Chapter 26

21 2 0
                                    

Umi's POV

Ilang araw na ang nakakalipas magmula nang bumalik sa regular classes ang pasok namin. Ngayon ay naglalakad ako sa pabalik ng Senior High School Building nang may mapansin akong dumaan mula sa sulok ng mga mata ko.

Si Dorothy, saan kaya pupunta 'yun...

Mabilis ko itong hinabol papunta sa likod na part ng building, kung saan located ang garden ng university.

"Dorothy!"

Tawag ko sa kaniya pero hindi man lang siya lumilingon, mabuti na lang at walang ibang estudyante sa paligid dahil karamihan ay nasa klase pa. Baka isipin na nababaliw na ako dahil tumatakbo ako mag-isa at mukhang may hinahabol kahit wala naman.

"Dorothy!"

Tawag ko muli pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo, huminto lang siya nang biglang sumulpot sa harapan niya si Mang Samson. Hinihingal akong huminto sa harapan nila habang nakahawak sa magkabila kong tuhod.

"Ano ba, kanina pa kita tinatawag! Hindi ka man lang lumingon!" Inis na sambit ko habang nakatingin ng masama sa likod ni Dorothy na nakaharap sa akin.

Umangat ang tingin ko kay mang Samson at nginitian niya lang ako.

Iniiwasan ba ako ng mga 'to?

"A-A-Ate U-Umi.. hehe.. Hello po!" dahan-dahan siyang lumingon na may takot sa mga mata bago kumaway.

Tinaasan ko siya ng kilay, "hindi ka naman bingi sa pagkakatanda ko," tyaka siya inirapan.

"Hindi pa rin talaga nawawala ang kasungitan mo, Ayumi." Natatawang saad ni manong.

Tumayo ako ng maayos. "Kamusta na po kayo manong?"

Bahagya akong ngumiti at naupo sa upuan na nasa gilid kaya ganun rin ang ginawa nila sa katabing upuan.

"Okay lang naman kami, ija. Ikaw ba, kamusta ka na? Balita ko ay nakapag-usap na kayo ng daddy mo? Kamusta siya?" Natutuwang tanong ni Manong sa akin. Habang si Dorothy naman ay tahimik lang na nakikinig habang malawak na nakangiti, hindi talaga napapagod maging masayahin ang isang 'to.

Naramdaman kong may kumirot sa dibdib ko pero pilit pa rin akong ngumiti sa kabila nito.

"Ikinuwento po ba ni Owen sa inyo?" Tanong ko.

Sabay silang umiwas ng tingin kaya natawa ako.

"Ija... Pasensya na..." malungkot na sabi ni manong.

"Ate Umi..."

"Okay lang po, tanggap ko naman na darating rin po ako sa puntong 'to. Lahat naman po nakatadhang mangyari, hindi po ba, manong?"

Mabilis kong pinahid ang tumulong luha mula sa mata ko at ngumiti ng mapait.

"Atyaka, kailangan na rin magpahinga ni daddy alam kong pagod na rin siya sa pagbabantay sa akin... Sa amin. At magagawa niya lang 'yun kapag nakatawid na siya sa kabila. Sinabi niya rin po na masaya na siya dahil nakita niya na okay na kami nila mommy, 'yun lang naman po ang gusto niyang mangyari.... Ang maging maayos ang lahat bago siya umalis."

"Minsan kahit gaano natin kagusto na manatili ang isang tao, wala naman po tayong magagawa kung kinakailangan na nilang umalis. Hindi natin hawak lahat ng bagay sa mundo. Gustuhin man natin o hindi, kailangan natin tanggapin na may aalis at aalis sa buhay natin... Gaano man sila kaimportante sa atin.... Pero hindi ibig-sabihin noon ay hindi ka na magpapatuloy kapag wala na sila..."

Malungkot akong tumingala sa kulay asul na kalangitan at pinagmasdan ang mga ulap.

"Sa mundong 'to kailangan natin matuto kung paano tumanggap at magpatuloy. Tanggapin lahat ng masasakit na nangyari sa atin, tanggapin na hindi palaging masaya ang dulo. At magpatuloy dahil natuto ka sa mga bagay na 'yun, magpatuloy dahil iyon ang kahulugan ng buhay na meron tayo."

His Name is OwenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon