Chapter 30

22 2 0
                                    

Umi's POV

Nakatulala ako habang nakaupo dito sa labas ng 7/11 sa loob mismo ng hospital.

"Umi..." narinig kong sabi ni Wendy tyaka marahan na hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

Naluluha ko siyang tiningnan.

Tinabig ko ang kamay niya nang maramdaman kong tumulo ang luha ko kaya marahas ko itong pinunasan.

"Shantel, may plano naman kaming sabihin lahat 'to sa iyo...."

Sarkastiko akong tumawa dahil sa sinabi ni Samantha.

"May plano? Kailan?! Kapag wala na siya?! Kailan?! Kapag hindi ko na siya mahahawakan ulit?!" Wala sa sariling sagot ko.

"Hindi ko maintindihan!" Isa-isa ko silang tiningnan, "b-bakit?! B-Bakit k-kailangan n-niyo itago sa 'kin lahat ng ito?! B-bakit?!"

Pilit ko silang tinulak palayo nang maramdaman kong yayakapin na ako ni Samantha.

"W-we're so sorry, Umi..." Umiiyak na rin si Wendy.

"I told you, dapat mas maaga niyong sinabi sa kaniya." Narinig kong sabat ni Kallen kaya sinamaan siya ni Wendy.

"Shantel, naalala mo 'yung sinabi ni mommy noon na na-comatoes ka rin. Kasi tumama 'yung likod ng ulo mo sa matigas na bagay dahil sa aksidente?" Natahimik silang lahat dahil sa sinabi ni Samantha.

"Wala kang masyadong naalala dahil doon, naalala mo ba kung paano kayo nagkakilala? Kayong lahat?" Isa-isa kong tiningnan 'yung mga taong nasa harap ko ngayon.

Pero maliban kay Sam ay hindi ko maalala kung paano, masyadong malabo. Hindi ko makita.

"Ayan 'yung naging epekto ng trauma sa ulo mo, pagkagising mo mula sa pagkaka-coma. Nagkaroon ka ng post-traumatic amnesia. Hindi man nabura lahat ng alaala mo pero may mga alaala ka pa rin na nawala." Paliwanag niya.

"Pero bakit hindi niyo sinabi agad sa akin?! Bakit hindi niyo agad pinaalala sa akin?!" Sigaw ko sa kanila habang umiiyak pa rin.

"Dahil magkakaganiyan ka." Walang pakialam na sagot ni Kallen dahilan para panlakihan siya ni Wendy ng mata pero balewala lang ito sa kaniya.

"Ayumi, kaibigan rin kami ni Owen. Kaya alam namin kung gaano kahirap tanggapin 'yung mga nangyari. Hindi agad namin sinabi sa iyo dahil inaantay namin na maalala mo muna lahat. Dahil iyon din ang sabi ng mama mo, unti-untiin dapat lahat para maalala mo. Pero parang iba yata 'yung plano ng tadhana. We didn't expect that you're able to see Owen's soul, you even have the chance to talk to him." Paliwanag ni Wendy.

"Remember my abilities? The moment I touched you from the night at the bus stop. I saw everything, even Owen's soul since it is part of your memory. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin sa 'yo lahat, noong magkita ulit tayo, na matagal na kayong magkakilala ni Owen...." Napahinto siya sa pagsasalita at huminga ng malalim.

"Na bago pa man mangyari ang aksidente magkakilala na kayong dalawa." Tuluyan na siyang na iyak at napaupo sa katabi kong upuan.

Napatulala na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi mo naalala? Kahit iyong umuwi ka sa bahay noon na may bitbit na mga bulaklak? Naiinis ka nga noon kasi sabi mo may gustong manligaw sa iyo na taga-ibang university pero ayaw mo sa kaniya kasi napakadaldal niya tyaka red flag." Natatawang dagdag naman ni Samantha.

Agad napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What?!" Sagot ko dahil hindi ko matandaan 'yung mga sinasabi nila.

"That was the time where Owen and I gatecrashed your school. Just to gave you that damned flowers." Walang ekspresyong sambit ni Kallen.

Narinig kong natawa si Wendy habang nagpupunas ng luha gamit 'yung tissue na inabot ni Weston sa kaniya.

His Name is OwenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon