Final Chapter

56 2 1
                                    


Umi's POV



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Congratulations, Shantel!!!" Rinig kong Sigaw ni Samantha habang naglalakad siya palapit sa akin. Nakasuot siya ng kulay beige na off shoulder dress at hanggang tuhod niya ito.

Mariin na lang akong napapikit dahil napakaingay talaga ng kapatid ko. Nagtinginan tuloy sa amin 'yung ibang tao dito sa labas ng auditorium hall.

"Ay sorry..." Yumuko siya sa mga taong nakatingin at nag-peace sign sa akin.

"Dinaig mo pa 'yung speaker ng school." Biro ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

Niyakap niya ako at inabot 'yung hawak niyang bouquet ng white tulips.

"Namiss kita! Grabe ang bilis ng panahon, no? Graduate ka na ngayon!" Natutuwang saad niya matapos bumitaw sa akin. "I'm so proud of you, bunso."

Ngumiti ako sa kaniya at pumila na kami para mag martsa papasok sa loob.

"Villanueva, Ayumi Shantel"

Nang tawagin ng speaker ang pangalan ko ay umakyat na ako sa taas ng stage at kinuha ang diploma ko. Pumunta ako sa gitna at yumuko sa lahat ng audience na nasa loob ngayon ng auditorium hall.

"This is for you, daddy..." Bulong ko bago muling nag-angat ng tingin at naglakad pagbaba ng stage.

Maaga kaming umalis ng University dahil may kasal pa kaming hahabulin. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapalit ko sa loob ng sasakyan nang biglang bilisan ni Samantha ang pagmamaneho, kaya napakapit ako sa upuaang nasa harap ko.

"Hoy! Dahan-dahan lang!" Sigaw ko dahil medyo malayo ako sa kaniya, family van kasi itong dinala niya. Hindi ko nga alam kung bakit ito eh sa Cathedral lang naman 'yung kasal.

"Late na tayo gurl, baka mamaya 'you may kiss the bride' na lang ang maabutan natin kapag hindi ko pa pinalipad itong sasakyan." Sagot naman niya.

Medyo malayo kasi 'yung University na pinapasukan ko ngayon unlike noong senior high school na malapit lang doon sa simbahan na napili nila.

"Tyaka... may susunduin pa tayo."

Nagtaka sa huling sinabi niya, lumapit ako sa upuang nasa likuran niya at doon na umupo.

"Susunduin? Sideline mo na ba 'yan?" Biro ko habang hinuhubad 'yung heels ko at nagpalit ng ibang kulay ng heels na teterno sa suot kong kulay purple na infinity dress.

"Masyado ka na yatang nahawa kay, Owen." Naiiling na saad niya bago iniliko ang sasakyan.

Muli na naman akong napakapit dahil natatangay ako sa pag-ddrive niya.

"Teka... huwag ka magsuot ng heels, may sandals diyan. Ayun na lang suotin mo." Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ngunit nagkibit-balikat na lang ako at pinalitan ng sandals 'yung suot kong heels.

His Name is OwenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon