Someone's POV
"Aray..." Daing ko habang sapo-sapo ang kumikirot kong ulo, "teka... nasaan ba ako?"
Pinagmasdan ko ang lugar kung kung nasaan ako, maraming estudyante na naglalakad at naguusap sa paligid.
"Nasa university ka, iho." saad ng isang gwardiya na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Uni—" mabilis akong napatigil sa pagsasalita nang mapansin kong papunta sa direksyon ko ang isang bola at alam kong tatama ito sa mukha ko kaya napapikit ako. Ngunit ilang minuto ang lumipas ay wala akong naramdamang sakit kaya dumilat na ako.
"Ang lakas naman ng hagis mo sa bola! Ang layo tuloy ng narating!" Sigaw ng lalaki sa kasamahan niya habang papunta sa direksyon ko para kunin 'yung bola.
Halos malaglag ang panga ko at nanlaki ang aking mga mata nang tumagos lang ako sa kaniya nang daanan niya ko.
"What the hen..." Gulantang na sambit ko.
"Normal lang 'yan iho." Balewalang sambit ni manong gwardiya habang natatawa.
"Ano pong normal? Hindi po normal tumagos sa isang tao." Nangangambang sambit ko, "tyaka sa pagkakatanda ko wala po dapat akong pasok ngayon."
Pilit kong inaalala ang huli kong mga ginawa bago mapadpad dito pero wala akong matandaan.
"Wala akong maalala..." sambit ko habang nakahawak ulit sa kumikirot kong ulo.
"Kahit pangalan mo?" usisa ni manong.
"O-Owen?" hindi siguradong sambit ko.
"Eh, iyong apelyido mo?" tanong niya.
Pilit kong inaalala kung ano ang buong pangalan ko pero lalo lang tumitindi ang kirot na nararamdam ko sa ulo ko kaya umiling na lang ako.
"Nakapagtataka... halos lahat ng multong kilala ko eh alam ang pagkakakilanlan nila." makahulugang sambit ni manong gwardiya na mukhang napaisip rin dahil sa nalaman niya.
"Hello po!"
Sabay kaming napalingon ni manong sa batang biglang sumulpot at hindi ko alam kung saan nanggaling. Nakasuot ito ng puting bestida at mayroon itong suot na headband sa ulo niya, malapad itong nakangiti kay manong at mas lalo pang lumapad ang ngiti niya nang makita niya ako.
"Uy pogi!" bumungisngis siya kaya tinawanan siya ni manong habang ako naman ay napangiwi na lang.
"Tumigil ka diyan, Dorothy. Hindi siya pangkaraniwang multo dahil wala siyang naalala." saad ni manong sa kaniya dahilan para lumiwanag ang mga mata nito.
"Talaga po?! Amazing!" pumalakpak pa siya. "Mukhang may makakatapat na si ate Ayumi, ah" tumaas baba ang kilay niya habang kausap si manong.
Tapos lumipat ang tingin sakin at sinuri ako mula ulo hanggang paa tapos bumungisngis ulit, may problema ba siya?
"Ayumi?" tanong ko, "multo rin po ba siya?"
Umiling sila pareho. "Hindi, pero nakikita niya tayo at matutulungan ka niya." natutuwang sambit niya at nag-wink pa.
Lakas ng tama ng batang 'to.
Sumang-ayon naman si manong dahil tumango-tango ito.
"Really?" masayang sambit ko, mukhang hindi naman siguro mahirap maging multo dahil may nakakita at nakakatulong rin naman pala sa mga kagaya namin.
"Ngunit kailangan mo munang kunin ang loob niya at mapapayag na tulungan ulit ang isang kagaya mo, na gusto makatawid o malaman ang mga bagay tungkol sa pagkakakilanlan mo. Dahil balita namin ni Dorothy, huling tutulungan niya na ay iyong batang nagngangalang Kai." mahabang paliwanag ni manong.
"Ayun lang naman po pala! Mabait naman po ako at mabilis kausap. Kaya madali lang po iyon para sa akin, papakiusapan ko na lang po siguro siya." Nakangiting sambit ko dahilan para tawanan nila akong dalawa.
"Iho, hindi pangkaraniwang babae si Ayumi, bato iyon at mahirap pakiusapan. Kung hindi lang siguro dahil sa kakayahan na mayroon siya eh hindi 'yun tutulong sa iba." Paliwanag ulit ni manong guard.
