Chapter 16

21 2 0
                                    

Owen's POV

Dalawang araw na magmula noong maayos na pag-uusap namin ni Ayumi sa tabing-dagat. Dahil ngayon balik na naman siya sa pagiging masungit na bato niya.

Ewan ko ba sa isang iyon napakahirap niyang basahin, lahat ng pinapakita niya sa mga taong nakakasalamuha niya ay salungat sa sinasabi ng mga mata niya. Pero hindi ko naman siya masisi dahil siguro 'yun sa trauma na naranasan niya, dahil sa mga nangyari sa nakaraan niya. Sino ba naman ang may gusto na mawalan ng tatay at malaman na ikakasal na pala ulit 'yung mama mo sa ibang lalaki pagkatapos ng mga nangyari.

Wala naman, hindi ba?

But I really admire how strong she is.

She managed to continue and help others even though she wasn't in the right state.

Even though she has her own problems and doesn't know how to fix them, even though she is still healing from everything.

She might be harsh with her words and actions, he cussed me out many times together with Dorothy. She threw me a lot of things, like her hairdryer and notebook, and even made me the target in archery.

She loves pushing other people away.

She loves avoiding her true feelings.

Despite that, I do believe that she has a good heart, and she's not the 'Ayumi' that everybody knows.

I could read in her eyes that she's just longing for love and comfort that have been lost ever since 'that accident' she's talking about happened.

Napailing na lang ako at napabuntong hininga bago tumalon mula sa sanga ng puno kung saan ako nakaupo kanina.

"Dorothy!" tawag ko sa batang makulit na kanina pa hinahabol 'yung kulay itim na pusa sa field ng University. Malakas talaga tama ng batang ito, siguro noong nabubuhay pa ito palagi 'tong nasesermonan ng nanay niya o hindi kaya ay nakukurot sa tagiliran dahil sa sobrang hyper.

Lumingon naman siya sa gawi ko at kumaway, iniwan niya ang pusa sa gitna ng field at patakbo na lumapit sa akin habang may malawak na ngiti ang nakapaskil sa mukha niya.

"Bakit po, kuya?" nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at ngumiti ng nakakaloko. "Gusto niyo po makita sa ate Ayumi 'no?" tumaas-baba ang kilay niya.

Natawa ako dahil sa sinabi niya, lokong bata 'to ah.

"Sira ka talaga. Hindi, ano lang—" pagkukunwari ko.

"Aysus, kuya! 'Wag ka na magkunwari, alam ko namang crush mo po si ate Ayumi eh. Sige na po, puntahan mo na po siya doon sa kanila. Dito lang po muna siguro ako, gusto ko pa po kasi makipaglaro doon sa mga pusa," napakamot siya ng ulo. "At sure po ako na sawa na po si ate Ayumi sa kakulitan ko hehe."

"Sigurado ka?" nag-aalangang tanong ko.

Ngunit nag-thumbs up lang siya sabay takbo pabalik doon sa pusa na natutulog na sana pero binulabog na naman niya, hayyyy! mga bata talaga!

Wala na akong nagawa kung hindi maglaho na lang, pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa subdivision na ako nila Ayumi. Ngunit agad napakunot ang noo ko nang maaninag ko siya sa hindi kalayuan na tumatakbo at parang may hinahabol na.... kotse?

Anong meron? Na hablutan ba siya?

Sana okay ka lang, Owen. Nasa loob siya ng subdivision paano siya mahahablutan ng car in tandem.

Imbis na habulin siya ay pumikit na lang ako ulit at natagpuan ko ang sarili ko na nasa tapat na ng bahay nila.

Ang tanging naabutan ko lang ay ang pagpasok ni Ayumi sa gate nila habang nakasunod sa kanya ang isang babae na sa tingin ko ay 'yung mama niya at isang lalaki na sa palagay ko ay 'yung tinutukoy niya sa video na siya ring bagong pakakasalan ng mama niya.

His Name is OwenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon