‼️TRIGGER WARNING‼️: BLOODUmi's POV
Matapos ang seryosong usapan namin ng lalaking entity na iyon ay balik na siya sa pamemeste sa akin, silang dalawa ni Dorothy.
Napag-alaman ko rin pala na Owen ang pangalan niya dahil kay mang Samson.
Flashback
Dire-diretso ang lakad ko palabas ng canteen habang umiinom ng orange juice at nakikinig sa music ng suot kong headphone.
Saktong nahagip ng mata ko si manong Samson na sinasaway ang magugulong estudyante kahit hindi naman siya nakikita niyo. I just rolled my eyes at lumapit sa direksyon ng mga junior high.
"Bawal magpustahan dito." Sumilip pa ako sa ginagawa nila.
Magsasalita pa sana iyong isang mukhang ewan pero pinandilatan siya ng mata ng mga kasama niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay ngumisi ako sa kaniya tyaka sila nagtakbuhan pabalik ng junior high building.
Lumapit naman ako kay manong Samson at ngumiti.
"Mukhang good mood ka, ija." Masayang bati niya sa akin
Umiling ako, "ako po, hindi ah." Uminom ulit ako ng juice.
"Kilala niyo po ba 'yung lalaking entity na laging kasama ni Dorothy?" Out of the blue kong tanong habang nakatingin sa sahig.
Humalakhak siya bago sumagot, "si Owen ba?" nakangiting sambit niya.
"Panget naman ng pangalan noon, pero salamat po manong!" Sakto naman na tumunog na ang bell kaya tumakbo na ako pabalik sa building ng Grade 12.
End of Flashback
Ngayon ay payapa akong nag-aaral dito sa library dahil malapit na ang midterms exam namin.
"Excuse me, miss?" Agad na napaangat ang tingin ko sa babaeng lumitaw bigla sa harapan ko. Nakasuot ito ng kulay pink na backpack, may suot rin itong kulay pink na headband. Hindi naman halata na favorite color niya ay pink, 'no?
"Yes?" Tanong ko pabalik.
"Are you busy? Can I have your minute to answer our survey?" She politely asked but I could hear her bored tone.
I did not answer her and immediately get the survey sheet from her hand.
Mabilis ko itong sinagutan at iniabot pabalik sa kaniya. Nagpasalamat naman siya at agad na umalis.
Ngunit sa hindi inaasahan ay nabangga niya 'yung lalaki na pasalubong sa direksyon niya na tila ba nagmamadali, dahilan para mabitiwan niya ang hawak niyang mga survey sheet at magkalat ito sa sahig. Tinulungan naman siyang damputin ang mga ito kaya binawi ko na ang atensyon ko mula sa nangyari at nag-focus na lang sa pag-aaral.
Lumipas ang isang minuto ay napansin kong hindi gumagalaw ang babae mula sa pagkakadampot niya sa mga papel sa sahig. Anong nangyari doon?
Inilibot ko ang tingin sa paligid, wala na 'yung lalaki. Kakaunti lang rin ang estudyante kaya walang nakakapansin sa kaniya.
Ayumi... 'wag...
Napapikit ako ng mariin sa naiisip ko gawin.
Kaya ka laging napapasok sa problema ng iba, paano kasi ang hilig mo makialam!
Pinilit ko huwag pansinin kung ano man ang nakikita ko ngayon pero lumipas muli ang limang minuto ay hindi pa rin siya gumagalaw.
"Kainis!" bulong ko.
Wala na akong nagawa at tumayo na lamang, lumapit ako sa babae at kumaway sa harapan niya ngunit hindi man lang siya nag-blink kahit isang beses.
"Miss?" akmang hahawakan ko na ang balikat niya nang kusa siyang gumalaw at bumulong, "dugo..."
Tatlong beses siyang kumurap bago natauhan.
"Oh, you're still alive—" sarcastic na sabi ko ngunit agad niya itong pinutol.
"Where's the guy?!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw dahilan para sitahin kami ng librarian.
"Quiet please!" sigaw ng librarian.
"Help me find the guy, quick!" pabulong niyang sigaw.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na kasama niyang tumatakbo pababa ng library habang hinahanap 'yung lalaking nakabungguan niya kanina.
Ilang minuto na kaming naghahanap at umiikot sa buong ng campus ngunit hindi namin mahanap 'yung lalaki.
Napaupo na lang ako sa bleachers dahil sa pagod.
"I did not see him anywhere." Hinihingal na saad ko.
"Baka lumabas na siya ng campus at umuwi?" dagdag ko pa.
"No, no... This can't be! I need to find him!" Sigaw niya.
Mukha siyang hindi mapakali dahil kanina niya pa kinakagat 'yung kuko niya at kanina pa siya balisa.
I just rolled my eyes, bakit ko ba tinutulungan 'to eh hindi ko rin naman 'to kilala. Sabi ko hindi na ako tutulong eh, ano 'tong ginagawa ko ngayon? My Ghad!
"Bahala ka." Paalis na sana ako nang mapansin kong maraming estudyante ang nagtatakbuhan palabas ng university.
Anong meron?
Nagkatinginan kaming dalawa ng babae at nakitakbo na rin sa iba. Nakipagsiksikan kami para makita kung ano nga ba 'yung pinagkakaguluhan nila at halos manlumo ako sa naabutan namin.
Puro dugo ang nasa kalsada, 'yung lalaking nabangga ng babae sa library kanina ngayon ay nakahandusay na habang naliligo sa sarili niyang dugo. Marami siyang saksak sa iba't ibang parte ng katawan pero mas kapansin-pansin ang tinamo nito sa leeg na may umaagos pang dugo.
"No, way...." Agad akong napalingon sa babae, naluluha ito habang nakatakip ang kaliwang kamay nito sa bibig niya.
Did she predicted that someone will die?
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
Ficção AdolescenteAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...