Umi's POV
Katatapos lang namin pag-usapan ang magiging takbo ng event for the upcoming foundation day na gaganapin after the midterms week. Sa susunod na linggo na rin kasi ang midterms week that's why pinaplano na nila para hindi magsabay-sabay ang mga gawain.
Napag-usapan nga na kada strand at year level na lang ang paggawa ng mga booths para hindi mahirapan ang lahat. Pero syempre kada section ay kailangan ng representative para ma-distribute in every class ang information ng maayos at masagot agad lahat ng mga tanong.
Pero dahil nasa higher level kami ay dalawang booth ang kailangan naming gawin. Isa para sa strand at isa para sa student council. Then 'yung booth para sa student council ay kailangan pagtulungan ng mga representatives from grade 12 dahil kaunti lamang ang members ng student council.
Kasalukuyang nagliligpit ang lahat at palabas na ng meeting room.
May mga students na nagpaiwan dahil wala na silang next class and they decided na sumama sa student council na bibili ng materials sa labas na kakailanganin para sa mga booths. Habang 'yung iba ay bumalik na sa kanilang mga classroom dahil may susunod pa raw silang klase.
"Ikaw, Ayumi. Sasama ka ba?" Tanong ni Weston sa akin.
Sakto namang tumunog ang phone ko dahil may nag-message sa group chat namin.
Someone: Wala na daw prof sa susunod na dalawang subject dahil midterms na next week.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya.
"Yeah." Tanging tugon ko na lamang.
Habang pababa ng hagdan ay tahimik lang akong nakasunod sa kanila.
"Nakita mo ba 'yung nangyari kahapon?" Hindi ko namalayan na sumusunod na pala sa lakad ko si Weston.
"Oo?" Patanong na sagot ko at unti-unti bumagal ang lakad namin dahil nasa bandang likuran kami.
"No, I mean hindi 'yung accident sa labas ng school... 'yung ano..." Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil tumabi sa amin si Wendy.
Pinigilan niya kaming dalawa sa paglalakad dahilan para taasan ko siya ng kilay, nang medyo malayo na ang distansya namin sa iba ay tyaka siya nagsalita.
"Oo, nakita niya 'yung nangyari kahapon dahil nasa library rin siya. Tyaka siya rin 'yung kasama ko na hanapin 'yung lalaki." Bumuntong hininga siya bago nag-umpisang maglakad ulit.
"So alam na niya 'yung sikreto mo?" Tanong ni Weston sa kaniya.
Sikreto? Anong sikreto? 'Yung makita ang mangyayari bago mamatay ang isang tao?
"Yes, accidentally. I guess?" Mahinang sambit niya bago huminto ulit sa paglalakad at humarang sa dinaraanan ko.
"Huwag mong ipagkakalat sa iba, ha? Ikaw at si Weston lang ang nakakaalam tungkol doon." Ngumiti siya ngunit mabilis ring nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Kahit..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "ayoko sa 'yo." Umirap pa siya bago tumuloy sa paglalakad.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Weston kaya umikot na lang ang mga mata ko.
Pagkalabas ng gate ay sumakay kami ng jeep na dadaan ng SM. Tanging tawanan at chismisan lamang ng mga kasama ko ang maririnig mo sa loob dahil kami lang rin ang pasahero ni manong.
Napaismid na lang ako nang may pansin na naman akong kakaiba, may entity kaming kasabay sa jeep. Kaya sinuot ko na lang ang headphones ko at nagpanggap na hindi siya nakikita. Mukha kasing hindi siya mabait na entity dahil sa kulay itim na usok na nakapalibot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
TeenfikceAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...