Chapter 21

18 2 0
                                    

Umi's POV

"Hindi ka ba sasama sa loob?" Takang tanong ko sa entity na kasama ko habang presentable siyang nakaupo sa labas ng restaurant na pinuntahan namin.

Nakangiti lang siyang umiling bago dumi-kwatro at sumandal sa upuan.

"Dito na lang ako, kita ko naman kayo mula dito sa labas." Tinuro niya ang upuan nila mommy sa loob kung saan kasama niya ang mga organizer at si Samantha. Mukhang kanina pa sila nag aantay dahil nakakunot na ang noo ni mommy habang nakalumbaba naman sa mesa si Sam.

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at ilang segundo siyang tinitigan dahilan para tumawa siya.

"Huwag mo ko masyadong ma miss, Ayumi. Nandito lang ako hindi ako aalis, kaya pumunta ka na doon." Saad niya habang mahinang tumatawa tapos tinaboy ako gamit ang kamay niya.

Umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at tinaasan ko siya ng kilay bago magsalita.

"Asa ka naman."

Kapal nito, siya 'yung sumama sama rito tapos ganiyan siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at binuksan na ang glass door dahilan para tumunog 'yung bell na nakasabit sa taas nito.

Napansin nila mommy ang pagpasok ko kaya umayos na sila ng upo nang makarating ako sa bakanteng upuan na katabi ni Sam ay nakataas pa rin ang kaliwang kilay ko

"So??" Walang interes na tanong ko sa kanila kaya siniko naman ako ni Sam at pinanlakihan ng mata.

"Ano? Tapusin na lang natin 'to gusto ko na rin umuwi at matulog." Dagdag ko pa.

Tumikim si mommy at tumango sa dalawang organizers na nasa harap ko ngayon. May kinuha silang clear book at chart board mula sa file case nila at inilapag ito sa mesa at inilapit sa direksyon ko.

"Miss Umi, kayo raw po ang bahala mamimili ng design for the bridesmaid dresses at ng gown na susuotin ng mommy niyo, pati na raw po ng venue." Magalang na paliwanag ng babaeng organizer habang binubuklat niya ang bawat pages ng clear book na may lamang mga pictures ng damit at venue.

Agad kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at napatingin kay mommy na nakangiti at nag-aantay sa magiging sagot ko.

Hindi ko mapigilan na umikot na naman ang mga mata ko.

Bakit kailangan ako eh kasal niya 'to, hindi ba.

Edi sana ako na lang 'yung nagpakasal kung ako rin naman pala pipili ng lahat.

"Why me? Ayan si Samantha oh, tyaka kasal mo 'yan hindi ba? Bakit hindi ka mag de——" napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang sumulpot si Owen sa likuran nila na umiiling at parang sinasabi na huwag ko ituloy kung ano man ang balak kong sabihin.

I tried my best to calm myself, lumingon ako kay Samantha na nakatingin rin pala sa 'kin at para bang inaasahan niya na sasabihin ko iyon.

I took a deep sighed and closed my eyes.

"Fine." Labag man sa loob ko ay kinuha ko na lang ang clear book at sinuri ang mga laman nito nang magsalita ulit si mommy.

"I guess my wedding will be perfect!" masayang saad niya at pumalakpak pa. "Waiter! Can I have a bottle of wine here? Thank you so much!" Sambit niya nang bilang may dumaang waiter sa table namin.

Busy ako sa pagtingin ng mga gowns, napakarami nilang designs kaya medyo mahirap mamili pero isa lang nakaagaw ng pansin ko sa bridal gown.

It's a pearl white serpentine wedding gown, and I think this one suits her the most. While for the bridesmaid dresses, I chose the color mauve since the color palette of the wedding is white, gold, and mauve. For the venue, I chose the garden near the Cathedral.

His Name is OwenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon