Umi's POV
Pagpasok sa kwarto, isinara ko agad ang pinto at pabagsak na humilata sa kama habang suot-suot pa rin ang uniform ko. Ilang minuto muna akong nagpagulong-gulong sa higaan dahil naalala ko na naman 'yung mga nangyari kanina.
I mean, possible naman 'yun dahil ako nga nakakita ng mga kaluluwa ng mga taong namayapa na. Pero hindi ko naman inaasahan na makaka-encounter ako ng ganoon at sa school pa.
For sure napakahirap noon tanggapin para sa kaniya, sa pagtulong pa nga lang sa mga entities na tumawid sa puting liwanag eh maii-stress ka na. Ayon pa kaya na makita mo 'yung mangyayari bago sila mamatay.
Napabuntong hininga na lang ako bago bumangon at tinungo ang banyo para maligo at magpalit ng damit.
Halos isang oras rin akong naligo at nag-ayos ng sarili ko at paglabas ko ng banyo ay bumungad sa akin si Dorothy at Owen na parehong nakangiti habang nakaupo sa dulo ng kama.
Kusa na lang umikot ang mga mata ko at hindi na lamang sila pinansin. Dumiretso ako sa vanity table para kunin ang hairdryer ko. Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng tuwalya sa ulo ko at pinatuyo ito gamit ang hairdryer.
"Hindi mo man lang ba kami tatanungin kung bakit kami nandito?" Nakangusong saad ni Owen.
"Oo nga po!" Sang-ayon naman ni Dorothy at gumaya rin sa kaniya at ngumuso rin.
"Mukha kayong pato," Walang interes na sagot ko.
Alam ko naman kung bakit ako kinukulit nang mga 'to eh. Natural magpapatulong na naman itong isa tumawid sa puting liwanag.
"A.y.o.k.o" Pinaningkitan ko sila ng mata.
"Ayoko po agad? Hindi pa nga po kami nag-eexplain." Napakamot ng ulo si Dorothy dahil sa sinabi ko.
"Kahit anong sabihin niyo, A.Y.O.K.O pa rin ang magiging sagot ko." Patuloy lang ako sa pagpatuyo ng buhok ko habang nagmamakaawa 'yung dalawa.
"Makinig ka muna sa amin, Ayumi." saad naman ni Owen.
"Sige na po, Ate. Kailangan lang po talaga makaalala ni Kuya Owen." Lumapit sa akin si Dorothy at pinagdikit ang dalawa niyang palad sabay kurap-kurap ng mga mata niya.
"Makaalala? Bakit wala siyang naalala?" Interesadong tanong ko.
"Bukod sa pangalan ko, wala na akong ibang matandaan tungkol sa sarili ko. Kaya please? Puwede mo ba akong tulungan?" malawak siyang ngumiti.
Umarte akong nag-iisip at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa na, ngumisi ako at tinitigan si Owen.
Puno ng pagmamakaawa ang mata nilang parehas.
"Still, N.O" Binawi ko ang tingin sa kaniya at humarap sa salamin. Kunware ay may inaayos ako sa vanity table kahit wala naman talaga.
"Umalis na nga kayo, bago ko pa ibato sa inyo itong hairdryer ko!" Seryosong banta ko dahilan para mapasimangot sila.
"Dali na, Ayumi. Please..." Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla lumitaw si Owen sa gilid ko
Hindi ka aalis ha. Walang emosyon akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa harap ng vanity table at binunot ang nakasaksak na hairdryer.
"Alis!" Buong lakas ko 'tong hinagis sa kaniya kahit alam kong tatagos lang ito at hindi siya masasaktan.
"You two! Stop pestering me, okay?! Sinabi kong ayoko, hindi ba kayo nakakaintindi?" Kalmado pero may awtoridad kong sambit.
Mababakas ang lungkot sa mukha nilang pareho. Hindi na sila nagsalita at naglaho na lamang kaya nakahinga ako ng maayos.
Am I too harsh?
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
Teen FictionAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...