____________________Dumating na nga ang araw ng birthday ng kambal. Abalang-abala kami dahil sa daming bisitang dumating.
"Hija!" rinig kong tawag saakin ni Mommy na kinalingon ko dito.
"Ano po 'yon, Mom? Nasaan si Daddy?" tanong ko kaagad at tiningnan ang paligid pero ng makitang wala ito ay agad kong nilingon si Mommy.
"Mom, don't tell me hindi sisipot si Dad sa birthday ng kambal?" tanong ko at hinawakan ang kamay ko.
"Para ka namang walang tiwala sa Daddy mo, nasa labas lang ito at mukhang iniiwasan lang ang makasalubong sina Anton lalo na si Grayson." paliwanag nito na kinabuntong hininga ko ng malalim.
"Hindi naman maaaring hindi sila magkita." sabi ko at ngumiti na lamang ito ng tipid.
Inasikaso ko nalang muna ang mga dumadating pa lalo na ng dumating na sina Mommy Beatrix.
"Hello, Mom." bati ko at ngumiti ng tipid ng makita si Gray, halata ko naman ang mga tingin saamin ng mga relatives ko at alam kong napansin 'yon ni Gray pero mukhang hindi naman nito iyon papansinin pero dahil literal na mga cheese ang iba kong Auntie for my Daddy's side eh wala na ata akong magagawa pa.
"Hello Hija." bati nito at agad akong nakipagbeso.
"Hello din sa'yo, Grayson, long time no see. I didn't know that you and Zephaniah is okay now. Is your Daddy Alex approved this?" biglang tanong naman sakin ni Auntie pagkasabi non kay Gray at ngumiti ako.
"Yes, Auntie. This is only for our kids, di 'ba Gray?" sabi ko naman dito at diko alam kung sinapian nanaman ba ng kung sinong espirito ito at kung ano-ano nanaman ang sinabi.
"I doubt that, Auntie Lara. For me hanggang sana sa maaari ay gusto kong maayos kami ni Niah, after all she's still my wife by law and my heart." saad nito at humawak pa talaga sa dibdib nito at parang natuwa naman si Auntie sa narinig.
"Masaya ako at inaayos niyo ang sainyo." saad nito at hinaplos pa ni Auntie ang pisngi ko at nagpaalam na nga.
"Ano 'yon, Gray?" tanong ko.
"Ang alin?" painosento nitong tanong kaya naman kahit nanggigigil at gusto ko na siyang tirisin ay kumalma ako at iniwan na lamang ito.
After nga ng ilang chikahan at beso-beso ay nagsimula na kaming kumain at doon ko naman nakita si Ion.
Lumapit ako dito habang nakangiti at agad nakipagbeso.
"Hey, how are you?" tanong agad nito.
"Well, I am really fine, how about you?" tanong ko dito.
"Okay lang, daming cases ko pa ding inaayos. Maybe you can help me, if you want." sabi nito at nakipag-cheers pa sakin at natatawa na napailing ako.
"Alam mo kaya mo 'yan, nagiinarte ka lang dahil nakita mo ako ngayon." sabi ko dito at napahawak ito sa dibdib niya.
"Ouch, somebody help! Zephaniah is hurting my feelings again." sabi nito at pinalo ko ito ng mahina dahil sa mga kalokohan nito.
"Hmm. Oo nga pala, you didn't tell me that Mr. Montero is back." sabi nito.
"Well, you're such a busy, busy Attorney man so how can I?" pang-aasar ko lalo at tinuro naman ako neto ng natatawa at uminom ng wine nito.
"Hoy, hinay-hinay lang ha, e di ba may flight ka pa tomorrow?" sabi ko dito at nagnod ito.
Nakita ko naman si Gray na papalapit saamin at sobrang serious ng face niya.
"Hi!" bati nito kay Ion kaya naman napaayos ako ng tayo lalo pa't si Ion ang Attorney noon ng makulong si Gray.
"Uhm..Gray.."
"I know you. Di ba ikaw si Attorney Buenaventura?" saad ni Gray at tumingin naman sakin si Ion ng nagpipigil matawa.
"Yes, ako nga 'yon." sabi nito.
"What is funny?" tanong kaagad ni Gray kaya mas kinabahan ako, talaga ba?
"Gray!" saway ko dito pero hindi niya ako pinansin.
"Oh. Don't get me wrong, bro. Hindi kita pinagtatawanan, natawa lang ako dahil...hindi ko inaasahan na magkikita tayo ulit after six years ng ganito." sabi nito at tumango-tango din si Gray.
"Yeah. I didn't expect to see you here too." saad nito at nakipagtitigan pa talaga kay Ion at ng medyo matagal na talaga ang titigan nila at parang may nararamdaman na akong hindi kanais-nais na tensyon ay hinila ko agad si Gray.
"Sige, Ion, mamaya na lang." paalam ko at tinaas lang nito ang kamay para sabihing okay lang at hinila ko na nga palayo si Gray at lumabas kami.
"Talaga ba Gray? Ano nanaman 'yon?" tanong ko dito.
"I didn't do anything? I'm just being nice to him, di ba. After all he's the Attorney that time, gusto ko lang ipaalam dito na wala akong hidden na galit dito." sabi nito na may diin pa talaga sa 'Hidden' nito na kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
"Oh really? Bakit parang feeling ko kabaliktaran yung sinabi mo." tanong ko dito na kinatawa nito ng mahina.
"Hindi ah, wala talaga. 𝗔𝘀 𝗶𝗻 𝘄𝗮𝗹𝗮! 𝗪𝗮𝗹𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮!" saad nito na kinairap ko nalang dahil halata naman na nagsisinungaling ito.
Papasok na sana ako ng pigilan niya ako. "Ano 'yon?" tanong ko at tiningnan siya.
"Let's stay here, please." saad nito at nagulat naman ako sa pagka-sincere ng mukha nito at napatingin pa ako sa loob lalo pa't andon si Daddy.
"Bakit ba?" tanong ko at sinundan siya hanggang makalabas kami ng gate.
"Ayoko sa loob, you're family is kìlling me earlier." sabi nito at natawa ako ng mahina.
"Sira." sabi ko at inabot naman nito ang isang beer na bukas na at ang isa ay ininom nito.
"Thanks." sabi ko at pareho naming tiningnan ang kalangitan.
"God, kailan kaya ako mapapatawad ng pinakamamahal kong babae?" biglang tanong nito kaya tiningnan ko siya at nakatingin pa din ito sa itaas.
"H'wag mo akong tingnan ng ganiya, My love." sabi nito na kinasimangot ko.
"Bakit Love naman talaga ang endearment na'tin ah." pagpapa-cute neto eh hindi naman bagay.
"Papasok na ako." seryoso kong sabi pero pinigilan niya ako.
"Hey, hindi na, promise." sabi nito at napangiwi nalang ako at huminga ng malalim saka ininom ang beer na hawak ko.
"Nakakatawa no." bigla nitong sabi.
"Ang ano?" tanong ko.
"Ang lahat, as in lahat. Everything changed a lot. Especially us." sabi nito.
"Gusto kong ibalik ang lahat sa dati, 'yung panahong mahal mo pa ako dahil hindi mo pa alam ang kasalanan ko." sabi nito.
"Ngayon kasi hindi ko na alam." patuloy nitong pagsasalita pero ako ay nanatiling tahimik.
"Just one thing I want to know right now, Niah----"
"Stop, Gray. I won't answer any question from you." sabi ko at iniwan na siya't pumasok na ako sa loob. Huminga ako ng malalim.