Umi's POV
Lumabas ako ng kuwarto habang nakikinig sa tugtog ng suot kong headphone. Nakasuot pa rin ako ng pantulog dahil 8:30 palang ng umaga. Nagunat-unat muna ako ng braso habang naglalakad papunta sa kusina. Nang maabutan ko si Samantha sa counter top na nakatulala at nagkakape.
Balak ko sana siyang gulatin pero naramdaman niya agad ang presensya ko kaya dumiretso na lang ako sa cabinet para kumuha ng baso.
"Saan ka pumunta kagabi? Bakit hindi ka pumunta sa meeting?" Wala sa sariling tanong niya habang nakatulala pa rin at hinahalo ang kape na nasa tasa niya.
Galing pa yata 'to sa trabaho at kakauwi lang dahil suot pa rin niya 'yung white uniform niya sa laboratory.
Binaba ko muna ang suot kong headphones para marinig ko siya ng maayos. Kinuha ko ang garapon ng kape na nakapatong sa pinakataas ng cabinet at nilagyan ang baso ko. Tapos sinunod ko naman ang asukal, iced black coffee na lang siguro ang gagawin ko.
"Wala. Sa tabi-tabi lang." Tipid na sagot ko at nilagyan ng kaunting mainit na tubig ang tasa, para matunaw at mahalo ng maayos 'yung kape.
"Anong sa tabi-tabi?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paghahalo ng kape. Mga nagagawa talaga ng kulang sa tulog. Natutulala na lang bigla, naawa ako para sa kape niya.
Iniwan ko muna ang tasa sa counter at pumunta sa ref para kumuha ng ice cubes kaya nakatalikod ako sa gawi niya.
"Required ba pumunta doon? Parang may maiaambag naman ako sa pag-uusapan nila. Eh, hindi naman ako interesado." Walang emosyong sambit ko bago isinara ang ang pinto ng ref.
Pagbalik ko sa counter ay napansin kong natatapon na 'yung kape kakahalo niya. Sabog na ang isang 'to.
"Hindi mo naman siguro nasinghot lahat ng gamot na ginagawa mo 'no? Kanina ka pa tulala, 'yung kape mo natatapon na." Saad ko bago humigop sa kapeng ginawa ko.
Masarap naman siya medyo kulang lang sa asukal kaya nilagyan ko ulit ng kaunti.
"Ay hala!"
Nabalik siya sa reyalidad ng tuluyan niyang natabig 'yung baso niya. Kaya napailing na lang ako. Dali-dali naman niyang kinuha ang basahan na nasa sink, na nasa likod lang rin namin at pinunasan ang natapon na kape sa counter.
Rinig kong napabuntong hininga siya. Kaya mahina akong natawa, sinamaan niya naman ako ng tingin pero nagkibit-balikat lang ako.
"You're look tired, take a rest." Sambit ko at humigop ulit ng kape.
"Pero seryoso, saan ka nga galing?" Sumeryoso ang mukha niya kaya umiwas ako ng tingin.
"Sa dagat lang," sagot ko.
"Sa dagat?! Anong ginawa mo doon— Oh wait.... DOON MALAPIT SA PINANGYARIHAN NG ACCIDENT NOON?!" gulat na tanong niya.
"Ayumi..."
Grabe naman kung makareact ang isang 'to kala naman niya susunod ako kay daddy doon sa dagat.
I rolled my eyes kaya binatukan niya ako.
"Gaga! Since when pa?!" Gulat na tanong niya.
Inirapan ko siya bago sumagot. "Simula noong gusto ako kausapin ni mommy about sa wedding nila ng lalaki niya. Ayun lang kasi ang lugar na alam ko kung saan tahimik at puwede maglabas ng sama ng loob."
Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Anong nararamdaman mo? Okay lang ba sa 'yo na magpunta ka doon? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? 'Di ba sabi ko sa 'yo puwede ka naman magkuwento sa 'kin. Kahit ano pa 'yan makikinig ako." Tuloy-tuloy na pagsasalita niya.
BINABASA MO ANG
His Name is Owen
أدب المراهقينAyumi is not a normal person since she can see things that a normal person don't, she called them 'entities'. She help them make their last wish happen so that they can cross the other side with the white light. But she realizes that it's not alway...