"Cold siya, kuya. Tahimik rin at palaging naka-headset. Bugnutin at maiksi ang pasensya niya. Feeling ko noong nagpaulan si Lord ng hinanakit at sama ng loob sa Earth, salong-salo niya lahat." Natatawang sambit ni Dorothy dahilan para mahina siyang batukan ni manong guard.
Napakamot tuloy siya ng ulo. "Pero kuya, huwag ka mag-alala kami ni manong Samson ang bahala sa 'yo," tumaas baba na naman ang kilay niya "malakas kami kay ate Umi!" proud na sambit nito habang may malawak na ngiti.
"Hay nako, Dorothy. Palagi mo lang naman kinukulit ang ate Ayumi mo kaya sumusuko na lang sa 'yo eh. Pero, Owen kung gusto mong makuha ang loob ni Ayumi kailangan mo ng napakahabang pasensya. Lalo pa at may iba pa siyang problema bukod sa pagtulong sa mga kagaya natin." seryosong saad ni manong.
Dahil sa mga sinabi nila ay na-curious tuloy ako sa itsura at personality noong tinutukoy nilang Ayumi.
"Maraming salamat po sa inyo, I will take note all the advices that you told me. Pero puwede ko po ba siya makilala ngayon?" malapad akong ngumiti.
"Hindi mo na siya kailangan hanapin pa, ayun siya oh." Turo ni Dorothy sa isang babae na nakaupo sa bleachers sa kabilang parte ng field. Mag-isa itong kumakain habang suot-suot ang kulay puti niyang headphones. Nakatulala lang ito sa kawalan na parang sobrang lalim ng iniisip.
"That's her, Ayumi Shantel Villanueva. Grade 12 STEM student of Section B. She can see things that normal people can't see and she called them "entities". She doesn't care about other people's feelings and if she does, you're lucky."
Sabay-sabay kaming napalingon ni Dorothy at manong Samson sa babaeng nagsalita.
"I'm Kateleen, btw. 4th year student na tumalon sa building na iyan", turo niya sa building na malapit sa puwesto namin. "Pero ngayon building na siya ng mga grade 10 students. Anyways, good luck sa 'yo sana makayanan ng pasensya mo ang katigasan ng puso niya." ngumiti ito bago naglaho bigla.
Ibinalik ko ang tingin sa babae na sinasabi nilang Ayumi. Kahit na nasa malayo ay walang mababakas na ekspresyon sa mga mata niya, medyo natatabunan rin ito ng bangs na mayroon siya. Halatang ilag din ang ibang estudyante sa kaniya dahil wala akong nakikita na kahit isa ang lumalapit sa gawi niya.
Mukhang tama nga sila manong, kailangan ko ng mahabang pasensya sa kaniya, napabuntong hininga na lang ako. Kailangan ko rin yata ng maraming energy para maging kasing kulit ni Dorothy para mapansin niya.
—
"Saan ba tayo pupunta, Dorothy?" tanong ko sa batang makulit na kasama ko dahil kanina pa kami naglalakad at paikot-ikot sa loob ng isang hospital.
"Basta, kuya sumunod ka na lang!" saad niya habang mabilis na naglalakad, maya-maya ay bigla siyang nawala kaya nasapo ko na lang ang noo ko.
"Kulit talagang bata oh." pumikit na lang ako at pinagana ang senses ko.
Tinuro ito sakin ni manong, kung paano ang lumipat sa bawat lugar o pumunta sa ibang lugar na gusto mo habang may sinusundan kang tao. In short, kung paano mag-teleport ang isang multo. Okay nga 'to matutunan eh, hindi na hassle maglakad.
Pagdilat ko ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tapat ng isang elevator, mukhang mali ata 'yung na-sense ko wala dito si Dorothy eh. Nakapikit na ako nang may bumunggo sa balikat ko, mainit ito at parang may kuryente na biglang dumaloy galing dito dahilan para mabilis akong mapadilat ngunit nagtatakang mukha na ni Dorothy ang bumungad sa akin.
"Okay ka lang po, kuya? Bakit mukha ka pong constipated." Inosenteng tanong niya dahilan para matawa ako.
"Wala. Tara na nga." Ginulo ko ang buhok niya at naglakad na ulit kami, kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang hinahanap ng batang ito.
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
Teen FictionAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...