Umi's POV
"Ano ba, diba sabi ko huwag kang sumunod sa 'kin?! Hindi ka ba nakakaintindi?!" Inis kong singhal.
Paano ba naman kasi magmula nang makalabas ako sa tren, patuloy na kong sinusundan ng batang multo na nakita ko kanina. Pinandilatan ko na siya ng mata pero 'di pa rin siya tumitigil. Binibigyan niya lang ako ng puppy eyes look nang malaman niya na nakikita ko siya.
Malapit na kong maubusan ng pasensya sa batang 'to!
"Umi? Ayos ka lang?" Takang tanong ng kaklase ko.
Ibinaling ko ang paningin ko sa kanya at ngayon ko lang napansin na lahat ng tao sa gymnasium ay nakatingin sa 'kin.
"Buwiset talaga..." Tinapunan ko lang siya ng tingin at sinuot ulit ang headphones ko. Mula sa pagkakaupo sa sahig ay tumayo na ako at binitbit ang tumbler. Naglakad na ako palabas ng gymnasium dahil tapos na rin naman ang P.E class namin sa badminton.
Wala ba talagang araw na hindi ako bubuwisitin ng mga 'to? Nakakapagod na lang makakita ng mga ganto araw-araw! Nakakainis!
Hindi ko naman kasalanan na mangyari sa kanila 'yan. Pero bakit parang responsibilidad ko pang tulungan sila?
Napabuntong hininga na lang ako nang makakita na naman ako ng isang 'entity' sa 'di kalayuan.
Nakasuot ito ng parehas na uniform namin. Ang kaibahan lang ay may mga bahid ito ng dugo. Nakatayo siya sa rooftop ng lumang building ng school para sa mga 4th year students, nang walang ano-ano ay bigla itong tumalon.
Walang kaalam-alam ang ibang estudyante na naglalakad sa baba nito. Hindi nila alam na binabagsakan na pala sila ng kaluluwa ng estudyanteng nagtangkang magpakamatay sa building na iyon.
Napailing na lang ako dahil paulit-ulit niya itong ginagawa.
"Oh, Umi may bagong alaga ka na naman ulit?"
Lumingon ako kay Manong Samson. 'Yung dating guard ng school na matagal nang patay dahil binaril nang nakaaway niyang guwardiya rin.
Tumango ako bilang tugon sa naging tanong niya. Ibinaba ko muli ang suot kong headphones. Wala naman kasi talaga akong pinapakinggang tugtog. Ginagawa ko lang yun para hindi mapansin ng mga entities na naririnig ko sila. Eh, ang kaso itong batang 'to ayaw akong tigilan.
"Ayoko na nga ho sana eh, kaso napaka kulit niya!" Inis na saad ko.
Tumawa si Mang Samson. "Mukhang nakatadhana talaga para sa'yo ang ganiyang kakayahan ija."
Ilang buwan na rin noong may tinulungan akong entity kaso hindi naging maganda ang nangyari. Ang huling hiling kasi ng matandang iyon ay kuhanin ang perang itinago niya sa bangko.
Bago siya mawala at gamitin ito sa pag-aaral ng kaniyang dalawang apo. Pumayag naman ako na tulungan siya dahil mukhang kailangan na kailangan din ng mga bata, dahil lasingero ang tatay ng mga ito na mismong anak ng matanda.
Pinakiusapan niya rin na huwag sana ito sabihin sa anak niya. Instead sa asawa na lang nito na daughter-in-law niya rin. Kaso ang problema, nalaman noong anak niya dahil sinundan nito 'yung asawa pagkalabas ng bangko.
Tinutukan siya nito ng kutsilyo at pinagtangkaan kung hindi niya ibibigay lahat ng pera. Mabuti na lang talaga at sinabihan agad ako ng matandang entity na ganun ang nangyari. Kaya tumawag agad ako ng police at sinabi kung nasaan lugar.
Nahuli naman ang lalaki at nakulong kaso mukhang natrauma na rin 'yung asawa niya dahil palagi rin pala siya nitong binubugbog. Sobra ang pasasalamat sa akin ng matandang entity.
At sinabi niya rin na hindi ko naman kasalanan na magkaganun. Dahil hindi ko naman daw hawak ang pag-iisip ng anak niya at mula noon pa man ay ganun na ito.
Matapos noon ay nakatawid na siya sa puting liwanag.
Mabilis kong pinahid ang butil ng luhang pumatak sa kaliwang mata ko. Minsan nakakatuwa talaga ang tumulong pero minsan hindi rin.
"Manong, sa totoo lang masaya naman po talaga ang tumulong. Kaso minsan hindi po natin alam na sa sobrang pagtulong natin sa iba. Tayo naman po 'yung nauubos at nawawalan ng peace of mind.... Tayo rin po 'yung nasasaktan at nahihirapan."
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
Ficção AdolescenteAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...