Zephaniah P.O.V
__________________"Love, where are you going?" tanong ko kay Gray na inaayos ang suot nitong polo.
"Do I have to tell you?" sabi nito with a sarcasm tone.
"N-no... I mean, gabi na kasi at aalis ka pa..."
"Magkikita lang kami ng mga kaibigan ko, masama ba?" tanong nito sabay tingin sakin seryoso.
"O-Okay... ingat ka, Love.."
Huminga to ng malalim at bago ito umalis ay tinapunan muna niyako ng tingin at napailing.
"L-Love.." tawag ko dito at hinawakan ko ang braso niya at tumingin sakin habang nakakunot ang noo.
"What?" tanong nito at tumingkayad ako para halikan to sa pisngi, lalong namang sumama ang itsura ng mukha nito habang pinapahiran ang pisngi niya na parang may dumi.
Naiwan akong nakayuko dahil sa pakikitungo nito sakin. Ano bang nagawa ko sa kanya at ganito siya sakin?
Asawa ko siya pero parang hindi naman. Lagi itong wala sa bahay at kung andito man siya ay lagi itong nagkukulong sa loob ng kwarto.
He's my childhood bestfriend! Nasa high-school palang kami ng mapag-usapan ng mga magulang namin na kami nalang ang magkatuluyan pero tutol siya dahil kapatid lang daw ang turin niya sakin at may girlfriend daw siya ng panahon na 'yon.
Kaso wala din itong nagawa ng ipilit yon ng mga magulang namin. Kinausap niya ako noon na tulungan ko siya na wag matuloy ang kasal na pinaghahandaan nila kaso nalaman din yon nila Tita Beatrix na Mommy ni Gray.
"Hindi ko alam na ganyan ka, Gray!" disapointed na sigaw ni Mommy Beatrix noong nagusap-usap na kami sa sala.
"Mom, sorry! Sabi ko naman kasi sainyo hindi ako magpapakasal, mga bata palang kami! At.. hindi siya ang gusto ko." sabi neto pero isang sampal lang ang natamo nito kay Mommy kaya agad akong pumagitna.
"Tita..tama na po.." sabi ko sabay lingon kay Gray at nagulat ako ng makita ang masama nitong tingin sakin.
"This is all your fault, Niah!" sabi nito kaya halos bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi nito. Umalis to at hindi pinakinggan ang sigaw ni Mommy sakaniya.
Masaya ako ngayon na asawa ko na siya pero may kulang, ang daming kulang! Sobrang laki ng harang sa pagitan namin. We're married for almost three years! After naming magcollege ay kinasal na kami.
At kahit tatlong taon na ang lumipas ay hindi pa din niya ako natututunang mahalin. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at nahiga na lamang at hinayaan ko nalang ang sarili ko na hilahin ng antok.
FIVE O'CLOCK MORNING
Naalimpungatan ako ng may malakas akong kalabog na narinig. Agad na bumangon ako at tiningnan ang orasan na nasa gilid ng kama ko.
Alas singko na. Nilingon ko ang gilid ko at wala pa ito.
Natigilan ako ng bumukas ang pinto at at niluwa non si, Gray.
"Gray..."
Agad na tumayo ako at binuksan ang ilaw at inalalayan siya pero tinulak lang niya ako.
"H-Hey.. Who are you?!" sabi nito sakin na pasuray suray sa paglakad.
Mukhang ang dami nanaman niyang nainom.
"Gray, magpalit ka muna..." sabi ko at akmang aalisin ang polo nito ng tabigin nito ang kamay ko.
"Don't you dare...touching me..you're not my wife!" sabi nito sabay ngisi sakin.
Ilang beses ko ng naririnig yon sakanya pero hindi ko pinapansin dahil sa tuwing sasabihin niya 'yon ay lasing siya, iniisip ko nalang na baka ayaw lang talaga niya akong iturin na asawa kaya niya nasasabi 'yon.
"You're not my wife..." sabi nito at bigla tong nahiga kahit hindi pa ito nakakapagpalit.
Huminga ako ng malalim at kumuha nalang ng damit nito sa cabinet pero natigilan ako sa sinabi nito.
"Our marriage...is...fake...so, don't you dare!"
Nabitawan ko ang hawak kong damit nito at nilingon siya, nakapikit ito.
Lumapit ako sakaniya at niyugyog siya." G-Gray.. what do you mean?!" tanong ko pero wala na akong sagot na narinig. Ano bang sinasabi nito?! Natatakot ako, pano kung fake nga ang kasal namin.