mata kahit alam kong hindi niya ito nakikita, takutin ko pa nga 'to sa susunod na magkita ulit kami.
Habang naglalakad papunta sa parking lot ay tahimik lang akong nakasunod sa kanya.
Nang makalayo kami sa maraming tao ay nagsalita siya. "Bakit sumusunod ka pa sa akin? Hindi ba sabi—-" hindi ko siya hinayaan na tapusin ang sasabihin niya dahil alam ko naman na ang kasunod.
"Sabi mo na hindi ka na ulit tutulong sa kagaya ko, oo alam ko 'yun," saad ko bago tumagos papasok sa loob ng sasakyan niya. "Pero hindi ba sinabi ko rin sa 'yo na gusto ko ako naman ang tutulong sayo? Kaya nandito ako ngayon kasi gusto kitang tulungan." Dagdag ko pa habang nakahalukipkip sa bandang likuran ng sasakyan.
Inayos niya ang pagkakasuot niya ng seatbelt pati na rin ng rare-view mirror bago siya nag-umpisa mag maneho.
"Para saan? Eh hindi mo naman kailangan gawin 'yun. Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ng tulong mo." Dahil sa sinabi niya ay natahimik ako, parang may kumirot sa dibdib ko dahil sa mga binitiwan niyang salita.
Oo nga naman, Owen. Ano ba kasing pumasok sa isip mo at gustong gusto mo siyang tulungan bukod sa pabor na hiningi sayo ni Mr. Villanueva? Ano pang dahilan mo?
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at sa labas na lang tumingin.
Namayani na naman ang katahimikan sa pagitan namin kaya napa buntong hininga na lang ako.
"Okay, I'm sorry..."
Napansin kong sumilip siya sa rare-view mirror dahil sa sinabi ko ngunit wala na namang emosyon ang mga mata niya.
"But please, just this time let me help you with your mother." Umayos ako ng upo at ngumiti sa kanya.
"Please?" Nakangiting tanong ko, nanatili lang siyang nakatingin at hindi sumasagot, maya-maya ay mabagal rin siyang tumango.
Hayaan mo kong tulungan ka, Umi. Kahit ngayon lang, kahit dito lang.
Pagkatapos nito ako na kusang lalayo sa 'yo.
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
Teen FictionAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...