Umi's POV
"So..."
Alanganin akong ngumiti sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon dito sa loob ng library. Parehas silang nakatingin lang sa 'kin na halatang nababagot na, inaantay kung ano man ang gusto kong sabihin sa kanila.
"Umi, may next class pa kami. Ano ba kasi 'yun?" Iritableng tanong ni Wendy habang nakasilip sa kulay pink na wrist watch na suot niya.
"Ano kasi..." bulong ko, dahil baka marinig kami ng librarian at masigawan na naman kami tulad ng nakaraan.
"Umi, halos isang oras mo na sinasabi 'yan magmula ng makaupo tayo dito." Pilit lamang na ngumiti si Weston kahit alam kong naiinis na rin siya kakaantay sa sasabihin ko.
Ghad, bakit kasi ang hirap nito?!
"Kailangan ko kasi ng tulong niyo..." sambit ko sa mahinang boses bago inusog palapit sa kanila ang upuan kung saan ako nakaupo.
"'Yun naman pala! Tulong lang naman, para saan ba yan? Baka nakakalimutan mo nandito ang President ng student council." Masiglang saad ni Weston at tinuro ang sarili niya.
Lumapit na rin siya sa mesa para marinig ng maayos ang sasabihin ko.
Si Wendy naman ay umikot lamang ang mata at lumapit na rin sa amin. "Kanina pa tayo nandito, hindi mo naman agad sinabi na kailangan mo pala ng tulong. Tapos na sana tayo kung sinabi mo na agad kanina pa." Sabay irap naman niya sa hangin.
"Okay, okay ito na nga. Basta kumalma kayo at huwag kayong sisigaw, ha?" Huminga ako ng malalim bago sumulyap sa librarian na nakatalikod mula sa direksyon namin. Busy ito sa pag-aayos ng libro sa shelves kaya mukhang wala naman siyang pakialam sa paligid.
Ilang araw ko rin pinagisipan kung kakailanganin ko ba ang tulong nila pagdating dito. Dahil never pa naman ako humingi ng tulong sa iba pagdating sa mga misyon ko, tyaka hangga't maari ayokong mandamay ng ibang tao.
Yes, mission.
Kahit hindi pa sinasabi ni Owen o kahit hindi niya pa alam na pumayag na ako na tulungan siya. Pakiramdam ko ay kailangan ko nang kumilos para makatawid na rin siya sa kabila at maging payapa na.
At isa pa, sa totoo lang na cucurious din ako sa kaniya. Kung paano siya namatay at kung bakit wala siyang naalala.
Sa mga lumipas na araw, napagtanto ko na tama si mang Samson. Hindi pangkaraniwan ang kagaya niyang entity na walang naalala.
"Kailangan ko kasi ng tulong niyo para ma-access 'yung student records ng registrar..." hilaw akong ngumiti sa kanila bago kumurap ng dalawang beses.
"Ayun lang naman pala! Mad—ANO?!" Pasigaw na tanong ni Weston habaang nanlalaki ang mga mata.
Si Wendy naman ay naiiling na tinakpan ang bunganga niya. Napansin naming lumingon sa direksyon namin 'yung registrar at pinandilatan kami ng malalaki niyang mga mata.
"Pero, Ayumi alam mo and rules at policy ng university. Confidential lahat files na nandoon sa registrar, puwede tayong ma-kick out kapag nahuli tayo." Bulong ni Wendy na may nagaalalang tingin sa akin.
Lumapit ako lalo sa kanila at yumuko.
"I know, I know. Pero wala akong choice... may kailangan akong tulungan at hindi ko alam kung saan mag-uumpisa..." Paliwanag ko.
"Tungkol 'yan sa kaibigan mong multo 'no?" Tanong niya ulit.
Mabagal akong tumango kaya bumuntong hininga na lang si Wendy.
"Pero napakaimpossible ng gusto mong mangyari, Ayumi. Gaya nga ng sabi mo kanina, hindi mo alam kung saan mag-uumpisa. Ibig-sabihin ay wala kang kahit anong idea tungkol sa kaniya, pero bakit naisip mo na dito ka sa University unang maghahanap?" Naguguluhang tanong tanong ni Weston.
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
Teen FictionAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...