Owen's POV
Napahawak ako bigla sa ulo ko nang sandali itong kumirot.
"Ano, kuya? May naalala ka na naman po ba?" nagaalalang tanong ni Dorothy habang nakatayo sa tabi ko.
Tiningnan rin ako ni mang Samson na may pag-aalala sa mga mata bago tinapik ang balikat ko.
"Masasanay ka rin, ijo." Bahagya siyang ngumiti at naglakad sa direksyon ng pinto ng kuwarto. Maya-maya ay sumunod na rin sa kaniya si Dorothy.
"Sa labas na lang po kami mag hihintay kuya." Nag-thumbs up pa siya bago kumaway at tumagos sa pintong nakasara.
Naiwan akong nakatayo sa harap ng sarili kong katawan na nakahiga sa kulay puting kama at may mga nakakabit na iba't ibang aparatos.
Napabuntong hininga ako at umupo sa katabi nitong sofa. Sa dalawang taon na pag-aakala ko na patay na ako.
Ay heto ako ngayon kaharap ang katawang lupa ko na nag-aagaw buhay.
Flashback
"Nahanap mo na ba 'yung hinahanap mo noong isang araw dito sa hospital?" Usisa ko kay Dorothy habang naglalakad ulit kami dito sa hallway ng hospital, kung saan kami nanggaling noong nakaraan.
Mabilis naman siyang tumango sabay sabi ng "Opo, Kuya!"
Wala naman akong nagawa kung hindi sundan siya kung saan man 'yung sinasabi niyang hinahanap niya.
Maya-maya ay bigla na lang siyang tumakbo papunta sa kabilang bahagi ng hallway at tinuro ang isang pinto.
Sakto naman na bumukas ang elevator at nagulat ako nang makita kong palabas si Umi galing dito. Kaya mabilis akong nagtago sa pagitan ng mga pader at sumilip.
Napansin kong nakatingin siya sa bahagi ng hallway kung saan dumaan si Dorothy.
Nakatagilid siya mula sa direksyon ko kaya sigurado akong hindi niya ako mapapansin. Pero mukhang nakita niya yata ang pagdaan ni Dorothy dahil kumunot ang noo niya.
Nang tuluyan siyang makalabas mula sa elevator ay naglakad na siya papunta sa kabilang direksyon, malayo sa kinaroroonan ko. Doon lang ako nakahinga ng maluwag kaya lumabas na ako sa pader na pinagtataguan ko.
"Muntik na." Bulong ko.
Nagtataka namang lumapit ulit sakin si Dorothy at hinila ang kamay ko.
"Tara na po, kuya. Ang bagal niyo po maglakad." Inis na sambit niya.
Pagdating sa loob ng kuwarto ay ako naman ang nagtaka dahil wala itong kalaman-laman.
Narinig kong pang bumulong si Dorothy.
"Asan na 'yun." Bulong niya sabay kamot ng ulo. "Tara kuya, doon tayo sa 3rd floor baka nandoon si manong." Pag-iiba na lang niya ng topic.
Napailing na lang ako nang tuluyan siyang maglaho kaya sumunod na ako.
Pagdating ko sa 3rd floor ng hospital ay naabutan kong seryosong nagsasalita si manong Samson habang si Dorothy naman ay nakikinig lang.
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
Teen FictionAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...