Umi's POV
Tahimik akong nakaupo sa bandang sulok na bahagi ng canteen habang ngumunguya ng kinakain kong slice ng pizza.
Kaunti na lang ang tao dito dahil umuwi na rin 'yung iba, wala naman nang klase dahil tapos na ang midterms week.
"Kamusta, exam?" napalingon ako kay Weston na kararating lang, inilapag niya ang dala niyang bag sa bakanteng upuan na nasa tapat ko bago umupo.
Katatapos lang kasi ng last day examination namin ngayon at ang mga susunod na araw ay binigay na ng school para makapag-prepare ang mga students sa upcoming foundation day next week.
Tumigil ako sa pagnguya bago magsalita, "okay lang." walang emosyon na sagot ko.
"May gagawin ka pa ba mamaya?" tanong niya ulit.
Nawalan na ako ng gana kumain kaya inilapag ko muna sa plato ang hawak-hawak kong pizza at sumandal sa sandalan ng upuan.
"Bakit hindi mo na lang ako diretsahin kung ano bang kailangan mo?" masungit na tanong ko dahil nauubos na ang pasensya ko sa kaniya.
"Chill. Kailangan lang namin ng tulong sa pag-aasikaso ng marriage booth. Nakausap ko kasi 'yung class president niyo at sabi niya, ikaw na raw ang bahala doon." nagkibit-balikat siya pagkatapos ay sumubo ng inorder niyang spaghetti.
Napabuntong hininga ako.
I'm being too preoccupied by my own thoughts these past few days and it's draining me, pero wala naman akong magagawa dahil kailangan kong ayusin muna 'to at isang tabi ang personal kong problema.
Nawala kasi sa isip ko na sa akin niya pala pinasa 'yung gawain na iyon dahil masyado na raw siyang maraming inaasikaso para sa program na sinalihan ng section namin, tapos kasama na rin doon ang contribution sa tatlong photo booth na inassign sa strand namin.
"What time?" I asked, bago inubos ang natitirang pizza sa plato ko.
"Ngayon na. Wait... ubusin ko lang 'to." bumilis ang pagnguya niya at sinimot ang natitirang spaghetti sa plato niya bago uminom ng maraming tubig.
"Tara." tumayo siya at ngumiti bago isinukbit ang dala niyang bag.
Tumango na lang ako bilang tugon at sumunod sa kaniya palabas ng canteen pero bago 'yun ay itinapon muna namin ang basura ng pinagkainan namin sa basurahan na malapit sa pintuan.
Pagkarating sa office ng student council ay nabutan namin itong magulo dahil sa mga nagkalat na art materials at props na gagamitin. Mukhang pagod ang lahat dahil wala ring nagsasalita kahit isa sa kanila, tanging tunog lang ng aircon at printer ang maririnig mo.
"Kaya pa ba today?" pabirong tanong ni Weston at mahinang tumawa kaya sinamaan siya ng tingin ni Wendy na nakaupo sa monoblock chair na malapit sa pwesto ng printer.
Isinara ko ang pinto bago tuluyang pumasok at umupo sa sofa na malapit sa bintana at bookshelves.
"Oh, Ayumi nandito ka pala. Tapos na lahat ng exam mo?" bumaling ang atensyon sa akin ng lahat ng nasa kwarto dahil sa naging tanong ni Wendy.
Tipid akong tumango, "anong gagawin ko?" pagkatapos ko sabihin 'yun ay nag-iwas silang lahat ng tingin kaya natawa si Weston.
"Kalma guys, hindi nangangagat si Ayumi, nanaray lang." dahil sa sinabi niya ay hinampas siya ni Wendy sa likuran at pinanlakihan ng mata.
"A-aray! Ano ba Wends.... ang sakit nun ah!" daing niya habang hinihimas 'yung likuran niya kung saan tumama ang kamay ni Wendy.
"Umayos ka nga! parang hindi ka president ng student council." saad nito at inirapan siya.
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
Teen FictionAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...